Chapter 39

10.7K 316 20
                                    

Living the dream 

Meg

"Finally malinis na!" Ibinaba ko ang gitara sa guitar stand at uminom ng tubig. Balik practice na ulit kami after ng Christmas dahil may mga pending gigs pa kaming dapat gawin.

"Kamusta Christmas nyo?" Tanong ni Tomo habang pinipicture-ran ang bass guitar nya.

"Masaya kasi namiss ko ang mga kapatid ko." Masayang wika ni Rei na sobrang close sa mga chikiting nyang kapatid.

"Nasa bahay lang ako, gusto ko sulitin ang bakayons natin." Sagot naman ni Miki.

"I met Lid's family."


Napatingin sila sa akin dahil sa sinabi ko. Alam kong nagulat sila dahil ayaw na ayaw kong nakikilala ang pamilya ng mga nakakarelasyon ko. Alam nila ang history ko about my family kaya alam nila na hindi madali sa akin yun.


"How was it?" Tanong ni Rei habang inaayos ang drum set nya.

"Okay naman pormal naman nila akong hinirap kaya lang pakiramdam ko ayaw sa akin ng daddy ni Lid." Masyado kasing pormal ang pakikitungo sa akin ng Mr. Valencia samantalang hindi naman ganun ang pag trato nya kay Ella.

"Bakit mo naman nasabi yan?" Tanong ni Miki pag upo sa sofa.

"Feeling ko lang naman pero okay naman sila."


Hindi ko alam kung masyado lang akong over thinker pero yun kasi talaga ang pakiramdam ko. Isa pa si Keni na mukhang hindi pa rin tanggap na kami na ni Lid. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.


"Meg, have you seen the video of you and Wind?"

"Hindi pa bakit?" Sagot ko naman kay Tomo.

"Halos 7 million views na sya sa youtube, that's really something huh." Kumento naman ni Miki.

"Ang balita ko gagawa daw tayo ng collaboration with Tempest." Excited naman na balita ni Rei kaya napatingin ako sa kanya dahil na excite din ako sa sinabi nya, I mean, Tempest is the hottest band today, so everyone wants to do a collaboration with them.

"Rei, totoo ba yan?"

"Not sure pero kaya nga tayo pinapunta ni Unice dito kasi makikipag meeting tayo sa kanila."

"Shit..."

"Girls, mabuti naman at nandito kayong lahat," Umpisa ni Unice ng makapasok sa loob ng studio pero napako agad ang mata amin sa likod nya dahil kasama pala nya ang Temspest kaya napatayo kami sa pag kakaupo.


Nag katinginan pa kami ni Wind at sabay napangiti. Ang totoo ay mababait ang lahat ng members ng tempest kaya wala kaming kabang nararamdaman at mas lamang ang excitement.


"Girls, meet the Tempest and Mr. Kris Fords." Pakilala ni Unice sa likod nya kaya agad kaming nakipag kilala at nakipag kamay sa mga bagong dating, ganun din ang ginawa nila na mukhang bukal naman sa loob nila na makita kami.


Saglit kaming iniwan ni Unice at Mr. Kris Fords dahil may pag uusapan pa ata silang importante kaya naiwan ang Tempest sa pangangalaga namin.


"Are you done practicing?" Tanong ni Wind.

"Yes, we just did arrange our songs." Sagot ko naman habang nakasunod sa kanya dahil nag lalakad sya sa loob ng studio.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon