Chapter 1

34.2K 511 42
                                    

Mara

Napatigil ako sa pag hahanda ng pag kain sa lamesa ng marinig ko ang doorbell, napangiti ako at nakaramdam ng excitement dahil alam kong nandito na si Lid. Inayos ko ang sarili bago patakbong binuksan ang pinto ng condo.  Dalawang buwan na kaming nag sasama sa iisang bubung at masaya ako dahil wala kaming nagiging problema maliban nalang sa hindi pa sya nag aalok ng kasal sa akin pag katapos n’yang bumalik sa isang business deal sa Japan.

Naalala ko pa kasi ng sabihin sa akin ni Ella ang plano ni Lid na yayain akong pakasal, hindi ko makakalimutan ang pag iyak ko dahil hindi ko akalain na ganun pala kaseryoso sa akin si Lid dahil alam ko naman na hindi ako mabuting babae. Inagaw ko ang asawa ng best friend ko at sobrang pinag sisisihan ko naman yun. Nag mahal lang ako.

Pag bukas ko ng pinto ay bumungad agad sa akin si Lid na may hawak ng flowers at malawak na nakangiti. Ang gwapo talaga nya, lalo na ang balbas nya na mas nakakadagdag sa pagiging ruggedly handsome nya. I’m a lucky girl to have him and I will never let him go.

“Bulaklak para sa magandang babaeng sa harap ko.” Wika nya saka ibinigay sa akin ng flowers. Kinikilig na tinanggap ko yun. Sa loob ng dalawang buwan ay palagi nyang akong binibigyan ng bulaklak kaya inaasahan ko na rin naman ito ngayon araw pero ang kilig at saya na nararamdaman ko ay palaging bago at tumitindi pa sa pag lipas ng panahon.

“Thanks, how’s your day?”

“Okay naman, smooth pero mas excited kasi akong umuwi kasi nandito ka.” Hinapit nya ako sa bewang at binigyan ng halik sa labi. Tinugon ko yun sa abot ng makakaya ko. Si Lid kasi yung klase ng lalaki na sobrang humalik, yung bang hanggang sa maubusan ka ng hininga bago ka pakawalan. “ Na miss ko agad ang labi mo.” Bulong nya pag katapos ng halik.

“Ako din, pero bago mo ako gahasain ay kumain muna tayo, niluto ko ang mga favorites mo.”

“Wow! Nagutom ako bigla, tamang-tama kailan ko ng energy para gising ako mamaya.” Kinindatan nya ako bago nya nilantakan ang pag kain na handa ko. “Ang sarap mo talaga mag luto, thanks mahal ko.” Dagdag nya bago muling kumain.

Nakatingin lang ako sa kanya habang parang syang bata na kumakain. Hinding-hindi ako mag sasawang pag silbihan sya dahil mahal na mahal ko sya. S’ya ang naging ilaw ko sa mga panahon na nasa dilim ako. S’ya ang nag ligtas sa akin sa maduming buhay na meron ako.

Pag katapos kumain ay sa sofa kami humantong. Mag kayakap lang kami habang nag lalambingan at nanunuod ng t.v.  ganito lang lagi halos ang routine namin dahil hindi naman ako mahilig gumala, mas gusto ko yung nasa bahay lang at nag babasa ng libro. Napatingin ako sa kanya ng mag salita sya.

“Mahal ko, sa tingin mo, kapag nag ka anak na tayo ganito pa rin kaya tayo?”

“Oo naman, siguro mas iingay lang kasi may mga makukulit na batang magpapasakit ang mga ulo natin.”

“Ibig sabihin ba hindi mo na ako be-babyhin?” Nalukot ang mukha nya ng tingalain ko sya. Tinukod ko ang baba sa dibdib nya bago ang salita.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon