Chapter 46

11.5K 420 116
                                    

Closure 

Ngumiti ako at inalis ang gitara sa katawan. Kakatapos lang ng practice namin. Gumagawa na kami ng arrangement para sa list of songs ng tutugtugin namin para sa homecoming concert sa MOA Arena.

Umupo ako sa sofa at uminom ng tubig. Sa tuwing matatapos akong kumanta ay ibang kasiyahan ang nararamdaman ko. Mahal ko ang pag kanta at hindi na yun mawawala sa akin.

"Saan tayo after?" Umupo si Rei sa tabi ko.

"Kayo? Wala naman na tayong schedule for today." Sagot ko. Tapos na kaming mag practice at wala na kaming gagawin.

"Ayoko pang umuwi." Wika ni Rei.

Kahit naman ako ay ayaw ko pang umuwi dahil malulunod na naman ako sa pag iisip. Lahat ginagawa ko para ma-divert ang isip ko.

"Sa condo mo nalang tayo Meg!" Singit ni Tomo saka humilig sa balikat ko.

"Gusto nyo doon?"

"Oo doon nalang." Lambing ni Tomo sa akin.

Kinurot ko ang ilong nya kaya tumawa sya. Si Miki ay gusto rin na sa condo nalang kami kaya doon nalang kami tumuloy. Nag luto ako ng pag kain at nag jamming kami sa music room ko. Nag kwentuhan at nag kayayaan manuod ng movie.

Si Tomo ang namili ng palabas kaya hindi ko alam kung anong papanuorin namin.

"Starting over again?" Nalukot ang mukha ko at niyakap ang tuhod ko.

"Maganda daw yan eh, try natin." Ngisi pa ni Tomo.

Tumabi sya sa akin at nag simula na kaming manuod. Tahimik lang ako at hindi nag sasalita habang pinapanuod ko kung paano mag simula ang love story ni Ginny at Marco. Maganda sa umpisa pero anong nangyari?

How can a love so true end that way?

Nakahiga ako sa kama at iniisip ko pa rin ang naging love story ni Ginny at Marco. Ginny decided to leave Marco because of her dream. Marco was left behind hurting. Biglang kong naisip kung nasaktan ba si Lid ng umalis ako. Gaano kayang sakit ang naramdaman nya? Matagal ba?

Tigilan mo na Meg, masaya na sya, ibig sabihin nakalaya na sya sa sakit.

Sa dulo ng palabas ay may isang bagay ang nakapag pabagabag sa akin. Ang closure scence. Sobrang tumagos sa puso ko yun. I have always believed that closure is a privilege not everyone can have. But lately, I have been thinking that it is something that everyone deserves.

When we start opening up to someone and feel the connection, everything always seem to be in sync. Gagawa kayo ng mga plano ng mag kasama at mag tatayo kayo ng future na parang walang katapusan.

Pakiramdam mo na yung taong yun ay iba sa lahat ng nakilala mo. Tapos dahan-dahan, bigla syang mawawala sayo. It's like pushing yourself to a cliff not knowing if your parachute will work. You jumped wholeheartedly and were left alone.

You were left hanging...like a lost puppy waiting for a familiar face to return.

Maiiwan ang mga tanong sa isip mo. Mga pangakong hindi nasabi. Ang mga 'What if's' na laging nasa utak mo.

Sa pag iisip ay hindi ko namalayan na nakatulog ako. Nagising nalang ako sa isang tawag kaya sinagot ko yun. Ang aga-aga ng bubulabog!

"Good morning beautiful, gising na!"

Napangiti ako sa pamilyar na boses na sumalubong sa akin. Muli akong pumikit at hinawakan ang noo ko.

"Wind!"

"Anong plano? Bakit natutulog ka pa?"

I rolled my eyes kahit hindi nya kita."Mamayang gabi pa ang schedule namin kaya may karapatan akong mag pahinga."

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon