Chapter 25

15.3K 433 51
                                    

Forbidden love

Napakagat labi ako ng maramdaman ko ang yakap ni Lid mula sa likod ko at pag dampi nya ng halik sa balikat ko. Nasa isang souvenir shop kami sa town at namimili. Tumingin ako sa paligid. Buti nalang at wala masyadong tao kaya hindi nakakaasiwa.

"What do you think of this?" Tanong nya saka ipinakita sa akin ang isang blue t-shirt na may printed name na Baler.

Ngumuso ako. "Maganda, bibilin mo?"

"Yup, gusto kong bigyan yung mga employees ko sa driving school."

Tumango ako at lumingon sa kanya. Bumitaw sya sa pag yakap sa akin at kumuha ng sampong iba't-ibang damit. Kumuha naman ako ng mga matamis na pag kain kagaya ng maning minatamis at makapuno at kung ano-ano pa.  Pag pumunta nya sa counter ay inilagay na yun ng isang babaeng tindera na titig na titig sa kanya pero hindi nya napapansin dahil sa mga key chain sya nakatingin.

"Babe, are you done? Babayaran ko na." Wika nya saka lumapit sa akin at kinuha ang mga hawak ko para ilagay din sa counter.

"No, ako na."

Nakita ko ang masamang tingin nya. "Ako na mag bayad."

"Kaya ko din naman." Hindi kasi ako sanay mag palibre sa iba kung alam ko naman na kaya kong bayaran.

"I know but I'm the guy I should be the provider."

Napatingin ako sa dalawang babaeng tindera na parang kinilig sa sinabi ni Lid. Umiling nalang ako at tinaas ang dalawang kamay para sumuko. Kung gusto yang bayaran edi sige ibigay ang hilig.

Pag katapos namin bayaran ang mga pinamili ay nag lakad na kami palabas ng shop. Napatingin ako sa kamay nya ng hawak nga ang kamay ko. He intertwined our fingers. Yumuko ako at ang bahagyang napangiti, buti nalang at naka cup ako kaya hindi nya kita kung anong itsura ko.

Habang nag lalakad ay nadaanan namin ang malaking Baler na kulay pula. Maraming nakapila doon para mag papicture.

"You wanna take some pictures?" Yumuko sya para bahagyang mag tagpo ang mga mukha namin. He's tall so he needs to adjust.

"Ang daming tao eh." Nakikita ko palang ang pila ay nawawalan na ako ng gana.

"Hindi naman mahaba eh, tara pila na tayo."

Hinatak nya ako sa gilid para pumila. May mga ilang tiga doon na ginagawang camera person ng mga turista. Natawa pa ako dahil may isang couple na mukha tanga na nag pose, nakatayo kasi ang lalaki sa taas ng malaking L at ang babae naman ay nasa baba nun, naka spread ang mga kamay nila na parang akala mo lilipad. Ang baduy.

"I won't do that." Bulong ni Lid sa sakin. Mukhang pareho pa pala kami ng naiisip.

"Me neither." Tumawa pa ako pero nawala yun ng mapansin ko ang titig nya sa akin. "What?"

Umiling sya. "Nothing, you look beautiful when you are smiling."

Namula ako at umiwas ng tingin sa kanya. Kinagat ko ang ibabang labi ko at huminga ng malalim. Arghhh! Lid, bakit ka ganyan!

"Hey, bakit ayaw mo akong tingnan?" Tanong nya saka hinawakan ang baba ko para iharap sa kanya.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon