Chapter 19

14.1K 399 28
                                    

Hanap-hanap

Ngumiti ako ng malawak pag katapos ng isang maganda at malinis na tugtugan. Nasa studio kami ngayon para mag practice. Nag katinginan kaming apat at kita sa mga mukha namin ang satisfaction sa ginawa namin. Sumulyap naman ako kay Unice na nakaupo lang habang tumango-tango pa na parang nagustuhan din ang tugtog namin. What can I say? We are Girlsm and we are awesome.

Tinanggal ko ang strap ng gitara sa balikat ko at inilagay sa guitar stand ang isa sa lagi kong ginagamit na electric guitar. I have lots of guitar but I also have favorites, one of them is my Fender Mexico Classic Player Series Tele Thinline Deluxe (black and white). Oh boy, that's one of my baby aside from Zorro—my rabbit.

"Jed, what do you think?" Tanong ko saka umupo sa tabi ni Unice at uminom ng warm water.

Saglit ng isip si Jed na parang binabalikan ang narinig nya. Lumapit na rin si Tomo at Miki, ganun din si Rei na may hawak na face towel at pinapahid ang pawis nyang leeg.

"Okay naman, nabilis lang ng konti sa palo si Rei, from 4-beats to 6-beats, maybe because of lack of sleep or something?"

Nalukot ang mukha ni Unice. Nag katinginan kaming tatlo nila Miki at Tomo at ngumiwi. Totoo ang sinabi ni Jed na kulang sa tulog si Rei pero damay kaming tatlo doon. Nag lasing kasi kami kagabi.

Meg, Ikaw lang ang nag lasing, tipsy lang yun tatlo, chosera ka!

Hoy! Halos hindi na nga makatayo sila Miki at Tomo kagabi kung hindi pa inalalayan ni Manong Lito at si Rei din. Manahimik ka isip!

Sus! Nag dahilan pa, mana ka kay Lid. Baka!

"Ayan...mag lasing pa kayo huh!" Sarcastic na wika ni Unice.

Lumapit si Tom okay Unice at yumakap. "Hindi na nga eh, saka minsan lang naman yun, Unice."

"Oo nga Nice." Segunda ni Miki.

Napatingin ako kay Rei ng tahimik syang umupo sa tabi ko, bakas sa mukha nya na may malalim syang iniisip. I elbowed her to grab her attention,

"Problema?"

Umuling lang sya. "Wala..." Tigil nya saka nag salita ulit. "Meg, ayaw mo kay Lid diba?"

"Huh?" Nabuhay ang dugo ko sa pangalang binanggit nya.

Muli nyang pinahid ang towel na naka sampay sa leeg nya habang tahimik na nag hihintay sa sagot ko. Anong sasabihin ko? Wala syang alam na may gusto na ako kay Lid dahil matigas ang pag tanggi ko dati na ayaw ko na makasal.

But look at you now? You are crazy in love with that ruggedly handsome man.

Shut up mind!

Ngumiwi ako bago sumagot. "Well, Oo ayoko kay Lid."

Sinungaling ka Meg! Manahimik ka!

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon