Chapter 11

14.9K 436 47
                                    



Napaka tipid ng mga salita na lumalabas sa bibig namin ni Lid habang nasa kotse kami. Panakanaka ko syang tinitingnan habang nag nadadrive sya. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko makuha ang sagot kung bakita nya ako niyayang mag lunch. Alam kong wala naman masama pero may girlfriend na sya.


Saglit nawala ang atensyon ko sa pag iisip kay Lid ng marinig ko ang kanta namin sa radio. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nahiya dahil naririnig nya ang boses ko. Hinimas ko ang noo ko dahil gusto kong patayin ang DJ na nag patugtug ng kanta namin.


Nag katinginan kami saglit at nag iwas din ng tingin. Bumuga ako ng hangin at saglit pumikit dahil pakiramdam ko ay mapula ang mukha ko sa hiya. Niliko naman nya sa parking lot ang sasakyan.


Naalala ko ang pag hihirap namin para kantang yun. Halos ihagis ni Rei ang drums stick nya dahil may part dun sa rolling nya na hindi nya makuha dahil medyo komplikado.Habang tumatagal kasi ay pahirap na ng pahirap ang mga piyesa na tinutugtug namin na ibig sabihin lang din na nag iimproved pa kami lalo.


"Ang ganda ng kanta nyo ah." Komento nya pag katapos patayin ang makina ng sasakyan.

"Thanks." Sagot ko at ngumiti pag sara ko ng pintuan ng kotse.


Lumapit sya sa akin galing sa kabilang side kaya mag katabi na kami. Nag tagpo ang mga mata namin at sabay kaming napangiti at umiwas. Pinaypay ko ang kamay ko sa tapat ng mukha ko.


Kinamot ni Lid ang batok nya saka nag pout. Ang gwapo talaga nya.


Ayan ka naman Meg, pinupuri mo na naman sya, kaya lalo kang nahuhulog eh. Oo na, hind na nga eh!


Initsa nya ang kamay para paunahin akong mag lakad. Ngumiti ako at naunang mag lakad. Ginala ko rin ang paningin ko sa paligid at nag hanap ng kakainan. Tahimik lang sya sa tabi ko. Minsan ay nakikita ko syang nakatingin sa mga batang nakakasalubong namin tapos bigla nyang ngingitian at mag bebaby face.


Mahilig talaga sya sa bata. Isang katangian nya yun na gustong gusto ko dahil ibig sabihin lang nun ay magiging mabuti syang ama kapag nag karoon na sya ng anak.


Sabi ko naman kasi sayo Meg, try mo mag pabuntis.


Shut up mind!


Hahahaha! Pikon! Pero aminin mo, gusto mo rin.,,


Hindi kaya...


Napapangiti ako sa mga iniisip ko. Hindi ko namalayan na nakatingin na pala sya sa akin kaya ng lingunin ko sya ay mataman nyang pinag aaralan ang mukha ko. Nanlaki ang mata ko at nawala ang pag kaka nguso ng labi ko.


"Where do you want to eat?" Tanong nya.

Pinapormal ko ang mukha ko. "Sa..sa Tokyo-tokyo." Yun kasi ang unang nahagip ng mata ko.

"Tokyo-tokyo then." Tumango-tango sya saka kami nag lakad ulit.


Pag dating doon ay halos mamilipit ang mga ng mga babae dahil panay ang tingin nila kay Lid kapag nadadaan namin sila. Gustong ko tuloy mapataas kilay dahil pakiramdam ko ay sya ang celebrity at hindi ako. Well, gwapo naman kasi talaga sya walang duda.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon