Chapter 30

13.9K 356 29
                                    

Two is better than one 

Pag alis ni Lid ay parang may kulang sa paligid ko na hindi ko mawari. Iba kasi talaga ang epekto nya sa akin. I'm so smitten with him. Inaayusan ako ni Edcel para sa performance namin mamaya. Malapit na kasing mag umpisa kaya nag hahanda na kami.


"Ayan Meg ang pretty mo na. Light make up lang yan para hindi ka mag mukhang clown."


Ngumiti ako at tumayo pag katapos ng sinabi ni Edcel. Sumunod si Miki na umupo sa inipuan ko. Natigilan ako ng marinig ko ang pag announce ng host na mag uumpisa na ang performance ng Tempest kaya nag lakad ako palabas ng tent at nag punta sa backstage. Tinapik ko si Rei sa balikat kaya lumingon sya sa akin. Tumabi ako sa gitna nila ni Tomo.


"Mag start palang sayang wala si Miki sya pa naman ang pinaka baliw sa Tempest." Wika ni Rei habang nakatuon ang panunuod sa nag aayos na banda sa unahan ng stage.

"Umuwi na si Lid?" Tanong ni Tomo.

Ay naman, bigla ko na naman tuloy na miss ang beau ko. Humalikipkip ako bago sumagot.

"Oo umalis na may pupuntahan pa yun."

"Sayang at hindi sya makakanuod." Dagdag ni Rei.

"Kaya nga eh, pero after nito mag di-dinner kami." Masayang kong balik.

Tomo bumped her hips to mine. "Landi!"

"Heh! Ingit ka lang! Mag hanap kana kasi ng bago mo, tagal na nung huli huh."

Sumimangot sya. "Nako, sakit lang yan ng ulo saka kailangan ko munang mag kakotse bago yan."


Natigil kami sa pag uusap ng mag umpisang mag salita si Wind kasabay ng malakas na sigawan ng mga tao.


"Good evening folks! I have something to confess. Philippines have the best crowd among the countries that we had performed at! Miss ko ang pilipinas!" Sigaw ni Wind kaya muling na puno ng sigawan ang buong lugar.

"He knows how to pacify the crowd." Kumento ni Rei.

"Just like Meg who's good at sugarcoating." Ngisi ni Tomo.

Tumingin ako sa kanilang dalawa. "Hey, I just know how to perform that's all."


Hindi na kami nag karinigan ng mag umpisang tumugtug ang Tempest kaya sumabay na kami sa sigawan ng crowd at kasabay din ang mga katawan namin sa tugtug ng banda.


Pag katapos ng pang limang kanta ay pawisan na ang apat na lalaki sa stage at lalo pang umingay ng mag hubad si Luke Montgomery sabay hagis ng basang damit sa crowd na parang mga lagam na pinag agawan ang damit.


"Luke Montgomery is the hottest bassist I've ever seen in my life!" Nakagat labing wika ni Rei.

"Mas hot pa kay Lee?" Halakhak ni Tomo.

"Shut up!" Tingin ni Rei ng masama kay Tomo.

Nag taas ng kamay ang huli. "Wala na akong sinabi. Wala na."


Tumingin ako kay Wind na nag basa ng buhok at parang commercial model ng sinuklay ang taas-taas nyang buhok. Nagulat ako ng tumingin sya sa gawi ko at ngumiti. Walang dudang gwapo sya at malakas ang dating.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon