Chapter 49

15.2K 475 62
                                    

Home

Dalawang linggo ang lumipas pag katapos ng pag uusap namin ni Lid. Hindi ko nga alam kung pag uusap nga yun dahil nag sigawan at sumbatan lang naman kami, pero nag karoon ng pag lilinaw ang lahat sa amin.

Nalinawan ako sa totoong estado ng relasyon namin. He is still mine. Ang sarap sa pakiramdam na yun ang katotohanan. Oo, nag tampo ako dahil sa pag sisinungaling nya sa akin pero mahal ko sya, alam kong hindi mag tatagal ay bibigay ulit ako sa kanya.

I just need to trust him again para maibalik ng buo ang pag mamahal ko sa kanya.

For me, trust is a fragile thing. When you trust someone, you allow yourself to be vulnerable. You let that person in. You give that person your heart, your entire soul, and believe that despite all of the crap in the world, they will take care of it.

But the thing about trust, wala syang kasiguraduhan. It is a testament of faith, that despite all the odds and no matter what the world says, you believe the person you love will do you no harm.

I believe that, you can't truly love without trust. Any relationship that isn't built with a secure foundation of faith will break. Alam kong mahal ko si Lid, pero hindi pa ganun ka buo ulit ang tiwala ko dahil, may mga bagay pa akong gustong masiguro, bago ko ibigay ulit ang sarili ko sa kanya ng buong-buo.

Pag labas ko ng kwarto ay nakita ko si Lid na nag luluto sa kusina. Pinagmasdan ko sya at pilit ipinapasok sa sarili ko na totoong nandito sya sa tabi ko.

Napakurap ako ng humarap sya at nag tama ang mga mata namin. Natigilan sya sandali saka muling gumalaw para ilagay ang sinangag na niluto nya sa mangkok. Bahagya pa akong ngumiti dahil ang cute nya sa suot nyang white apron.

"Gutom kana?" Tanong nya at lumapit sa akin.

Huminga ako saglit dahil alam kong makakalimutan ko na naman huminga kapag malapit sya sa akin.

Tinawid nya ang distansya namin at kinuha ang dalawang kamay ko. Tumingin ako doon dahil ramdam ko ang init ng mga kamay nya.

"Anong niluto mo?" Tumingin ako sa lamesa.

"Wala ng laman ang fridge mo, puro noodles lang ang nakita ko," Siminangot sya. "Are you eating properly?"

"Wala lang kasi akong time mag luto, kaya puro instant noodles nalang muna ang binili ko." Yun naman talaga ang totoo. Busy kasi kami sa nalalapit na homecoming at mga endorsements namin.

"Kahit na, dapat kumain ka ng tama, paano kung mag kasakit ka?"

Gustong kong matawa dahil lukot na lukot ang mukha nya. Inalis ko ang kamay ko sa kanya at pumunta sa lamesa.

Pritong itlog, bacon, pancakes, hotdog at sinangag ang hinanda nya

"Nag grocery ka?" Tanong ko habang kumukuha ng pag kain para ilagay sa plato ko. "Ang dami mo naman niluto."

"Dinamihan ko talaga para marami kang makain."

"Lid, hindi ko'to mauubos!" Maktol ko dahil sayang naman kung iiwan lang namin.

"Yung tira mo kakain ko, basta kumain ka, please.." Bakas ang pag mamakaawa sa boses nya.

"Okay, okay, I will."

Nag umpisa akong kumain. Tumabi sya sa aking at kumain na rin. Simula ng mag usap kami ay dito na sya sa condo tumutuloy, pero hindi kami nag tatabi, doon sya sa kabilng kwarto.

Dalawang linggo na kaming mag kasama pero hindi pa ulit namin napag uusapan ang tungkol sa marriage namin. Kahit ang tungkol kay Mara at sa anak nila ay hindi pa namin na pag uusapan.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon