Chapter 13

13.6K 369 58
                                    


Napaigtad ako ng maramdam ko ang kamay ni Mimi sa balikad ko. Nilingon ko sya at nakita ko ang mapanuring tingin nya kay Mara. Muli kong tiningnan si Mara na kausap si Lee at mukhang binibenta ang kasama nyang babae.

Hagip din ng mata ko ang pag bungisngis ni Tomo at pang aasar nya kay Rei habang nakatingin sila sa gawi nila Lee at Mara kasama yung babaeng Tin ang pangalan.

"Ayan ba yung girlfriend?"

Napatingin ako kay Mimi ng sabihin nya yun sa tapat ng tenga ko. Naramdaman ko din ang kamay nya na umakbay sa balikat ko.

Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Oo."

"Mukhang naman palang pokemon."

"Mimi!" Nilingon ko sya at sinaway. Minsan talaga ay napakatabil ng dila nya, yung bang hindi mo alam kung anong lalabas sa bibig nya.

"Bakit? Totoo kaya. Kamukha ni charizard." Simpleng sagot nya pa habang sinusuri si Mara na ngayon ay tumatawa.

Umiling nalang ako at hindi na nag salita. Ayokong pahabain ang isang pag uusap na wala naman magandang patutunguhan. Ang totoo kasi ay natatawa ako at ayokong tumawa. Hindi naman mukhang pokemon si Mara, masyado lang exaggerated si Mimi.

Hay nako Meg, bakit ganyan ka? Diba dapat magalit ka kasi nasa harap mo ngayon ang babaeng umagaw sa lalaking mahal mo?



Hindi naman nya inagaw eh, sa kanya naman talaga una palang, ako nga yung bigla nalang sumulpot diba?

Oo nga, pero kasalanan mo ba na pinag tagpo kayo ng tadhana at ipinaksal ng tatay mo?

Hindi, pero hindi rin naman kasalanan ni Mara na una syang dumating sa buhay ni Lid. Sila ang nag mamahalan at pang gulo lang ako sa kanila.

Oo, pang gulo lang ako. Ako yung kontrabida sa love story nila. Kung nasa isang pelikula kami...ako yung kakainisan ng mga tao kasi inagaw ko sa bidang babae yung lalaking mahal nya.  Alam kong hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito pero hindi ko mapigilan. Napapaisip ako na paano kaya kung hindi ako dumating sa buhay ni Lid? Kasal na kaya sila ni Mara? Masaya na kaya sila? Ano kayang nangyari kung hindi ako dumating? Ano kayang nangyari sa buhay ko kung hindi ko nakilala si Lid?

Kung hindi mo nakilala si Lid. Siguradong hindi ka masasaktan.  Tama...hindi ako masasaktan dahil hindi ko mararamdam ang ganito. Ang mag mahal. Ni hindi ko nga alam kung mahal ko na ba sya. Basta ang alam ko lang, nasasaktan ako.  

Hindi ako pumalag ng hilahin ako ni Mimi paupo at binigyang ng alak. Dito ko nalang ibibuhos lahat ng tanong sa isip ko na hindi ko pa masagot. Naka tatlong baso na ako at medyo tipsy na kaya tawa nalang kami ng tawa ni Mimi. Si Zia naman ay isang baso lang ang ininom.

"Ang corny mo! Bakit isa lang yan!" Turo ni Mimi sa baso ni Zia. Tumingin si Zia sa kanya. Hawak nya ang phone nya at kanina pa may katext.

"Magagalit si Yuan."

"Tanginang Yuan yan, wag mo ngang intindihin yun! Loser yun loser!"

"Ah basta, ayoko na uminom, pupunta dito si Yuan, ayoko na mag talo pa kami kung iinom ako."

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon