Epilogue

24.9K 592 95
                                    

Epilogue

Nag babasa ako ng mga papeles pero saglit akong natigilan ng makita ko ang isang picture frame sa gilid ng table ko. Kinuha ko yun at pinagmasdan. It's our wedding picture.

Limang buwan na ang lumipas pag katapos ng church wedding namin ni Meg at hindi pa rin ako makapaniwala.

Two years ago, akala ko hindi na ako magiging masaya pa dahil hinayaan kong mawala sya sa akin. Hinayaan ko na buksan nya ang pinto palayo sa akin.

Nagalit ako sa kanya at sa loob ng dalawang tao ay pinilit ko na kalimutan sya pero hindi ko kaya. Lahat ng nakikita ko ay sya ang naalala ko. Lahat ng gagawin ko ay iniisip ko kung anong magiging epekto sa kanya.

I hated her but I so fucking loved her and still love her. Hindi nabawasan, mas lalo pa ngang nadadagdagan sa pag lipas ng mga araw.

Naalala ko ang isang professor ko noong college. He always ends up teaching the class about love. That love is supposed to be beautiful and magical. That it's not supposed to be painful. That love is forgiving. I never understood what he meant.

Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung bakit kailangan kong mag patawad para lang makapag mahal ako. Laging nasa dulo kasi ng isip ko, paano kung may gawin silang bagay na makakasakit sa akin?

What if they break my heart? Do I need to forgive them?

Hindi naman natin piniling mag mahal. It just happens. When you think of her, you'd be thinking of rainbows and butterflies. When you talk to her, you'd be praying for time to stop, hoping that her laugh would last forever.

Noong mawala si Meg sa akin ay sinisi ko sya dahil mas pinili nya ang pangarap nya. Pero mas sinisi ko ang sarili ko, dahil hinayaan ko na mag kahiwalay kami. Dahil nag patalo ako sa insecurities ko.

Isang araw nagising nalang ako at nalaman ko na kailangan ko patawarin ang sarili ko para makita ko at matanggap ko na meron pang magandang dulot ang lahat ng nangyari sa amin.

Pag bukas ko ng pinto ay nakita ko si Meg na nag luluto sa kusina. Nawala agad ang pagod ko. Napuno ng kasiyahan ang puso ko. Ganito lagi ang nararamdaman ko sa tuwing uuwi ako at madadatnan ko sya.

Dahan-dahan akong nag lakad para hindi nya marinig. Agad ko syang niyakap na ikinagulat naman nya.

"Lid! "

Tumawa ako at hinalikan sya sa leeg. Hinigpitan ko ang yakap ng mga braso ko sa bewang nya. Nilingon ko ang niluluto nya.

"Anong niluluto mo?"

"Noodles, natatakam kasi ako." hinalo nya ang niluluto.

Nakukot ang mukha ko. " Walang sustansya yan! Ikaw ang kulit mo talaga, diba sabi ko kumain ka ng healthy foods? Ang tigas naman ng ulo. Papagilitan ako si Mommy kapag nalaman na hindi kita inaalagaan ng tama."

Inalis nya ang kamay sa akin at humarap. Maasim ang mukha nya na parang ayaw akong makatabi.

"Lid, the same pa rin ba yung gamit mong perfume?"

"Yeah, why?" inamoy ko ang sarili ko.

Lukot pa rin ng mukha nya at inilagay pa ang kamay sa ilong. Hindi naman ako mabaho. Anong problema nya?

"I hate your smell!"

Inirapan nya ako at kinuha ang noodles nya. Sinundan ko sya ng tingin habang nag lalakad papuntang lamesa. Doon ay kumain sya ng masaya. Kinamot ko pa ang ulo dahil ang weird nya

Dati naman ay gusto nya ang amoy ko.

Iniwan ko sya sa kusina at naligo. Siguro nga ay amoy pawis na ako dahil galing akong labas kaya ayaw ni Meg ng amoy ko kanina. Binalikan ko sya sa sala. Mukhang may hinahanap sya dahil pabalik pablik sya sa pag tayo at upo.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon