Chapter 13
"Tracy, I'm sorry kung medyo late ako." bungad ko kay Tracy nang makita ko siya, nasa harap siya ng resthouse nila at halatang hinihintay ako, nang nakita niya ako ay agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa may hagdan papasok ng resthouse at agad na tumakbo papuntang kinaroroonan ko.
"It's ok, Ate Lean!" nakangiting sagot niya.
"So let's go?" aya ko sa kanya, nakasuot ako ngayon ng beach dress, sa loob naman ay suot ko ang pares ng dark red bikinis na binili ko sa mall noon, doon pa kami nagkakilala ni Cyan.
Tumango si Tracy habang nakangiti sabay hila sa kamay ko, "I'm so excited, Ate! Mommy and Daddy are both busy with paperworks while Kuya Devil naman is so scary that's why my only option is you!" Tracy whined.
Napailing na lang ako. "You can play with Sache." Sabi ko sa kanya, since magkataon lang naman sila ng kapatid kong 'yon.
She pouted, "no damn way! He is such a kiddo!" Natawa na lang ako.
"Ikaw rin naman ah." Nakangiting wika ko sabay hawak sa kanyang kamay. As you can see, hindi magkasundo si Sache at Tracy.
"Fine. Fine. I just hate him! Bully siya like Kuya Devil!"
Aba. Si Sache binu-bully niya si Tracy? Naku lagot siyang bata sa akin. "Speaking of the devil, where is Kuya Devil? Had you seen him?" tanong ko. Napapa-devil na rin ako...
"Uhm... I saw him kanina sa salas ng resthouse, he's with Mommy and Daddy and I think they are talking about Gian..." Kumunot ang noo ni Tracy, "why would they even talk about Gian? Hmm..."
Napasinghap ako. Why are they talking about Gian? I got a bad feeling about this...
"Waaah! Ang ganda ng sunset!" Puri ni Tracy sa sunset nang nakarating na kami sa mismong tabing dagat. Napangiti na lang ako kasi ang cute niya pero hindi ko pa rin maiwasang mapaisip kung ano ang koneksyon ni Gian sa usapan ng mag-ina at mag-ama. Something is really wrong about this whole thing. It feels like something is off and they are hiding something from me.
Are they hiding something from me?
"Ate! Take off your dress! Let's go swim!" Atat na wika ni Tracy, napailing na lang ako sabay ngiti.
"Wait a second, kuha lang ako ng lifesaver para sa iyo para makasigurado saka ako maghuhubad, ok? Just wait here." Sabi ko sa kanya sabay takbo sa may open shed at kuha ng malaking pabilog na lifesaver balloon.
Binigay ko agad ito kay Tracy na naka-pangligo nang damit na kulay pink. Tinanggal ko na ang suot kong dress at saka tsinelas, "let's go Tracy!" Agad ko siyang binuhat habang hawak hawak niya ang salbabida, naglakad na ako papuntang beach.
"Rock and roll, Ate Lean!!!" Masayang sigaw ni Tracy nang nasa may tubig na kami ng dagat. Lumutang ang salbabida kung saan nakasakay si Tracy.
"Stay still, Tracy." Nakangiting wika ko habang hawak-hawak ang salbabida kung saan siya nakasakay.
"Ate, tara doon sa may malalim na part!" Aya niya sa akin.
Ngumiti lang ako, "hindi pwede, Tracy... dalawa lang tayo eh."
Nag-pout siya sabay dive mula sa salbabida, napailing na lang ako habang pinagmamasdan siya. Napatingin ako sa kalawakan, kulay orange na dahil sa araw, halatang naglalaban ang dilim at liwanag.
"Look Tracy, may star na!" Sabi ko sabay turo sa taas.
Biglang kumislap ang mata niya, "huwaaah! Ang gondooo!"
Napangiti ako.
"Ate! 'Yong salbabida!!!" Biglang sigaw ni Tracy, nanlaki ang mata ko nang nakita kong medyo malayo na ang salbabida niya sa amin, how come? Mukhang nawala ang atensyon ko sa balloon na ito kaya nakalayo siya.
"O'sya, bumalik ka muna sa may buhangin at lalanguyin ko ang salbabida mo, ok?"
She nodded. "Ok, Ate!" Dali siyang lumangoy pabalik sa lupa habang ako naman nakamasid sa kanya para masiguradong ligtas siyang makakarating roon.
Nagbuntong-hininga ako sabay langoy papunta sa malalim na parte ng dagat para kunin ang salbabida.
Nang medyo malapit na ako sa salbabida ay bigla itong lumayo, aba naman itong lumulutang na balloon! Pahihirapan pa ako!
Habang naglalangoy ako ay bigla ko na lang naramdaman na sumakit ang paa ko, seriously? Ngayon pa matwi-twist ang ankle ko?! Napatigil tuloy ako sa paglangoy dahilan upang ako'y sumailalim sa tubig.
I gasped for air pero wala, puro maalat na tubig lang. I tried to swim but the pain in my foot is preventing me to, napapikit na lang ako sa I silently wait for someone to save me... while I know my tears are being mixed with the salty sea. Hindi maabot ng paa ko ang lupa, masyadong malalim ang kinaroroonan ko.
How stupid for me na malunod. So all things end here? I will die dahil sa pagkalunod? Ganoon?!
But still, I was resisting with the water surrounding me, damn it. Someone save me!!!
"Ugh! Help!" Sigaw ko nang medyo umahon ako ngunit agad ring lumubog, I supposed I was running out of air and water was taking over me.
"Ate! Ate!!! Heyy! Kuyang naka-blue! Please save my Ate Lean over thereee!" Rinig kong sigaw ng isang batang babae mula sa malayo, napapikit na lang ako kasabay ng pagkawala ko ng malay.
"Mahal kita, Lean." Suminghap ako dahil sa biglang confession ni Gian, his eyes were full of hope as they reflect me.
"G-Gian, huwag ka ngang magbiro, hindi nakakatawa." Umiwas ako ng tingin, seryoso ba siya? "At bestfriend tayo, kambal mo rin ang boyfriend ko. Huwag ka ngang ganyan."
"Ano ba ang meron sa kambal ko na wala sa akin?" He pleaded. "I can be Vian if you want, mahalin mo lang rin ako." His voice was desperate as he said those words, hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko but I let go.
"You can never be Vian, ikaw si Gian. Bestfriend kita, huwag nating sirain ang relasyon natin." Umiling ako. "Mahal ko ang kapatid mo, Gian. Please... kung biro lang ito, hindi na ito nakakatuwa."
"Do you think I'm kidding?" Pain was evident in his voice. "Seryoso ito, Lean... I've never been this dead serious."
***
