Chapter 9
"V-Vian, andito na sina Mama." Tawag ko kay Vian sa taas ng bahay nang dumating ang mga pamilya namin, nagbibihis na ata siya ng damit na komportable para sa biyahe namin papuntang Ilocos, mamaya na rin naman na ang trip namin eh, bale separate ang sasakyan na gagamitin namin ni Vian sa aming families, pero kasama namin ang batang babaeng kapatid ni Vian na si Tracy kasi wala nang space ang iba pang mga sasakyan, bale lima lahat ng sasakyan ang magagamit namin papuntang Ilocos, marami kasi kami eh kaya huwag nang magtaka saka nagdala pa ang pamilya ni Vian ng mga kasambahay at gwardya.
"I'll be there in a minute." Walang emosyong sagot naman niya sa akin mula sa kwarto.
"Ate Lean!" Napatingin ako kay Tracy na patakbong lumapit sa akin, ang cute talaga ng batang ito. Nakuha niya ang matangos na ilong ng kanyang Kuya, 'yong blue na kulay ng mata naman niya ay sa kanyang Mama na pure british pero magaling mag-tagalog.
"Yes, baby? Bakit?" I smiled, she's really adorable. Sarap pisilin ang kanyang rosy cheeks, ang cute din ng pagkakatali ng kanyang buhok, basta dalawa yong ponytails niya at sa magkabilang dulo pa, ang cute!
"I miss you, Ate!" She hugged me tight, dalawang buwan na rin siguro kasi kaming hindi nagkita ng batang ito.
"Ako din. Ang tangkad mo na ah." Pinisil ko ang kanyang pisngi, "Asan na sina Mama?" I asked.
"Nasa baba po sila, Ate!" Energetic na sagot niya.
Tumango naman ako, saktong iyon ay lumabas na si Vian sa kwarto, nakabihis na pala siya, tinignan lang niya ako bago binaling ang tingin sa batang kapatid tsaka ngumiti, "Tracy!" Tawag ni Vian sa kapatid habang nakangiti.
Biglang nagtago si Tracy sa likod ko nang tawagin siya ng kanyang Kuya, napailing na lang ako. Hindi kasi gusto ni Tracy si Vian, ewan ko ba kung bakit. Basta natatakot si Tracy kay Vian.
"Bad ka Kuya! Ayaw kita! Ate Lean..." Malapit nang paiyak na sabi ni Tracy, hays. Bakit kaya ayaw na ayaw ni Tracy si Vian? Pinatahan ko na lang si Tracy, baka umiyak na talaga siya, mapagalitan pa si Vian sa magulang niya.
Tinignan lang ako ni Vian bago naglakad pababa ng hagdan na parang walang nangyari, "Tracy, it's ok. 'Di ka naman sasaktan ng Kuya mo eh." I assured, sino nga bang kapatid ang gustong saktan ang kapwa kapatid? Sana magkasundo na ang dalawang magkapatid na ito, at sana magkasundo na rin kami ni Vian.
"Ayoko siya, Ate! Ayoko!" Stubborn pa rin talaga si Tracy hanggang ngayon, pero masisisi ko pa ba ito? Balang araw magkakasundo rin ang dalawa.
"Oo na, tara na sa sasakyan, baka maiwan pa nila tayo eh." Nginitihan ko si Tracy saka ko inayos ang suot niyang jacket, tumango naman siya tsaka niya hinawakan ang kamay ko't hinila papuntang hagdan, "Let's go." Aya ko sa kanya.
~*~
"Lean, let's go!" Sigaw ni Mama sa amin bago siya pumasok sa separate na sasakyan, naghanda na kaming lahat pati na rin ang family ni Vian sa kanilang mga sasakyan.
"Dito ka na, ah?" Sabi ko kay Tracy nang umupo siya sa back seat ng sasakyan. Isasara ko na sana ang pintuan ng likod ng sasakyan ni Vian nang bigla akong pigilan ni Tracy, "bakit?"
"Ate, huwag mo akong iwan! Dito ka! Tabi tayo!" Naka-pout na sabi niya.
Napatingin naman ako sa harap sa driver's seat kung nasaan si Vian, wala siyang emosyong nakatingin sa akin, "Naku Tracy, hindi ko pwedeng iwan ang Kuya mo sa harap eh."
Biglang naluha si Tracy kaya naman nataranta ako, "Waaah! Huwag mo akong iwan Ate!" Pagdabog niya, "huwag mong samahan si Kuya! Bad siya! Ako samahan mo!"
Nagbuntong-hininga ako saka ko tinignan si Vian kung papayagan ba niya akong makitabi sa kapatid niya't iwan siya sa harap o ano, tumango na lang siya sa akin bago binaling ang tingin sa harap bilang senyales na sundin ko na lang ang kapatid niya't tabihan na lang siya, napangiti naman ako kay Vian, he really cares for his sister kahit na ayaw na ayaw sa kanya ni Tracy. Gusto kong malaman ang rason pero problema ito ng magkapatid kaya hindi na ako makikipagsiksikan pa sa isyu ng dalawa.
"Yey!" Tracy exclaimed nang tabihan ko siya at isara ang sasakyan, niyakap ako ni Tracy sa balikat ko, "Don't leave for Kuya, Ate huh?"
I smiled and nodded. "Matulog ka na."
Tumango naman siya't umayos ng higa, dahil malawak naman ang upuan sa likod ng sasakyan at maliit si Tracy ay pinahiga ko na lang siya, kasya naman siya eh... pinatungan ko ng unan ang kandungan ko para magsilbing sandalan ng ulo niya.
"Good night, Ate." Nakangiting tugon ni Tracy saka ako hinalikan sa pisngi.
"Good night. Won't you greet your Kuya a good night too?" Tanong ko, biglang napatingin sa akin si Vian na para bang nabigla sa sinabi ko, si Tracy naman ay nag-hum na para bang nag-iisip kung gagawin ba niya o hindi bago tinignan si Kuya.
"Bad night, Kuya!" Binelatan ni Tracy si Vian, "I hate you!"
"That's not good, Tracy." Suway ko kay Tracy, hinaplos ko ang buhok niya. "Say sorry to Kuya."
Nagkibit-balikat si Tracy tsaka sinimangutan si Vian, "Sorry not sorry, Kuya Vian." Pinikit na niya ang kanyang mata, parang na-disappoint naman si Vian na bumalik na sa pag-andar ng makina ng sasakyan.
"Let's go." Walang emosyong wika ni Vian. Pinauna na lang namin ang mga sasakyan saka kami sumunod, bale kami ang nahuli.
~*~
Tanging ang ingay lang ng mga sasakyan na nagbibiyahe lang ang naririnig namin sa loob ng sasakyan, tahimik kaming lahat at naka-focus lang si Vian sa pagmamaneho, tatlong oras na ang makalipas nang nagsimula kaming magbiyahe, mahimbing na rin ang tulog ni Tracy sa laps ko.
"Gutom ka ba, Vian?" I asked him nang buksan ko ang isang chips na pinamili ko sa mall, may bigla tuloy akong naalala kaya napabuntong-hininga ako.
"No." Tipid na sagot niya.
"You want some drinks?" Tanong ko naman sa kanya.
Kumunot ang noo niya pero nakatingin pa rin sa kalsada, "No." He said na para bang naiirita na't naiinis.
"You want us to swap places para naman makapagpahinga ka muna?"
"Will you just shut the fuck up?" Biglang sigaw niya kaya naman biglang nagising si Tracy mula sa kanyang mahimbing na tulog.
"Ano 'yong ingay, Ate?" Inaantok na tanong ni Tracy.
Nginitihan ko siya saka ko hinaplos ang buhok niya, "Wala iyon. Matulog ka na ulit para may energy tomorrow, ok?" She nodded and returned to sleeping, napatingin naman ako kay Vian na nakakunot-noo.
"Sorry." I muttered to him bago pinikit ang mata para na rin matulog. Mas mabuti na lang siguro ang matulog na lang ako para iwasan ang paggalit ni Vian. Ang init ng ulo niya sa akin eh, palagi naman.
***
