Chapter 20

26.8K 410 14
                                    

Chapter 20

Lean POV

"You won't believe me what I found out." Nakangising bungad ni Cyan sa akin, may hawak siyang folder at nilapag niya ito sa table ko.

Tumaas ang isang kilay ko, "ano 'yan?"

"Listahan lang naman ng mga ninakaw ni Kimberly Crossford." He sneered. "Sino ang mag-aakalang magnanakaw pala ang Kim na 'yan? Tch, tch, kawawang Gian at pati siya nabiktima ng mistress niya."

Dahil interesado ako sa nilalaman ng folder ay kinuha ko ito, tinabi ko muna ang mga papeles sa table ko at binuksan ang folder, "asan si Sebby?" Tanong ko.

"Ah, ewan ko doon. Kasama ata niya ang Papa niya at kaarawan ngayon ng Mama niya." Sagot naman ni Cyan, halatang sabik na siya na makita ko ang nilalaman ng folder.

Binuksan ko ang folder at binasa ang mga papel, "look at this..." sabi ni Cyan sabay turo sa isang papel, "Kim took all the money donated sa charity party, that would be 3 million pesos. What a gold digger." Halata ang inis sa boses ni Cyan, "to think she could be this selfish para kunin ang lahat ng donations sa charity ball na nakalaan dapat para sa orphanage, damn her."

Kumuyom ang kamao ko, besides that, marami na rin pala siyang nanakaw sa kompanya ni Gian at sa mga naging kliyente ng kompanya, "alam ba ni Gian ito?"

He shrugged. "Probably not." Cyan answered, "so what's your plan?"

"Hindi pa ba obvious? We'll have Kim feel what it's like to have your own dose of medicine." I smirked habang nakahawak sa folder na naghahawak ng sikretong malupit ni Kim, there are a lot of innocent kids out there who are expecting food and supplies with the charity party money donation tapos ibubulsa lang ng money faced girl na 'yon?! She really have a way para sirain ang araw ko, sulotera na nga siya magnanakaw pa, edi si Kim na! "Let's see how she handles the situation."

"Oh poor Kim." Cyan taunted with a sly smirk. "Mapapanood ko na naman ang bangis ni Adé Lean Cassiopea. Sebby will miss this."

***

Kim POV

Naglakad ako papunta sa opisina ni Gian. Nadatnan ko siya na nakaupo sa swivel chair niya, halatang stressed na stress siya sa trabaho niya habang nakatuon ang atensyon niya sa mga papeles sa table. Maybe I'll try to be his stress reliever...

Naglakad ako palapit sa kanya at saka ko pinulupot ang dalawang kamay ko sa leeg niya, "good morning, Gian." I said, seductively.

Tinapik lang niya ang kamay ko, "get lost, Kim." Halata ang asar sa boses niya, ni hindi man lang niya ako tinignan noong kinakausap niya ako. Pinapamukha ba niya sa akin na hindi ako worth it sa oras niya?!

"Gian, do you want to have a lunch with me outside?"

"No." Simpleng sagot niya, "would you please get out of my office? You're nothing but a nuisance right now." Napanganga ako dahil sa pagtrato niya sa akin.

Dumating lang ang Lean na 'yan ganito na ang pagtrato niya sa akin?! Nakakainis! Kung hindi lang sana dumating ang pabida na iyon, maayos naman ang lahat! But then... but then that bitch came and ruined everything. She even owned the charity party that was supposed to be my party!

Mariin kong pinikit ang aking mga mata, Gian, mapapansin mo rin ako at mamahalin. Hinding hindi ako magpapatalo sa Lean na 'yan!

Lumabas na ako ng opisina ni Gian, sinalubong naman ako ng sekretarya niya, tumaas ang kilay ko sa babae at saka siya nilampasan. Dati akong sekretarya ni Gian pero pinalitan niya ako, ewan ko ba sa lalakeng 'yon eh ako lang naman ang mas suitable bilang secretary niya, I am the only one.

Noong nakalabas ako ng kompanya ni Gian ay agad kong hinalungkat ang cellphone ko sa sling bag ko at saka ko tinawagan ang nag-iisang lalakeng alam kong makakatulong sa akin, ngumisi ako. Oras na para dispatsahin ang pesteng Lean na 'yan.

It took three rings before the man on the other line accepted my call.

"Hello? May ipapagawa ako sa 'yo, don't worry, mataas akong magbigay ng sahod."

***

Lean POV

I took the day off muna sa kompanya ko, matagal na akong hindi nakakapag-relaxed. Pinikit ko ang aking mga mata at naalala ang mga nangyari, kung paano kami naging mas matalik na magkaibigan nina Cyan at Sebastian...

Matapos kong umalis sa bahay at iwan si Gian ay hindi ko alam kung saan ako pupunta, I just walked and walked hangga't sa may sasakyan na tumigil sa gilid ko. Binaba ng nakasakay ang bintana at bumungad si Cyan.

"Hop on." Utos niya sa akin, hindi ko alam pero sinunod ko siya, sumakay ako sa sasakyan niya at doon nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko. "Whoa, don't tell me-"

I cut him off, "I want your help, I will have my revenge to Gian."

Napanganga siya. "Nothing good will come out of it." He shrugged, inutusan niya ang driver niya na magmaneho ulit. "You're not thinking clearly today, Lean. I think you need a rest."

"Tutulungan mo ba ako o hindi?" Bigla kong natanong, hindi ko gaano kakilala si Cyan pero alam kong maaasahan ko siya dito, after all he initiated to let me know the dark secrets of my supposed-to-be husband.

He sighed. "Let's have Sebastian and let's hear what he have to say about this, sinaktan ka ba ni Gian?" Mukhang alam talaga niya ang lahat.

"As if naman kung hahayaan ko siya na saktan ako..." Bulong ko. Tinignan ko si Cyan, nakatitig siya sa akin, halata ang concern sa kanyang mga mata.

Tumikhim siya, "what's your plan?"

"Revenge..." Yon lang ang tanging sagot ko. "I want to have my revenge."

"After that? Ano na ang plano mo?" Tanong ulit niya.

Tinignan ko siya, "bahala na."

Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin pero tinawagan ko si Tracy at magkikita kami ngayon, kahit na kadugo ni Tracy ang lalakeng rason ng lahat ng ito ay siya pa rin ay inosente at wala siyang alam sa mga nangyari -well, her family and my family knew, "Ate!"

Tumingin ako sa bata-no-sa isang dalaga na biglang tumawag sa akin, Tracy surely had grown so much since the last time I've seen her, medyo naging mature ang kanyang katawan but it seems her personality didn't change a bit.

"Hello, Tracy." Niyakap ko siya. "Missed me?"

"Oo naman, Ate!" Tumingin ako sa kasama niya at napataas ang isang kilay ko, "Sache. Bakit kasama mo ang kapatid ko?" I grinned at Tracy.

"Ate!" Suway ni Sache na namula.

"Oh, I think I know where this is going..." I chuckled, "come join us, Sache. Na-miss ko rin ang kapatid ko. I'm sorry for losing touch sa inyo, naging busy ako sa negosyo." At sa pag-atupag sa paghihiganti ko...

"Ok lang." Sache answered. Biglang tumunog ang cellphone ni Tracy. May kinausap siya sa kabilang linya bago siya tumingin sa akin.

"Sorry, Ate. I have to go." Tumayo na siya.

"Hatid na kita." Saad ni Sache, hindi na tumutol pa si Tracy at dali silang umalis, leaving me alone. As always.

Tumayo na ako, I decided to return to my apartment. Habang naglalakad ako ay nararamdaman ko na may nakasunod sa akin na lalake, lumingon ako, tama nga ang hinala ko. Noong napansin ng lalake na nakita ko siya ay ngumisi siya sa akin. Tumakbo ako papuntang parking lot and the fact that there was no one around did not help.

Lumingon ako at napasinghap nang may panyong biglang tumakip sa pagitan ng labi at ilong ko, mukhang may something sa panyo na nalanghap ko dahilan upang mawalan ako ng malay.

Am I getting kidnapped?!

***

Vengeful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon