Chapter 14
Minulat ko ang aking mga mata, mukha agad ni Cyan ang bumungad sa akin, sa gilid naman ay si Tracy na halatang kagagaling lang sa pag-iyak, tumingin ako sa nakahawak sa kamay ko, si Vian.
Nang napansin niyang gising na ako ay nagulat ako nang bigla niya akong yinakap, "y-you made me worry..." bulong niya. Halata ang sinseridad sa boses.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Is it real? Nag-worry si Vian sa akin?!
Bigla akong natuwa kahit na masakit ang aking katawan, kung ganoon, edi sana matagal na akong nagpalunod para matagal na ring nag-aalala sa akin si Vian.
"O-Ok ka na ba?" tumingin ako kay Cyan.
Ngumiti ako at tumango, "s-sino ang tumulong sa akin?"
"Si Kuya Cyan!" Sigaw ni Tracy.
Tumango na lang ako at saka ako tumingin sa lalake na basa, "s-salamat, Cyan." sabi ko sa kanya, ngumiti siya sa akin at tumango pabalik.
"Don't ever try to pull that stunt anymore, Lean. That's too dangerous mabuti na lang at andito si Cyan." tumingin ako sa biglang pumasok ng kwarto, sina Lolo Bon, Lolo Ben, Lola Marina, Jett, at Alva.
Ngumiti ako sa kanila, tumayo ako kahit na nanghihina pa ang aking katawan, "don't push yourself to your limits." biglang paalala ni Vian na umalalay sa akin.
Tumingin ako sa kanya nang inalalayan niya akong tumayo, is this a dream? Why does he look so worried to me? Nakakapanibago.
"O-Ok na ako." suway ko sa kanya.
~*~
"Hija, tara na." sabi sa akin ni Tita Veg, ngumiti ako sa kanya saka tumango, ngayong gabi pala magaganap ang advance party para sa wedding nina Alva at Jett which will already happen the day after tomorrow.
Tumango ako at daling lumabas ng kwarto. Nakasuot ako ngayon ng dark pink dress.
"Where's Vian?" tanong ni Tito Ian.
Come to think of it, asan nga siya? Umiling ako sabay kibit-balikat, "hindi ko alam, Tito."
"We already told you, call us Mom and Dad." suway ni Tito Ian sa akin.
Ngumiti ako at tumango. "Siguro nauna na siya kasama sina Mama at Papa sa kubo de kusina." sagot ko.
"Oh? Then let's go, baka late na tayo!" sabi ni Tita Veg.
Lumabas na kami sa resthouse namin ni Vian, bumungad agad ang amoy ng dagat, mahangin at maalon, umiilaw na ang mga lampposts dahil gabi na at mabitwin ang madilim na kalangitan, "Ate Lean, ok ka na ba?" tanong ni Tracy sa akin, halatang nag-aalala.
Ngumiti ako sa kanya, "yeah, ayos na ako."
Habang naglalakad kami ay may nahagip ang mata kong ilaw sa may mga puno, "u-uhm, Tracy, Tito, mauna na kayo. May titignan lang ako." pagpapauna ko sa mga kasama ko.
Hindi na sila nagtanong pa, tumango sila sa akin. "Sige, bilisan mo ah?"
I nodded.
Naglakad ako palapit sa may mga puno at iniwan ko na sina Tracy, bumungad sa akin si Vian na nakahawak ng cellphone, 'yong cellphone ata ang pinanggalingan ng ilaw na nakita ko.
"I am done pretending! I have to tell her the truth." sigaw ni Vian sa kausap niya sa phone, kumunot ang noo ko habang tahimik na nakikinig mula sa likod ng puno.
What is he talking about?
Pretending? Her? Truth? Is he hiding something from me? May kinalaman ba ako sa pinag-uusapan nila kung sino man ang kausap niya sa kabilang linya?
"I don't wanna lose her anymore."
Lose her? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, may iba si Vian?
Kinagat ko ang babang labi ko para tigilan ang pag-iyak, walang magagawa ang pag-iyak ko, humugot ako ng malalim na hininga saka ko pinikit ang aking mga mata, namuo ng kamao ang aking mga kamay tsaka ko ito pinakawalan.
"L-Lean?"
Nanlaki ang mga mata ko saka ako yumuko, "V-Vian..."
"Kanina ka pa ba?" Nag-aalalang tanong niya.
Umiling ako.
He smiled. "Tara na sa loob." aya niya sa akin.
Wala sa sarili akong tumango habang iniisip kung sino ang babaeng tinutukoy ni Vian. Is it Kim? Or me?
Why would he pretend to me? Why would he lie to me? Biglang may pumasok na ideya sa isipan ko pero agad ko itong binaling. What if... may iba talagang nangyari sa car accident? Paano kung si... paano kung ang asawa ko ang namatay at nagpanggap si Gian na asawa ko? Binaling ko ito, imposibleng mangyari 'yon. Vian is Vian.
Why would Gian act as Vian if ever si Vian nga ang namatay?
Pinikit ko ang aking mga mata tsaka ako tumingin kay Vian, hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero bakit parang... may peklat siya sa batok niya na kaparehas sa peklat ni... Gian?
***
![](https://img.wattpad.com/cover/24106917-288-k369457.jpg)