Chapter 4
"Oh, bro! Andito ka pala!" Masayang bati ni Sebby kay Vian, parang hindi niya nararamdaman ang tensyong bumubuo sa pagitan namin, hindi ko maiwasang mailing na lang habang tinatanggap ang matatalim na tingin ni Vian sa akin.
"What are you doin' here?" Malamig na tanong ni Vian habang nakatingin pa rin sa akin -hindi niya pinansin si Sebby, and also... he was giving me a shot of accusing looks.
"A-Andito ako kasi... naiwan mo 'tong folder, akala ko importante kaya pumunta ako dito... saka para na rin mabigyan kita ng luto kong ulam na paborito mo para sa lunch, baka kasi hindi ka na naman kumain dahil sa sobrang pagka-busy mo sa trabaho." Mahinang wika ko, si Sebby naman ay tahimik lang sa gilid habang nakikinig sa usapan.
"Sorry to burst your bubbles, but I am on the way to lunch with someone. Ilagay mo na lang sa table ko sa office ang files na 'yan at umuwi ka na agad." Bagot na wika ni Vian nang may bigla akong narinig na sigaw.
"Baby! Sorry to keep you waiting, let's go to our lunch date?" Napalingon ako at nakita ang isang babae, hindi mo maikakaila ang ganda nito, pero ayoko ng presensiya niya, she looks like an angel who acts like a devil, at akala ko hindi si Vian ang pinagsasabihan niya no'n ngunit biglang sumagot si Vian.
"It's ok, baby." Nginitihan ni Vian ang babaeng sosyal at saka muling tumingin sa akin -ngunit iba na naman ang ekspresyon. Lumapit ang babae kay Vian at pinulupot ang kamay sa braso, hindi ko maiwasang maluha dahil sa aking nakikita pero umiling na lang ako at huminga ng malalim.
"Let's go." Hinila ng babae si Vian at lumabas na sila sa kompanya, bakit hindi man lang umangal si Vian? Bakit 'baby' ang kanilang tawagan? Am I missing something important?
"What the hell did just happen?" Bumalik ako sa huwisyo nang biglang nagsalita si Sebby, nakalimutan kong andito pala siya. Ngumiti na lang ako ng mapakla sa kanya.
"Wala 'yon." Wika ko na para bang walang paki, pero grabe lang... ang sakit. Ang sakit makita na may ibang kasamang babae ang asawa mo.
"Anong 'wala 'yon'?! Baliw ka ba o bulag? My cousin just went out on a lunch date! Plus, ang tawagan pa nila ng babae kanina ay 'baby'! Aren't you supposed to be mad at him?" Galit na tanong niya, tama siya... dapat ay galit ako kay Vian dahil sa kanyang pinaggagawa sa akin. Pero hindi ko magawa dahil mahal na mahal ko siya.
"Sebby, just shut up. I know Vian won't cheat on me..." Sabi ko. But I am having doubts in my assuring words. Tama ba? Will he not cheat on his wife? To me?
"Sabi mo eh." Iiling-iling na sabi niya, "but please Lean, open your eyes. He might be my cousin but when he goes overboard at kapag malaman kong sinaktan ka niya o sinasaktan, I'll take you away from him." Kita ko ang sinseridad niya sa kanyang mata, alam kong nag-aalala lang siya sa akin.
Umiling lang ako. "Vian will never hurt me." Gusto kong matawa sa aking sinasabi, he was already hurting me and had already hurted me. Ganito na ba ang nagagawa ng nakakainis na pag-ibig? Nagagawa mong magsinungaling sa mga taong malalapit sa 'yo?
"Ok, but remember my words, Lean. Gotta go. May aasikasuhin pa kasi ako, kung gusto mo ng karamay andito lang ako."
Umiling na lang ako habang pinagmamasdan ang likod ni Sebby habang siya'y naglalakad palabas ng kompaya, ako nama'y naiwang mag-isa. Napahawak ako ng mahigpit sa folder kasama nong baon ko sana para sa kanya at naalala ang sinabi ni Vian bago siya umalis.
"...ilagay mo na lang sa table ko sa office ang files na 'yan at umuwi ka na agad."
Kaya naman pumasok na ako sa elevator at pinindot ang floor "24" kung saan ang office niya, ang buong floor nga pala ang office niya, malawak ito at mukhang apartment imbes na office, but what would you expect sa isang tulad ni Vian na CEO ng Fuentelord Company?
Matapos ang ilang minuto ay narinig ko ang tunog ng pagbukas ng elevator sa floor 24, kaya naman lumabas na agad ako't bumungad sa akin ang malinis at malawak na opisina niya, mahigpit akong napahawak ulit sa folder at naglakad na papasok patungong table niya at nilapag ang folder dito kasama ang luto kong baon sa kanya, umaasa akong kakainin niya ito mamaya kahit na nag-lunch na siya... kasama ang ibang babae.
Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang silid, sobrang ganda ng office niya, kulay black and white ang dominant colors, ang floor niya ang white, ang furnitures naman ay black... gayun din sa pader.
"Ngayon na naman ako makabisita sa office ni Vian, wala pa ring pinagbago..." Wika ko sa sarili ko habang patuloy sa pagmasid sa paligid.
Hindi ko maiwasan ang sarili kong makielam sa mga gamit niya, binuksan ko ang drawer sa table niya at nakita ang puro mga papeles, hindi na ako naghalungkat pa't sinara na lang ito, binuksan ko ulit ang isa pa at nagulat sa aking nakita...
Condoms.
Anong ginagawa dito ng mga condoms? Bakit may condoms ang office niya? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at parang may nakita sa gilid, sa table ng sekretarya niya.
Sa swivel chair ng kanyang sekretarya ay lingerie na kulay black, hindi ko napansin kanina kasi naka-camouflage siya sa silya. What the hell is this I'm seeing?
Hindi ko maiwasang mapapikit at doon na dumaloy ang mga luhang kanina ko pang pinigilan, ayokong maniwala sa aking nakikita pero andito na ang pruweba, saka... teka, ang sekretarya ba niya ay ang babae kaninang tinawag niyang baby?
Mas lalo akong naiyak pero agad ko itong pinigilan, ayoko na sa silid na ito... it's suffocating me, the things I am seeing is hurting me. Pero ayoko pa ring maniwala sa sinasabi ng utak ko, mahal ko si Vian. Hindi niya ito magagawa sa akin. Hindi niya magagawa ang magtaksil.
I was about to stand up mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair nang makita ang trash can niya sa gilid ng table, puno ito ng mga na-crumpled na papel at...
Bigla akong napasinghap nang makita ang isang comdom na halatang kagagamit lang dahil sa malagkit na likidong bumabalot dito.
The trash in the bin says it all, ayoko mang maniwala pero grabe talaga ang sakit, it confirms lahat ng hinala ko.
"Oh gawd, Vian. Are you having sex with other women?" Tanong ko kahit na alam kong wala siya para sagutin ito, alam kong hindi niya ito maririnig dahil nasa date siya kasama ang putang sekretarya niya.
Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo pero parang walang epek, patuloy pa rin ang pagdaloy ng mga luha ko sa aking pisngi kahit na pinipigilan ko...
Napayuko na lang ako't daling kinuha ang mga maraming condoms na halos punuhin na ang isang drawer at tinapon ito sa basurahan, hindi mo na ito magagamit pa, Vian.
Huminga ako ng malalim at kinompos ang sarili, ngumiti ako kahit na halatang peke at pilit. Hindi ko maaaring ipahalata sa mga tao at empleyado na umiyak ako pagkalabas ko sa opisina niya...
***
