Chapter 35

7.3K 134 2
                                        


Halos isang buwan na akong sinusuyo ni Gian kahit na sinasabi ko sa kanya na wala siyang tsansa dahil mahal ko si Vian, simula noon ay lagi na silang nag-aaway ni Vian kesyo may boyfriend na nga raw ako at kambal pa niya pero pinagpipilitan pa rin niya ang sarili niya sa akin.

Bigla akong nalungkot habang iniisip, ayoko naman na masira ang relasyon ng magkambal ng dahil lang sa akin. Simula noong nag-away ang magkambal ay hindi ko na alam kung kanino ako kakampi, I tried one time na pagbatihin sila pero nagsuntukan lang sa huli.

Nagbuntong hininga ako habang mula sa peripheral vision ko na magkabila ay pinagmamasdan ko ang gilid ng magkambal na magkahiwalay, ako ang nasa pagitan...

Nagulat ako nang mag-vibrate ang cellphone ko at nakita si Vian na binulsa ang cellphone niya, nag-text ba siya? Alam naman siguro niya na bawal ang mag-cellphone habang nagkaklase di ba? Pasaway talaga ang lalakeng 'to.

Tumingin siya sa akin at saktong nakatingin ako sa kanya, he mouthed me 'read my text, urgent' bago kinuha ang ballpen at nangopya, nagbuntong hininga ako, mabuti na lang at sa likod kami nakapwesto at malaki ang katawan ng lalakeng nasa harap ko, patago kong nilabas ang cellphone ko habang nagdi-discuss ng income statement 'yong guro sa harap. I made the brightness low just in case and put my bag in my lap, binuksan ko ito at pinasok ang cellphone at in-open na ito.

One message received.

I tapped the screen message and it popped to the app.

Vian Bebe
Rooftop later, don't come until 5PM.
Message sent: 3:29PM

Tumingin ako kay Vian, ano naman ang gagawin namin sa rooftop? Saka 5PM? Eh 4PM 'yong dismissal namin, maghihintay pa ako ng isang oras bago pumunta sa school rooftop?!

Nagbuntong hininga ako at tinago na ang cellphone ko, muli kong tinuon ang atensyon sa mga nakasulat sa pisara at nagsimula na ring mangopya.

~*~

Nagmadaling umalis ang magkambal noong nag-bell, hindi man lang ako hinintay ni isa sa kanila. Hays. Dahil wala akong kasama ay lumabas muna ako sa school at tumambay sa isa sa mga coffee shop sa harap.

As usual, maraming kostumer na nakasuot ng parehong uniporme ko, syempre harap lang ng school 'yong shop saka lahat ng andito puro babae, alam ko naman na kahit bumibili sila ng coffee ay andito lang sila para makita si-

"Lean!"

Tumingin sa akin ang lahat ng babae at umirap.

Nagbuntong hininga ako, siguro sa library na lang sana ako pumunta, ang ingay kasi dito sa shop, isabay mo na ang pagngiti ni Sebastian sa lahat ng kostumer habang abala sa paglagay ng orders sa mga table dahilan upang mag-giggle ang mga babae, may kasama rin siyang dalawang matandang babae, mga Lola niya.

Charity waiter ang lalakeng ito at ang kagwapuhan niya ang uma-attract sa karamihan sa campus kaya naman tuwang tuwa ang kanyang mga lola niya na hindi ko masyadong kilala o close pero mababait naman-pagmamay ari kasi ng dalawang Lola niya ang coffee shop kaya naman andito siya kapag may free time siya sa hapon para tumulong dahil wala naman raw siyang gagawin, sa kabilang school siya nag-aaral. Hays. Fuentelord nga naman, magagandang lahi. Hindi na ako magtataka.

Lumapit siya sa akin, bagay na bagay sa kanya ang waiter suit niya, white long sleeves na may dark blue lace lining sa gilid ng botones mula kwelyo hanggang baba, nakatupi pa ang sleeves niya hanggang braso niya at naka-slacks siya.

"Yo." Bati ko sa kanya, "tatambay lang ako at magpapalipas ng oras pero mukhang wala nang bakante na upuan."

Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang kanyang daliri, "ganoon ba?" Tumingin siya sa counter, "La, dumating na ba 'yong may shift ngayon? Sasamahan ko lang si Lean."

"Naku apo, wala pa eh."

Tumingin si Sebby sa akin, "awtsu."

"Bumalik ka na nga sa trabaho mo at marami pang order na naghihintay, sige, alis na ako ah."

Noong umalis ako sa coffee shop ay bumalik ako papasok ng campus at nagtungo ng school library, nagbasa ako ng isang nobela hanggang sa naging 5PM na, binalik ko sa shelf ang libro at naglakad patungong rooftop.

~*~

Nakangiti akong naglakad, may surpresa kaya si Vian sa akin? Naku, hindi naman namin monthsarry ngayon o anniversary, ah? Hmm... excited na ako sa madadatnan ko sa rooftop!

Noong nasa harap na ako ng pinto ng rooftop ay humugot ako ng malalim na hininga, pinihit ko ang busol at halos mawalan ako ng hininga dahil sa ganda ng rooftop, red balloons scattered everywhere-red is my favorite color-then petals of roses, tapos...

"Ano ang ibig sabihin nito?" Napawi ang ngiti ko noong makita ko sina Vian at Gian na nakahawak ng singsing, both of them were looking at me.

"Mamili ka sa amin... ako..." Gian said, "o si Vian?"

Napaawang labi ako, "-ano ba, itigil niyo nga ang kalokohan niyo. Hindi na ito nakakatuwa, ah." Suway ko sa magkambal.

"Sawa na kami, Lean. Gusto naming malaman kung sino ang mas mahal mo para matigil na ang awayan namin ni Gian..." saad ni Vian. "You just have to take one ring from us, sino ang papakasalan mo? Sino ang pipiliin mo? Ako na boyfriend mo?"

"O ako na bestfriend mo?" Gian continued.

Suminghap ako. It took me seconds to process all things at tumingin ako kay Gian, "I'm sorry..." pumunta ako sa pwesto ni Vian at kinuha ang singsing, he smiled at me and hugged me.

"I love you, Lean. I knew you'd choose me."

Tumingin ako kay Gian, hurt was evident in his eyes but he flashed it away and smiled, "congrats, Kuya." And he walked away... out of the rooftop, leaving me with Vian.

I felt a sting of pain, it feels like I've made the wrong choice, pero... matagal na kami ni Vian, saka siya ang nararapat na piliin ko dahil boyfriend kami at si Gian ay bestfriend ko.

Matagal na rin kami ni Vian...

But it still feels wrong...

Hinalikan ako ni Vian sa labi habang nakangiti.

~*~

Halos isang linggo na matapos akong magpili sa magkambal at hindi ako pinapansin ni Gian, siguro kailangan lang niya ng oras para magpalamig ng ulo. Heto ako ngayon kasama si Vian sa isang Italian Restaurant, kakatapos lang naming kumain ng dinner. Nagulat ako nang biglang tumayo si Vian at tumingin sa akin ng seryoso.

"I may not be the best husband you will ever have, but I promise, Lean, I promise I will make you the happiest woman, I will make you my only princess, my last name is the only thing I can offer you for now, but please... will you marry me?" He knelt down and showed me a beautiful ring.

Para akong nasa loob ng isang fairytale book, but this was reality. Hindi ako makapagsalita dahil sa pagkakagulat, Vian is proposing to me?!

Ngumiti ako. Tears suddenly escaped my eyes. "Yes, Vian. Papakasalan kita."

Hope and happiness was visible in his eyes as he inserted the ring to my finger, it perfectly fitted me. Tumayo si Vian at niyakap niya ako.

"I promise you won't regret saying yes to me, Lean. Mahal na mahal kita!" Masayang sigaw niya. "I will make you the happiest wife alive. I promise."

With that, we sealed the night with a warm passionate kiss, it was slow, lovely, and worth to remember. Hinawakan ko ang kamay ni Vian at pinaglaruan ito, I still can't believe that papakasalan ko ang lalake na matagal ko nang minahal at hinangaan mula sa malayo.

"I love you, my future wife..."

And I knew there... this was my choice, I made my choice and there's no turning back now. I'm getting married...

***

Vengeful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon