Chapter 24

23.2K 412 20
                                        

Chapter 24

Kim POV

She've really done it. "Ano ba ang ginawa mo sa kanya at parang wala lang nangyari?! Akala ko ba tinakot mo si Lean?!" Asar na tanong ko sa tatanga-tanga kong tauhan.

"Shut up, Kim." Asar na sagot niya mula sa kabilang linya, aba?! Binabaan ako ng tawag?! Peste! Kumuyom ang kamao ko at saka ako humugot ng malalim na hininga, what a useless jerk. Sinayang ko lang ang pera ko sa wala.

Pinikit ko ang aking mga mata, "I will get even, Lean. Hindi pa tayo tapos." Bulong ko at inutusan ko na ang driver ko na magmaneho pauwi sa apartment ko, tinakwil naman na ako ng mga magulang ko, isa raw ako kahihiyan.

Magbabago rin ang lahat, everything will go back to normal.

"Once I dispatch of Lean..."

***

Lean POV

"I want us to talk." Saad ni Gian matapos ang conference meeting, tumaas ang isang kilay ko at saka ako tumawa ng marahan.

"I'm sorry but I'm busy." Suway ko, "and there's really nothing to talk about, Gian." I gave him a smile that says I don't want anything to do with you. Hopefully, sana nakuha niya ang ibig kong sabihin.

Hinablot ni Gian ang kamay ko at hinila, "-what the... ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Sumigaw ako, nagulat ako nang bigla niya akong buhatin, my tummy was on his muscular shoulders as he walk out of his company.

"Tch, huwag ka ngang malikot." Asar na saad niya, we stopped in front of his Ferrari, binaba na niya ako at pinagbuksan ng pinto. "Pasok."

Tinignan ko siya ng masama, "hindi ako sumusunod sa mga utos ng tulad mo."

"Hop in or I will charge you in." Banta niya.

Tinignan ko siya ng masama, what the hell does he think he is doing?! Mukhang seryoso siya sa sinabi niya kaya naman pumasok na ako sa sasakyan niya kahit na labag sa loob. "Saan sa tingin mo ako dadalhin?"

"I don't know." Simpleng sagot niya at pinaharurot na niya ang sasakyan, this jerk drive like there is no tomorrow.

Tahimik lang ako sa buong biyahe, noong tumigil ang sasakyan ay napagtanto ko na nasa isang talampas kami. I laughed, "so you plan to throw me?"

"No, I want us to talk, just talk."

"Talk? At dito mo ako dinala?" Tumawa ako, "-clearly, nagpapatawa ka nga." Saad ko at lumabas na sa kotse niya, dahil nasa talampas kami ay mahangin, kita ko ang buong syudad sa pwesto namin. He found a cool spot but... that won't change everything. This guy is my enemy.

"What happened, Lean?" Seryosong tanong ni Gian sa akin.

"Nothing happened." Sagot ko naman sa kanya, I crossed my arms at sinandal ko ang katawan ko sa sasakyan niya.

"Ang dami mong pinagbago. Ako ba ang rason?"

"You're so conceited, Gian." Ngumisi ako, "sa tingin mo ang mundo ay umiikot sa 'yo? No, Gian. No." Pagsuway ko sa kanya, ramdam ko ang malamig na ihip ng hangin na bumabalot sa aming dalawa.

"Are you really back for revenge?" Lumambot ang mata ni Gian habang pinagmamasdan niya ako, "please, if you really came back for revenge, stop it. Wala kang mapapala sa paghihiganti mo. If you want your revenge, you can do what you want to me. Huwag ka lang mandamay ng iba."

Is he trying to defend Kim? After all of what she've done?! Hah! Hindi na ako magtataka. Parehas sila.

"Don't live your life living in the past, Lean. Siguro oras na para mag-move on ka. Let go of the past, alam ko na galit ka sa akin dahil sa pagpanggap ko... alam ko na mahirap humingi ng kapatawaran but I hope you forgive me, nagsisisi ako sa mga ginawa k-"

"Dapat lang na magsisi ka, Gian. You've hurted me not just once or twice, lagi mo kong sinasaktan, and... and you pretended to be my husband when in fact, he already died. I'm just returning the favor, Gian. You ruin my life, I ruin yours." Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng galit noong naalala ko ang mga nangyari sa nakaraan...

How he pushed me to things I didn't wanna do. How he molested me. How he hurted me physically and emotionally. How he ruined me.

"I'm sorry..." mahinang usal niya, "I thought if I acted as Vian... maybe things could be different. Pero nasasaktan ako, Lean... sa tuwing tinatawag mo akong Vian, nasasaktan ako. Parang si Gian na ang namatay sa aksidente. I wanted to tell you the truth but my heart is not letting me. Oo, nagpadala ako sa emosyon. Siguro nga pumayag ako na magpanggap dahil nagalit ako sa 'yo dahil si Vian ang pinili mo noon at hindi ako..."

Pinikit ko ang aking mga mata, I remember that night when the twins made me choose, it was the hardest decision I ever did but I knew I had to do it...

"Ano ang ibig sabihin nito?" Napawi ang ngiti ko noong makita ko sina Vian at Gian na nakahawak ng singsing, both of them were looking at me.

"Mamili ka sa amin... ako..." Gian said, "o si Vian?"

Napaawang labi ako, "-ano ba, itigil niyo nga ang kalokohan niyo. Hindi na ito nakakatuwa, ah." Suway ko sa magkambal.

"Sawa na kami, Lean. Gusto naming malaman kung sino ang mas mahal mo para matigil na ang awayan namin ni Gian..." saad ni Vian. "You just have to take one ring from us, sino ang papakasalan mo? Sino ang pipiliin mo? Ako na boyfriend mo?"

"O ako na bestfriend mo?" Gian continued.

Suminghap ako. It took me seconds to process all things at tumingin ako kay Gian, "I'm sorry..." pumunta ako sa pwesto ni Vian at kinuha ang singsing, he smiled at me and hugged me.

"I love you, Lean. I knew you'd choose me."

Tumingin ako kay Gian, hurt was evident in his eyes but he flashed it away and smiled, "congrats, Kuya." And he walked away...

"Bumalik na tayo. Sorry for stealing your time." Saad ni Gian at tumayo na.

Tumango lang ako. Hindi ko alam pero bakit parang gusto ko pang makasama siya? Napahawak ako sa dibdib ko, my heart was skipping beats. Binaling ko na lang ang pakiramdam na ito, siguro gutom lang ito...

***

Vengeful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon