Chapter 6

30.8K 522 56
                                    

Chapter 6

Nagising ako dahil sa kirot na dama ko lalo na ang sensitibong parte ng aking katawan, nagbuntong-hininga ako at dahan-dahang bumangon sa kama dahil baka magising si Vian, paika-ika akong naglakad pababa ng hagdan papuntang kusina.

Napag-isipan kong magluto ng adobong sitaw, ito nga kasi ang pinakapaborito ng pinakamamahal kong asawa, sana mag-almusal siya ngayon, lagi na lang siyang hindi kumakain ng pang-umagahan.

Noong nakapagluto ako ay pinagplantsahan ko ng damit si Vian, may corporational meeting raw siya kaya kailangang presentable siya, napangiti na lang ako nang wala sa sarili dahil nagagawa ko ang responsibilad ng isang asawa, matapos ang pagplantsa ng damit niya ay nilinis ko ang buong salas, saktong pagkatapos no'n ay ginising ko si Vian sa kanyang tulog.

"What the fuck!" Inis na hirit niya nang magising siya.

Binaling ko ang kaba at takot saka ko siya nginitihan kahit na pilit, "U-Umaga na, baka ma-late ka sa trabaho mo." Napakagat ako sa labi ko nang tignan niya ako ng masama bago bumangon, wala siyang saplot sa katawan pero sanay na ako dito, hindi kasi nakakatulog si Vian ng walang saplot sa katawan kapag nakainom siya ng alak, hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang siya naging ganyan noong namatay ang kambal niyang si Gian, lahat na lang ng tungkol sa kanya ay biglang nagbago.

"Just fuck off." Malamig na wika niya sabay pasok sa banyo ng kwarto namin.

Napabuntong-hininga na lang ako at saka pinikit ang mata, humiga ako sa kama at humikab, ramdam ko ang init ng mata ko... saka parang nahihilo ako, siguro dala lang ito ng pagod saka stress. Kailangan ko na atang magpareseta ng gamot sa doktor ko.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ulit ako.

~*~

"Hey, fix my necktie." Nagising ako sa kalabit ni Vian sa aking balikat, napahikab ako bago bumangon sa kama, napatingin ako sa kamay ni Vian na nakahawak sa necktie, napangiti na lang ako. Talaga ang lalakeng ito, hindi marunong magsuot ng necktie.

Kahit na masakit ang katawan ay pinilit kong tumayo upang ayusin ang kanyang necktie.

"You look pale."

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang concern sa mata ni Vian pero agad niya itong pinalitan ng malamig na façade.

"You're so slow, can't you just go faster? I am running late for pete's sake!" Biglang sigaw ni Vian kaya naman nataranta ako, agad kong binilisan ang pag-ayos ng necktie niya.

"Hinandaan kita ng almusal..." Saad ko habang pinaglalaruan ng patago ang kamay, sana kumain siya...

"I have no time to eat." Walang emosyong sagot niya kaya naman napakagat ako ng labi ko, mag-isa na naman siguro akong kakain ngayon, sanay naman na ako eh. "I'm going."

"Sige, bye." I waved him a goodbye bago siya lumabas ng bahay at sumakay sa kanyang kotse.

~*~

Nanonood ako ng telebisyon nang may biglang mag-doorbell, sino kaya 'yon?

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa couch tsaka naglakad patungong front door upang buksan ang pinto, bumungad naman si Sebby sa harap.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Is that how you welcome someone?" Nakangising tanong niya.

Nagbuntong-hininga ako, "Sige, pasok ka." Nginitihan ko siya kahit na ramdam ko ang awkward tension na namumuo sa pagitan naming dalawa.

"Nah, I won't be staying long, I'm just here to tell you something." Seryosong sagot ni Sebby. "May importante akong nalaman, you need to know it."

"Ano naman 'yon?"

"I guess you have the right to know this, Vian is not Vian. This is all I can say to you right now, hindi ako sigurado sa nalaman ko but I think you have to know." Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Sebby, anong ibig niyang sabihin na si Vian ay hindi si Vian? "If you get hurt, remember I'm just here for you..."

Bago pa man ako makatanong kung ano ang ibig niyang sabihin ay tumalikod na siya at nagmamadaling umalis.

Naiwan akong nakatulala habang pinag-iisipan ang kanyang sinabi. Napailing na lang ako, pinagti-tripan ata ako ng lalakeng ito eh.

Biglang nag-ring ang cellphone ko kaya naman kinapa ko ang bulsa ko para sagutin ang tawag.

"Hello?" I greeted.

"Hi, hija. This is your Mom, how are you and your husband? Sinasaktan ka ba niya?" Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Mama sa kanilang linya, halos isang buwan na ata kaming hindi nag-uusap.

"O-Ok lang naman kami ni Vian, Mom. Saka hindi naman niya ako sinasaktan... Bakit ka nga pala napatawag, ma?" I tried to change the topic, first time kong magsinungaling kay Mama para kay Vian, ayoko naman na magalit siya sa asawa ko kapag sinabi ko ang totoo. Saka magbabago rin si Vian. Time will heal all wounds.

"I just want to inform you that our family will be having a trip to your grandpa's resort in Ilocos tomorrow night, I already invited Vian and his family." Sabi ni Mama, ramdam ko ang excitement sa boses ni Mama.

"Huh? Bakit may trip ma?" I asked.

"Well, kasal kasi ng cousin mong si Jett sa probinsya next week so obvious na ang sagot, finally after his twenty-eight years of existence ay nahanap na niya ang the one niya. We'll be spending our time in Ilocos for a week and a half." Napangiti ako dahil sa aking nalaman, ni-hindi man lang ako na-inform na ikakasal na ang cousin ko, syempre masaya ako para sa kanya.

Sino nga ba namang mag-aakala na may magkakagusto sa bad boy na tulad niya? Saka syempre masaya ako dahil matagal na akong hindi nakakabisita sa Ilocos simula nong kinasal ako, miss ko na ang resort ng Lolo ko, miss ko na rin ang cousin kong si Jett at yong iba pa. Lumaki kasi ako sa probinsya, oo, probinsyana ako.

"Sige Ma, I'll go back and pack my things now." I ended the call nang nagpalitan kami ni Mama ng 'I love you'.

Pinikit ko ang aking mga mata habang nakangiti, marami kaya ang nagbago sa probinsya?

***

Vengeful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon