Chapter 31

22.6K 249 6
                                    

Chapters 31-40 will be flashbacks. Thank you.


Lean POV

"Anak, habang wala kami ng Mommy mo, huwag kang pasaway, ha?" Ikailang ulit na paalala ni Daddy sa akin.

Ngumiti ako sa kanya, "Daddy naman, huwag po kayong mag-alala sa akin, hindi na po ako bata. Have a safe trip."

"Ano ang gusto mong pasalubong?" Nakangiting tanong ni Mommy.

"Wala, Mommy. Just be back alive." I joked.

Hinalikan ko sila sa kanilang pisngi at tuluyan na silang sumakay sa van, pinanood ko ang mabagal na pagtakbo nito palabas ng bahay, sinara ko na ang gate at pumasok na't nagbihis dahil unang araw ng klase ko pa mamaya.

Dahil nasa business trip ang mga magulang ko ay wala akong driver na maghahatid sa akin papuntang paaralan, humugot ako ng malalim na hininga, sana pala nagpaturo na lang ako kung paano magmaneho ng sasakyan, may isa pa kasing sasakyan sa garahe. Hindi lang rin naman magagamit kasi hindi ako marunong mag-drive...

Dahil wala naman akong choice ay umalis na ako sa bahay, sinigurado kong naka-lock ang pinto para walang makapasok na magnanakaw hangga't sa hindi pa dumadating ang katiwala na taga kabilang kanto lang naman, mahirap na't mas magandang makasigurado dahil walang tao sa bahay, parehas na umalis ang mga magulang ko e.

Halos limang minuto ang nilakad ko bago ko narating ang bus stop, umupo ako sa may hilera ng mga silya habang naghihintay ng bus-mag-isa lang ako ngayon at walang ibang tao, medyo maaga pa kasi kaya rin naman wala pa gaanong mga sasakyan na dumadaan sa kalsada, mas mabuti na 'yon para hindi traffic.

"Tch, naman eh, sabi ko kasi sa 'yo kung sasakyan ko na lang ang gamitin natin." Bigla akong napatingin sa dalawang lalake na nag-uusap, napanganga ako dahil parang carbon copies lang silang dalawa, parehas na parehas ang itsura nila-pero hindi maikakaila na iba ang pagdadala nila sa sarili.

"Shut up, Gian." Inis na tugon ng kambal, "it's not my fault that the tire is flat."

Humalukipkip ang isang kambal na ang pangalan ay Gian habang sila'y naglalakad palapit sa bus stop kung nasaan ako, "tch, buti sana kung alam mo magmekaniko. Ano ba 'yan, iniwan pa natin ang sasakyan, Vian. Mabuti maaga tayong lumabas kundi late tayo sa first day."

Tinignan nong kambal na medyo seryoso ang dating ang kanyang cellphone-Vian naman ata ang pangalan, "tinextan ko na si Manong John, papunta na raw siya sa lugar kung saan natin iniwan 'yong sasakyan at aayusin, buti na lang may spare key 'yong convertible na naiwan sa kanya."

Noong medyo malapit na ang magkambal sa akin ay napatingin sila sa akin, "oh, may tao pala." Sabi ni Gian, iyon ata ang pangalan niya.

Nagkatitigan kaming tatlo na parang sinusukat ang isa't isa sa tingin, sabay na tumikhim ang magkambal.

"Vian."

"Gian."

Sabay rin silang nagpakilala sa akin...

Tumango ako at nahihiyang tumabi ng upo para bigyan sila ng espasyo, "Lean..."

"Hindi ko alam pero nakakatawa lang, parehas ang mga pangalan natin na nagtatapos sa an." Masayang sagot ni Gian, kahit na medyo nakakalito dahil wala talaga silang pinagkaiba ay mabilis lang naman makikita kung sino sa kanila si Vian o Gian, depende na 'yon sa facial expression at kilos nila.

"There's nothing funny there." Ani Vian na seryoso ang mukhang nakatingin sa akin, "may bus ba na daraan dito?"

Nagkibit balikat ako, "ngayon lang ako mag-commute kaya hindi ko alam."

Vengeful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon