Tinawagan ko si Lola Marina bago kami nagbiyahe papuntang Ilocos at sinabi na dadalo ako para sa summer at may kasama akong dalawang bisita para na rin ipaghanda nila kami ng tatlo ng cottage. Mabuti naman at pinayagan kaming lahat, ako ay pinayagan dahil wala lang rin naman akong gagawin sa bahay sa summer saka lagi namang wala sina Mommy at Daddy dahil sa negosyo. Kahit na suway si Daddy na magpahinga si Mommy dahil nagdadalang tao siya ay pasaway pa rin. Ayaw mawalay kay Daddy eh..
Ang sasakyan ni Gian ang sinakyan namin at dahil siya ang may ari, siya ang nagmaneho, ayaw niya raw sa sasakyan ng kambal niya baka ma-flat na naman ang tires, hindi na tumutol pa si Vian dahil totoo naman.
Matapos ang halos walong oras na biyahe ay narating rin namin sa wakas ang resort-ramdam ko ang sariwang hangin kasabay ng ingay ng mga alon sa dagat, may mga sumalubong sa amin na katiwala ng resort, kinuha nila ang mga maleta naming tatlo at nilagay sa cottage, "Lolo!" Tawag ko sa dalawang naglalakad palapit.
Halatang na-amaze ang magkambal noong makita ang mga Lolo ko na tulad nila ay magkapareho ang itsura, tumigil sina Lolo Ben at Lolo Bon noong makita ang kambal na kasama ko.
"Tayo ba 'yan noong bata tayo?!" Singhap ni Lolo Bon.
"Wow! Ang gwapo pala natin noon." Sagot naman ni Lolo Ben.
Tumawa ako, "Lolo, Lolo, mga kaibigan ko po sila. Ito po si Vian, at ito si Gian. Dito kami magsa-summer."
"Naku mga hijo, paumanhin! Ngayon lang ulit kami makakita ng kambal katulad namin," ngumiti si Lolo Ben at nilapitan si Gian, "Gian di ba?" Tumango si Gian, "ikaw ang gusto ko para kay L-hehe."
Lumapit naman si Lolo Bon kay Vian at ngumiti, "ikaw naman ang pambato ko."
Huh?
"Kayong dalawa katatanda ang loloko." Tumingin ako sa isa na namang matandang sumulpot, si Lola Marina.
"Hi Lola!"
Ngumiti siya sa akin, "apo!" Niyakap niya ako, pinakilala ko naman siya sa magkambal at halatang masaya rin siya, akala niya raw mga babae ang bisita pero lalake tapos kambal pa pala kaya iisang cottage lang ang pinahanda niya, ayos lang naman na raw na sa iisang cottage kami kahit lalake ang dalawang 'to dahil may tatlong kwarto naman ang cottage.
"O'sya, nakahanda na ang almusal sa kubo de kusina, halina't kumain para magpahinga pagkatapos dahil sa mahabahabang biyahe niyo, buti naisipan niyong dumalo rito." Saad ni Lola Marina, "oh kayong dalawang matanda, pumunta kayo sa hacienda't asikasuhin nyo 'yong bukid!"
"Naman, may trabahador naman tayo." Suway ni Lolo Ben, hinawakan niya ang kamay ni Gian, "apo, gusto ko ng apo na lalake ah?"
"Babae." Sabi naman ni Lolo Bon kay Vian.
Ok. Naguguluhan na talaga ako kung ano ang pinagsasabi nila...
"Kayo talaga, ka tanda na nga puro pa rin kalokohan!" Suway ni Lola Marina, tumingin siya sa magkambal at ngumiti, "kahit sino sa inyo ayos lang sa akin basta masaya si Lean."
Nagkatinginan ang magkambal at mukhang na-gets na nila ang ibig na sabihin nila habang ako ay nagtataka pa rin.
"O'sya, nasa harap na ng cottage niyo ang mga maleta niyo kaya madali na lang malaman kung saan." Sabi ni Lolo Bon na nakangiti kay Vian. Mukhang naging malapit agad ang loob ng apat na magkakambal.
"Halina't kumain na! Habang maaga pa't mainit ang lugaw." Lahat kami ay naglakad papuntang kubo de kusina at kumain, medyo ginutom rin ako dahil sa mahabang biyahe.
"Pinsan!!!" Tumingin ako sa sumigaw mula sa kubo de kusina, si Jett!
Tumakbo siya at niyakap ako at hinalikan sa pisngi, "Jett, yuck, may pagnanasa ka sa 'kin?"
Tumawa siya, "wala, na-miss lang kita syempre! Simula noong umalis kayo papuntang Manila wala na akong kasama."
"Lokohin mo lelang mo, sa dami ba naman ng mga babaeng inuuwi dit-"
"Lola!" Suway ni Jett kay Lola Marina, nagtawanan ang apat na magkambal.
"O'sya, baka lumamig ang lugaw, kain na tayo."
~*~
Tulad ng inaasahan ko, naging malapit ang loob ng mga magkambal sa magkambal rin na Lolo ko, si Lolo Ben ay pabor kay Gian bilang asawa ko raw habang si Lolo Bon naman ay kay Vian.
Natapos na ang summer at umalis na kami, sabi namin ay sa susunod na bakasyon ay babalik ulit kami, na-miss na namin ang pamilya namin, sa halos tatlong buwan ba namang pagkakawalay?
Pero may maganda namang nangyari sa bakasyon namin, niligawan ako ni Vian-oo, nanligaw siya. Sa isang buwan naming pagsasama sa resort ay nagulat ako nang manligaw na lang siya pero patago, ayaw raw niyang malaman ni Gian.
Sa loob ng patagong panliligaw niya ay unti unting nahulog ang puso ko sa kanya kaya naman sa gabi bago kami bumalik sa Manila ay sinagot ko na siya.
Kung alam mong mahal mo edi sagutin mo na, huwag nang pa-hard to get baka maunahan ka pa.
Medyo malaki na ang baby bump ni Mommy, pinag-aawayan nila ni Papa kung babae pa o lalake ang dinadalang tao ni Mommy, pero mamaya malalaman nila ang gender ng magiging kapatid ko dahil bibisita sila sa family doctor namin para ipatingin.
"Hija, na-miss ka namin!" Niyakap ako ni Mommy at ramdam ko ang bukol sa tyan niya. Tumawa siya, "naku, sagabal talaga si Sakura." Ang gusto ni Mommy ay babae, pero si Daddy naman ay lalake.
"Aba, Sache, tadyakan mo tyan ng mama mo!" Usap ni Daddy sa buhay na nasa womb ni Mommy, "tadyakan mo!"
"Aray!" Biglang napahawak si Mommy sa tyan na, nanlaki ang mga mata niya, "ayan! Tinadyakan niya ako! Kung ano kasi tinuturo mo!" Inis na sabi niya, mood swings...
"See, told you, lalake ang anak natin. Sache ang magiging pangalan." Ngumisi si Daddy sabay tingin sa akin, "ano sa tingin mo, Lean?"
Dahil gusto ko ng lalakeng panganay na kapatid ay ngumiti ako, "ayos na ang Sache, Daddy."
Ngumuso si Mommy at naglakad papuntang kusina.
"Lean, uwi na kami, sunduin ka na lang namin bukas papuntang school." Muntik ko nang makalimutan na meron pa pala sina Vian at Gian.
"Sige." Ngumiti ako, nauna nang umalis si Gian habang si Vian naman ay naiwan muna.
Naglakad siya palapit sa akin, sa harap ni Daddy-at hinalikan ako sa noo, "bye."
Sa simpleng ginawa nyang iyon ay namula ako, ramdam ko pa rin ang init ng labi niyang dumapo sa noo ko, tumingin ako kay Daddy na nakangisi sa akin, "aba aba, nagdadalaga-"
"Papa!"
"Yes, dear?" Tumawa siya saka niya ginulo ang buhok ko, "panigurado napagod ka sa biyahe, alam kong ayos lang ang mga Lolo't Lola mo sa probinsya, magpahinga ka muna o kung gusto mo may almusal na nakahanda sa hapag kainan para sa 'yo."
***
