Chapter 11

26.4K 473 18
                                        

Chapter 11

Pagdating namin sa kubo de kusina ay ang agad na bumungad sa akin ay si Jett at ang kanyang bride, napangiti na lang ako nang tumingin siya sa akin. "Pinsaaaan!" biglang tawag niya sa akin sabay takbo.

Niyakap niya ako ng mahigpit. "J-Jett! Hoy! Parang ilang taon lang na hindi tayo nagkita." Biro ko which is true, ilang taon na nga ba kaming huling nagkita? Ibang iba na siya ngayon ah, mukhang masaya naman siya sa bride niyang si Alva.

Ngumisi siya, "ah oo nga pala, this is Alva Montavier, my future wife." Pakilala niya sa babaeng nasa likod niya, in fairness, maganda siya at mukhang magkakasundo kami.

"Hi Alva, ako si Lean, pinsan ni Jett. Bata pa lang kami at no'ng maliit pa lang 'yong alam-mo-na niya ay magkakilala na kami at naglalaro ng manika." Nagtawanan ang lahat.

Biglang namula si Jett, "pinsan naman e!" Nahihiyang suway niya sa akin habang nakangiti.

"O'sya, o'sya, halika na kayo't kumain na. Handa na ang almusal." Biglang sigaw ni Lolo Bon.

Lahat kami ay umupo, si Tracy ay umupo sa tabi ko. Naku. Inagaw niya ang pwesto ni Vian.

"Ate! Ate! Subuan mo ako." Naka-pout na sabi ni Tracy.

Napangiti ako. "Sige, Tracy." Ang cute lang talaga nitong batang ito. Sino ang makakatutol sa kanya?!

"Lolo Ben, parating na raw po ang pamilya ko." Rinig kong sabi ni Alva, oo nga pala ano? Bakit hindi ko na-realize na hindi niya kasama ang pamilya niya kanina?

"Ah ganoon ba? Asan na raw sila?" Tanong ni Lolo Ben. Mukhang malapit ang loob ni Lolo Ben kay Alva, gayon rin naman sa akin. Mukhang maipagkakatiwala ko sa kanya ang kapalaran ng pinsan ko.

"Nasa Candon na raw sila, Lolo." Nakangiting sagot ni Alva sabay bulsa ng cellphone, siguro bilang pakita na kakatapos lang nila mag-usap ng pamilya niya na nagbibiyahe pa lang.

"Aba, malapit na pala sila." Biglang singit ni Lola Marina na nakahawak ng malaking kutsara.

Matapos ang ilang sandali ay hinanap ng mga mata ko si Vian, where is he? My eyes suddenly caught a familiar back sa may wooden railings ng kubo de kusina, si Vian! Bakit andoon siya sa may terrace ng kubo? Wait... is he talking to someone on the phone? Sino ang kausap niya? Si Kim? Biglang sumama ang pakiramdam ko, siguro naman iba...

"Ate, subuan mo na ako!" Sundot ni Tracy sa akin kaya naman bumalik ako sa huwisyo.

Napabaling ang atensyon ko kay Tracy, "ahehe, sorry Tracy. Sige. Heto na." Kumuha ako ng longganisa sa plato sa gitna at isang hotdog, "say ahh."

"Ahhhh."

~*~

"Ate Lean, ligo tayo sa beach!" Aya sa akin ni Tracy habang naglalakad kami sa may buhangin papuntang resthouses namin, tapos na kaming kumain at napagdesisyunan namin na magpahinga muna. Medyo malayo kasi ang biniyahe namin.

"Sure baby, mamayang sunset na lang, ok?" Nakangiting sagot ko.

She nodded. "Sige ate!" Halatang excited na sagot niya, "Ate! Huwag mong isasama si Kuya Devil!!!" She pouted and crossed-arms.

Natawa sina Mama at Papa, "Tracy talaga. Bakit ayaw na ayaw mo sa Kuya mo?"

Bago pa man makasagot si Tracy ay na-interrupt siya nang tawagin siya ng mga magulang niya. Nag-usap sila at bumalik rin naman si Tracy kasama ako. Hindi ko na tinanong ang pinag-usapan nila at naglakad na lang kami.

Nang malapit na kami sa resthouses ay bigla kong nakita ang isang babae't lalakeng halatang mag-asawa na may katandaan, may mga kasama rin sila at may hawak hawak silang malaking bag. Teka... parang kamukha ng mag-asawa si Alva lalo na 'yong babae? Sila ba 'yong pamilya niya?!

Nanlaki ang mata ko nang may nakitang lalake sa likod, nakakulay blue siya na shorts na pang-beach, napalunok ako sabay kapa sa bulsa ko at kuha sa panyong binigay niya, "C-Cyan?"

"Huh? Ano Ate?" Napatingin ako kay Tracy na nakakunot-noo.

"Wa-wala." Iling ko, tinignan ako ng masama ni Vian na nasa gilid ko, halatang nakita rin niya si Cyan at nakilala kung sino ang lalake.

Napailing na lang ako. What is he doing here? At bakit kasama niya ang pamilya ni Alva?

"We will talk." Mahinang bulong ni Vian sabay hila sa kamay ko, bigla niya akong kinaladkad.

"Ate! Ate! Hey Kuya Devil, saan mo ipupunta si Ate Lean?!"

Hindi sumagot si Vian, sa halip ay mas lalo niyang binilisan ang pagkaladkad sa akin. "A-Aray, Vian." Suway ko.

Tinignan niya lang ako. Matigas ang ekspresyon niya.

"Shut up."

Napakagat na lang ako sa aking labi sabay pikit. Bigla akong binuhat ni Vian kaya naman nataranta ako, "you're mine." Sabi niya habang buhat buhat ako na parang bata.

"V-Vian..." namumulang suway ko.

"Nobody can ever take away what's mine." May diin na tugon niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Why is he doing this?

Nagulat na lang ako nang nasa harapan na pala kami ng resthouse namin, binaba ako ni Vian sabay bukas ng pinto, hinawakan niya ang kamay ko at saka niya ako hinila papasok. Sinara niya ang pinto at bigla niya akong hinalikan. Isang marahas at malalim na halik.

Hingal na hingal ako nang tumigil siya. "Your lip is mine." Hinalikan niya ang pisngi ko. "Your cheek is mine." Hinalikan niya ang bawat sulok ng mukha ko. "Every inch of you is mine. No bastard can take you away from me, I am your husband." He suddenly ripped my dress. Suminghap ako.

He smirked.

"V-Vian..." gulat na tawag ko sa kanyang pangalan, tinignan niya ako sa mata. All I can see was lust in his eyes, there was still no sign of love or passion. Napapikit na lang ako. I know where this is going to end again.

Biglang hinila ni Vian ang kamay ko papuntang kwarto, nagulat ako nang bigla niya akong tinulak kaya naman napahiga ako sa kama. "V-Vian..."

I stared at the beast staring at me, naglakad palapit si Vian, each steps he is taking I feel my heart skipping beats. Lumunok ako at naglakad patalikod, trying to keep my distance to Vian but it was already too late, I was already on his arms and he claimed my body like it was his territory. "Mine."

***

Vengeful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon