Chapter 7
Sinara ko ang maleta pagkatapos kong mag-empake ng mga damit para sa trip namin papuntang Ilocos Sur, siguradong si Vian ay tatamarin na namang mag-empake kaya inempakehan ko na rin siya ng mga gamit niya, bale dalawa ang maleta ngayong ginamit ko, isa ay ang akin at ang isa naman ay para kay Vian.
Pinunasan ko ang pawis ko bago tumayo at saka hinila ang dalawang maleta papuntang baba sa salas para mas mabilis na lang ang pagkuha namin nito kapag pupunta na kami sa Ilocos.
Matapos iyon ay nagtungo ako sa bathroom para maligo, nagbabad muna ako sa tubig, ngayon lang ulit ako maka-relax, nakakatanggal ng stress ang mainit na tubig na dumadaloy sa katawan ko, napapapikit na lang ako.
Nang nakaligo na ako at nakapagbihis ng damit ay naisipan kong pumunta sa mall para bumili ng mga snacks para may kakainin sa biyahe lalo na kapag magutom papuntang Ilocos at saka isusuot na bikini at mga damit na pang-beach dahil nga sa resort namin kami pupunta, syempre kailangan kong maging maayos at presentable lalo na't sa kay tagal na panahon ay magkikita ulit kami ng cousin ko at mga barkada ko noong hindi pa ako kasal.
Dahil may sasakyan naman ako ay hindi na ako nag-taxi, naisipan ko ring bumili ng mga pasalubong para sa mga kilala ko sa Ilocos, napapangiti na lang ako bago pinaharurot ang kotse ko palabas ng bahay.
~*~
"Ma'am, bale 8,599 pesos po ang lahat ng apat na pairs ng bikini na iyan." Sabi ng cashier, tumango naman ako tsaka ko binigay ang card ko sa babae, agad naman niya itong kinuha, she punched the card tsaka matapos ang ilang proseso ay binigay na niya ito sa akin habang nakangiti, nilagay na niya sa isang paperbag ang pares ng mga bikining binili ko tsaka sinipit ang resibo sa gilid ng bag, "Come again, Ma'am." I nodded as I pull out from the queue of people.
Habang naglalakad ako papuntang grocery shop ay may nahagip ang mga mata ko sa isang restaurant, bigla akong napatigil sa paglalakad tsaka napatitig sa dalawa, mahigpit akong napahawak sa paperbag ko, hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko, or if my eyes are just deceiving me, pumikit ako saka muling minulat ang mga mata, pero ayon pa rin sila...
He was smiling at her. She was smiling at him. They were both smiling at each other like they are so in love with each other and like a perfect couple, iyan ang ngiting pinagkait niya sa akin. Bakit sa iba malaya siyang ngumingiti? Bakit sa akin hindi niya magawa? Ano bang pagkukulang ko sa iyo Vian? Bakit parati ka na lang naghahanap ng iba? Hindi pa ba ako sapat sa iyo?
Nagsasawa ka na ba sa akin kaya ganyan ka?
Napakuyom ang kamao ko, gusto kong suntukin ang mukha ng kanyang sekretarya pero kailangan kong pigilan ang sarili ko, nasa publiko ako, ayaw kong gumawa ng eskandalo, mukhang hindi nila napapansin ang presensiya ko sa labas ng restaurant, napabuntong-hininga ako saka iling.
Kitang-kita ng mga mata ko ang nangyayari dahil nasa glass window mismo ang pwesto nila, siguro nasa isang business meeting nga lang silang dalawa pero sa restaurant, tama... hindi sila nagde-date o ano, business meeting lang ito sa restaurant, but they were both wearing couple shirts, ang alam ko he is not into sweet things, pero bakit ganito ang nakikita ko ngayon?
Why is he wearing a couple shirt with her? Asan na ang pinaghirapan kong suot niya? Ang necktie na pinilit kong ayusin kahit na sumasakit ang katawan ko? Asan na ang pinlantsa kong damit niya?
Napakagat ako sa labi ko. Putang business meeting 'yan, bakit pa kailangang halikan ni Vian ang sekretarya niya? Bakit sa harap ko pa mismo niya hinalikan ang kanyang sekretarya? Bakit hindi niya ako magawang tignan dito sa labas nila? I am in front of them, but they can't see me through the glass window dahil ang kanilang atensyon ay nakapukaw sa kanilang dalawa lang, parang wala silang pakielam sa mundo dahil may sarili sila.
Lahat ng mga tao ay napapatingin sa dalawa at para bang kinikilig, habang ako naman ay andito at malapit nang umiyak, sentro sila ng atensyon, but they don't care, they don't give a shit if someone sees them. Not even if it was his wife.
Napayuko ako, hindi ko na kaya ang nakikita ng mga mata ko... I need to run, this can't be true. This is just a bad dream pero ramdam na ramdam ko ang sakit at kirot sa puso ko. It was more than a dream, it was a nightmare.
Mabilis akong tumakbo palayo, wala na akong pake kung may nababangga pa ako o kung may nakakasalubong pa ako, basta ang sa akin lang ay kailangan kong makatakas sa reyalidad.
Bigla akong napaupo sa sahig nang may nabangga akong lalake, napayuko na lang ako dahil sa sakit, ang lakas kasi ng pagkakatama ng likod ko sa sahig, nahirapan tuloy akong makatayo.
"Hey Miss, are you ok?" Tanong ng lalake, lumuhod siya upang magtama ang mga mata namin, "Why are you crying?" Biglang dagdag niya kaya naman napahawak ako sa basang pisngi ko, hindi ko namalayang umiiyak na pala ako, siguro sanay na akong umiiyak kaya hindi ko na naramdaman na tumulo na pala ang mga luha kong kanina ko pang pinipigilan.
Imbes na pansinin ko ang lalakeng nakaluhod na halata ang pag-aalala sa mukha ay pinilit kong tumayo, pero napaupo ulit ako.
"Miss, don't force yourself. Though you should watch where you are going. I don't know why you are crying, but Miss you are making a scene." Doon ko nalamang nakatingin na pala lahat ng mga tao sa aming dalawa, napayuko na lang ako dahil ayaw kong makita ako ng mga taong umiiyak saka baka may makakilala sa akin at makita ako sa ganitong sitwasyon, "Don't mind them, I'll help you stand."
Tulad ng sinabi niya ay tinulungan niya akong tumayo, labag man sa loob ko ay tinaggap ko na lang ang tulong niya.
"S-Sorry sa pag-abala sa iyo, napuwing lang ang mata ko kaya ako umiiyak." Lame excuse, Lean. Lame excuse! Pero mukhang naniwala naman ang lalake.
"Nah, don't worry about it. I'm Cyan, yours?" Pakilala niya sa kanyang sarili, "and here, wipe your tears, a beautiful lady like you shouldn't be crying." He smiled as he lend me his handkerchief, mukhang mabait ang lalakeng ito at mapapagkatiwalaan.
Dahil wala akong dalang panyo ay kinuha ko na lang ang panyo niya saka ko pinunsan ang mga luha ko, huminga ako ng malalim at saka ko pinigilan ang aking pag-iyak, "I'm Adé Lean, just Lean for short." I smiled, "Salamat sa panyo, h-here..." Nilahad ko sa kanya ang panyo para ibalik.
Umiling siya, "Nah, you can take it. So Lean, what a beautiful name. I hope we meet again, huwag nang umiyak. Ok?" Sabi niya bago umalis.
Napangiti naman ako habang pinagmamasdan si Cyan na naglalakad palayo, bagay na bagay sa kanya ang kanyang pangalan dahil naka-blue v-neck shirt na nga siya, naka-blue pa siyang sosyal na tsinelas.
"Bitch, who's that guy?" My eyes widened in terror when I felt someone grip my hand angrily.
My heart begun to flutter, race, and skip beats.
"V-Vian..."
***
