Chapter 10

32.7K 537 79
                                    

Chapter 10

"Lolo!" Tawag ko kay Lolo Bon nang makita ko siya, nandito na pala kami sa resort ng Lolo ko, sa wakas matapos ang walong oras ng pagbiyahe.

"Apo ko!" Bigla niya akong hinila para yakapin, tinitigan niya ang mukha ko, "Apo, bakit parang stressed na stress ka? May problema ka ba? May nananakit ba sa iyo?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Lolo, biglang napatingin sa akin si Vian na parang hinihintay ang sagot ko.

Ngumiti ako kay Lolo, "Naku Lolo, kung anong nakikita niya. Syempre walang nananakit sa akin, alagang-alaga nga po ako ni Vian eh." I smiled, talaga si Lolo kilalang-kilala ako, sana hindi niya mahalata ang tensyong namumuo sa pagitan namin ni Vian.

Ngumiti si Lolo Bon, "Hay naku bata ka, ang dami mong pinagbago. O'sya, tawagin mo na ang mga kasama mo't makapagpahinga na kayo. Ang Lola Marina niyo ay nasa kubo't naghahanda ng kape at almusal."

"Si Jett po?" Tanong ko.

Ngumiti si Lolo ng matamis, "Ayon, tulog kasama ang kanyang mapapangasawa. Hay naku, kung alam mo lang katatapos lang nila gumawa ng apo ko kaya pagod na pagod!"

Nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi ni Lolo, kahit kailan talaga si Lolo.

"Oi Ben! Ihatid mo nga sina Lean at ang kanyang mga kasama sa kanilang resthouse! Alam mo naman na siguro ang mga assigned houses nila, di ba?" Tawag ni Lolo Bon sa kanyang kambal na si Lolo Ben, tumango naman si Lolo Ben kay Lolo Bon, "Apo, maiwan ko muna kayo nang ma-assist ko rin ang iba pang mga bisita na dadalo sa kasal ni Jett lalo na ang pamilya ng kanyang kabiyak na si Alva." Pagpapaalam ni Lolo Bon bago umalis.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid, wala pa ring pinagbago ang resort, dumami lang ang mga resthouses at cottages, maraming mga tao dito, siguro mga trabahador sila ng farm side, sa kabilang side kasi ng resort ay farm namin, sa maliit na salita ay may hacienda kami rito sa Ilocos, bibisita na lang siguro ako mamaya doon, marami akong mga kaibigan doon at kalaro noong bata ako, tulad ng sabi ako laking probinsya ako.

Biglang pinalakpak ni Lolo Ben ang kanyang kamay kaya napatingin kaming lahat sa kanya, "Lean, seperate ang resthouse niyo ng iyong asawa sa inyong pamilya, bale ang unang resthouse ay para sa pamilya ni Lean, ang ikalawa namang resthouse ay sa pamilya ni Gian." Sabay turo niya sa asawa ko.

"Lolo, si Vian po ito. Wala na po si Gian." Mahinay na wika ko sa aking Lolo Ben na halata ang pagkagulat sa mukha.

"Huh? Parang si Gian kasi ito. Paumanhin apo..." Ngumiti si Lolo kay Vian na pinagpawisan, ang magkambal pala kasi na sina Gian at Vian noon ay parating andito basta summer, syempre para mag-relax naman, dahil matagal na silang dalawa rito ay napalapit na sila sa isa't-isa, lalo na kay Lolo Ben na parating kasama ni Gian noon, mas malapit si Vian kay Lolo Bon naman, si Lola Marina naman ay pabor sa dalawang magkambal.

Minsan na akong niligawan ni Gian noon pero hindi ko siya sinagot, ang sinagot ko ay si Vian kasi siya ang mahal ko, nagpakasal kami agad ni Vian, mahal namin talaga ang isa't-isa, simula noong araw na iyon ay naging malayo na ang dating malapit na loob ni Gian sa akin, hindi ko siya masisisi sa kanyang nararamdaman ngayon.

Dati rin kasi kaming matalik na magkaibigan ni Gian pero nasira dahil sa akin, sinira ko ang pagkakaibiganan naming dalawa. Hindi man lang ako nakahingi ng tawad sa kanya bago siya pumanaw, nasasaktan ako dahil wala na siya, ang dati kong kakampi sa lahat ng bagay.

"Paumanhin talaga, apo." Ulit ni Lolo Ben kay Vian.

"O-Ok lang, lo." Sabi naman niya na halata ang kaba sa mukha, bakit kaya? Napatingin ako sa pamilya ni Vian na parang hindi mapakali dahil sa sinabi ni Lolo, siguro dahil naalala nila si Gian, hindi ko sila masisisi kung ganyan ang reaksyon nila, normal lang naman iyan sa isang pamilya eh.

Vengeful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon