Dahil sa katangahan ko ay muntik na kaming na-late ng magkambal sa first day of school, hindi ko alam pero natuwa ako noong nalaman ko na kaklase ko pala sila. Ewan. Siguro dahil may kakilala na ako, well, not like close kami pero kilala naman na namin ang isa't isa at medyo magaan ang loob namin.
Umupo kaming tatlo sa pinakalikod ng classroom, hindi maikakaila na sikat ang kambal na 'to lalo na sa mga babae sa klase na kanina pang lingon ng lingon para tignan sila, "hindi ba kayo naiirita?" Takang tanong ko sa magkambal.
"Hindi." Sabay na sagot nila.
"Sanay na kami." Saad ni Vian na nasa kaliwa ko.
"Ikaw rin naman tinitignan ng mga lalake." Ngumisi si Gian at tumingin sa akin mula sa tabi ng kambal niya, "buti na lang kami ang naunang nakakilala sa 'yo."
Bigla akong namula, now come to think of it, may mga lalake rin na tumitingin sa akin, umiwas ako ng tingin at binaling ito sa bintana ng classroom-sa may gilid kasi sa likod ang pinili namin. Medyo basa pa ang bintana siguro dahil sa ulan kanina, akala ko kanina titigil na ang mundo ko dahil mawawala na ang mga magulang ko... thank God it was not them but I feel sorry for the strangers who died.
Noong pumasok na ang adviser namin ay agad kaming tumahimik, "I'm Ms. Wish Pangako. No laughing. It's what my parent's gave me," she laughed aloud at lahat kami ay napasama sa pagtawa. Tumikhim siya noong tumigil kami, "since I've already introduced myself, how about each one of you come in front and introduce yourselves? We have a transferee here so let's do the favor for her." Ngumiti siya sa akin.
Isa isang pumunta sa harap ang mga kaklase ko para sabihin ang pangalan nila.
Noong turn na ng kambal ay humirit ang mga babae, nagbuntong hininga silang dalawa at sabay na naglakad.
"Vian."
"Gian."
'Yon lang at bumalik na sila sa kanilang upuan pero kahit ganoon ay hindi maalis ang kinikilig na ingay ng mga babae.
"Never thought that the twins would be in my advisory-this will be tough for me handling a bunch of giggling girls." Iling ni Ms. Pangako. Tinignan ako ni Ms. Pangako at ngumiti, "you're the last."
Since nasa likod ako at gilid ay expected na 'yon lalo't nagsimula sa harap, lahat ng atensyon nila ay napunta sa akin at lumunok ako, tumayo ako at naglakad papuntang harap, hindi nakatulong 'yong distansya na lalakarin ko at may pumatid pa sa akin na babae kaya naman nadapa ako, nagtawanan ang lahat ng babae habang ang mga lalake naman ay parang nagdadalawang isip kung lalapitan ako.
Kinagat ko ang babang labi ko at tinignan ang salarin, ang pangalan ata niya ay... Kimberly?
Ngumisi siya sa akin, tumayo ako at saka ko siya tinignan ng masama, tinaasan niya ako ng isang kilay, "lalaban ka?!" Sigaw niya.
"Calm down children of the ear-"
"Hindi. Bakit naman ako papatol sa isang mababang tulad mo? I will not stoop down to such a low level girl." I gave her a smile at suminghap silang lahat.
"Did she just talk back?!"
"Transferee eh."
"She's asking herself to be killed. Uh-no."
"But the transferee is more beautiful than Kim so maybe she will replace her?"
Hindi ko pinansin ang bulungan ng mga englisherang kaklase ko, "sinasabi mong mababa ako?!" Sigaw niya, hinampas niya ang desk niya at tumayo.
"Mabuti naman at nakakaintindi ka." I smiled, I really hate these typical bullies!
"Kilala mo ba ako?!" She yelled, nagsalita si Ms. Pangako para patahanin siya pero-"ako ang Queen Bee sa school na 'to!"
Tumawa ako, "ah, kaya pala mukha kang bubuyog." I smirked.
Namula ang tenga niya, "why you bitch!"
"Ms. Rosario, no cussing!" Hirit ni Ms. Pangako, "my innocent ears oh God, sorry God!"
Nilampasan ko na lang siya at pumunta sa harap, hindi pa pala nila ako kilala. I gave everyone a warm smile at tumingin sa magkambal na halatang nagulat sa ginawa ko kanina, well, if you're bitchin me I'm going to be bitchier.
"I'm Adé Lean Cassiopea."
Sumagitsit ang ibang mga lalake, "more! We want more!"
"Boys!" Suway ni Ms. Pangako, kawawa naman walang nakikinig sa kanya kanina pa...
Bumalik na ako sa upuan ko at nag-boo ang mga lalake, tumingin ako sa magkambal na nakatingin sa akin, "bakit?"
They smiled, "wala, ngayon lang may naglakas loob na sumagot kay Kim." Sabay na sagot nila.
Nagkatinginan ang magkambal, "bakit mo ko ginagaya?!" Sabay na naman sila. "Kainis!" Sabay na naman sila.
Hindi ko maiwasang mapailing, "ganyan ba kayo palagi?"
Tumingin sila sa akin, "huh?!"
I smiled. "Wala. Ang cute niyong tignan." Sabay na namula ang tenga ng magkambal.
"A-ano... gusto mo bang sumabay na lang sa 'min, Lean?" Gian muttered.
"Sabay sa?"
"Break." Sagot ni Vian, tumingin siya sa akin at noong nagtama ang mata namin ay biglang kumibog ang puso ko. Oh my god... those eyes...
"S-Sige." I smiled.
Matapos ang ilang sandali ay tumunog ang bell kaya naman na-dismiss na kami, tumayo na ako at inayos ang gamit ko habang ang magkambal naman ay hinihintay ako, "tara!" Aya nila sa akin, sabay nilang hinila ang magkabilang kamay ko palabas ng classroom, lahat tuloy tumingin sa amin at... at sa kamay nilang nakahawak sa akin.
"Teka lang, tinitignan nila tayo..."
"Ok lang 'yan." Lumingon sila sa akin at ngumiti, namula naman ako...
~*~
Maraming buwan ang lumipas at naging bestfriend kami ni Gian, si Vian naman ay hindi ko alam dahil masyado syang seryoso sa buhay. Si Kim naman matapos ang unang araw ng klase ay naging abala sa pagsira sa buhay ko, mabuti na lang at andito ang magkambal para sagipin ako.
Nakilala ko na ang pamilya nila, mababait naman ang magulang nila pati ang pinsan nilang si Sebastian, pinakilala ko na rin sila sa mga magulang ko, buntis si Mommy kaya naman gumana 'yong hormones niya at pagka-OA kung bakit may dalawa raw na magkamukha.
Natapos na ang klase namin, graduating students na kami.
"Saan niyo balak mag-summer?" Tanong ko.
"Ewan..." Simpleng sagot nila.
"How about let's visit my family resort sa Ilocos?" Ngumisi ako, "tama! Tiyak matutuwa sina Lolo Bon at Lolo Ben na makakita ng kambal, may magkambal pala akong Lolo."
Sabay silang tumingin sa akin, kuminang ang mata nila, "sige! Tara bukas sa probinsya!"
"Baka hindi kayo payagan ng mga magulang niyo." Suway ko.
Nagkatinginan ang magkambal at ngumisi, "actually, they will." Confident sa sagot ni Vian.
And just like that, the next night, I just found myself on the way to our resort for summer.
***
