Vian POV
Tch, sa lahat ng oras, bakit ngayon pa nasira ang gulong ng kotse ko?! Mabuti na lang at tinawagan ni Mama si Gian para sunduin ako, matapos ang ilang sandaling paghihintay sa kambal ko ay nakita ko rin ang kotse niya, pinark niya iyon sa likod ng sasakyan ko saka siya lumabas.
Maraming mga sasakyan na dumadaan, nasa highway kasi kami. "Ipakilo mo na kaya 'yang sasakyan mo? Ang bulok ha, laging nasisira 'yong gulong." Asar na bungad niya sa akin.
"Tch, ayoko nga. Tinawagan ko na si Manong John, siya na raw bahala sa sasakyan, iwan na natin naka-lock naman na 'yong sasakyan ko." Sabi ko sa kanya, "bilisan natin, alam ko may surpresa sa bahay, happy birthday nga pala, kambal."
Tinignan ako ni Gian saka ngumiti, "happy birthday rin kambal."
"Tara na!" Pumasok na ako at sumakay sa passenger's seat, si Gian naman ay sa driver's seat, mabilis na pinaharurot niya ang sasakyan pauwi.
Tahimik lang kami sa buong biyahe hangga't sa biglang magsalita si Gian, "mahal mo ba si Lean?" Tinignan ko siya ng saglit, ang atensyon niya ang nasa kalsada.
Ngumiti ako, "oo naman, mahal na mahal ko siya..."
Mas lalong bumilis ang sasakyan, "whoa, kalma bro, baka mabangga tayo."
Humigpit ang hawak niya sa stirring wheel pero sinunod naman niya ako, bumalik sa average speed ang sasakyan, "-alam kong alam mo na hanggang ngayon may feelings pa rin ako sa asawa mo. Hindi ka ba galit dahil doon?"
"Bakit naman ako magagalit? Siguro oo, minsan? Pero magkapatid tayo, kambal pa kaya hindi kita matitiis." Seryosong sagot ko, "pero masyado kang nagbago dahil kay Lean."
"Pwede bang ikaw na lang ang magmaneho? Takte naiiyak ako sa 'yo e." Ngumiti ako at tumango, humanap siya ng vacant lot sa may gilid ng kalsada at doon pinark ang sasakyan, nagpalit kami ni Gian ng pwesto at ako ang nagmaneho.
"Ang drama mo." Asar ko sa kanya noong nasa kalsada ulit kami
"Shut up, bro. Baka naman may balak kang mag-seatbelt?" May pag-alalang tanong niya. "Safety when you're inside a car."
"Hindi na kailangan." Sagot ko naman.
"Birthday natin ngayon, baka may masamang mangyari." Suway ni Gian. "Haha! May masama na palang nangyari sa 'yo, na-flat 'yong gulong ng bulok mong Mercedes Benz, lagi naman eh, so ibig sabihin lagi mong birthday?"
"Tumahimik ka Gian." Tumawa ako ng marahan, "ano kaya ang surpresa nina Mama para sa atin?"
"Tanong mo sa kanya, baka sumagot." Pilosopong sagot ni Gian sa akin, "malay mo." Dagdag niya noong tinignan ko siya ng masama pero agad namang binaling ang tingin sa kalsada.
Peste, walang pinagbago ang kambal kong 'to. Naging babaero lang pero 'yong ugali ganoon pa rin.
Napatingin ako sa rearview mirror sa labas ng sasakyan dahil sa malakas na ingay na naririnig kong nakasunod sa amin at napamura, "takte, marunong ba na mag-drive 'yong driver ng truck?!"
Lumingon si Gian, "shit. Kuya!"
"Oo, alam ko." Binilisan ko ang sasakyan, sa likod namin ay nakasunod ang isang mabilis na truck, mukhang wala atang balak na bagalan ang pagpapatakbo?
Sa isang iglap ay naramdaman ko ang impact ng truck sa likod ng kotse ni Gian, parang laruan na tinutulak ng harap ng truck ang maliit na kotse ni Gian hangga't sa tumagilid ito, pinreno ko agad ang kotse ngunit huli na ang lahat, nabangga ang kotse sa isang puno at dahil sa mabilis ito'y nagkaroon ng malakas na impact dahilan upang tumilapon ako sa kinauupuan ko at nabasag ang salamin sa harap ng kotse ni Gian.
Doon, biglang naging madilim ang paningin ko habang ramdam ko ang mainit na likidong dumadaloy sa ulo ko, pati sa ibang parte ng katawan ko, bigla akong namanhid.
"Kuya?!"
"L-Lean..." Bulong ko, bigla akong umubo, kahit na nag-black out na ang paningin ko ay alam kong dugo ang binuga ko, nalasahan ko ang dugo...
Doon, biglang bumalik ang lahat ng alaala ko kasama si Lean, lahat ng alaala ko kasama siya, lahat ng alaala ko simula pagkabata kasama si Gian, bigla silang bumalik sa akin hangga't sa nawalan ako ng malay.
***
Gian POV
Hindi ko alam pero sa isang iglap ay bigla na kang humantong sa ganito ang lahat.
Nanginig ang labi ko, wala akong pake sa sakit na nararamdaman ng katawan ko dahil noong nagising ako ay si Vian agad ang nakita ko, "k-kuya?" Hindi gumagalaw si Kuya o humihinga man lang. Hindi naka-seatbelt si Kuya kaya naman tumama ang ulo niya sa harap na salamin ng sasakyan at nabasag ito, tinanggal ko ang seatbelt ko kahit na nanghihina at binuksan ko ang pinto. Ramdam ko na nasugatan ako dahil sa mga salamin, alam ko na may nakatusok sa aking katawan at may mga dugong tumutulo pero hindi ko ito pinansin.
Ramdam ko ang pagkirot ng ulo ko at sakit sa katawan pero agad ko itong binaling, nakatingin ako ngayon sa walang buhay na katawan ni Kuya, nakalabas ang kalahating katawan niya mula sa basag na salamin ng sasakyan habang nasa loob naman ang kalahati.
Biglang nagsituluan ang mga luha ko, "K-Kuya Vian?" Hindi siya sumagot, biglang bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pagkaroon ng ingay sa paligid, mukhang pinapalibutan kami ng mga tao-siguro nagtataka sa nangyari.
Pinunasan ko ang mga luha ko at daling hinawakan ang kamay ni Kuya na kasing lamig ng yelo, "Kuya?!"
"Tulungan niyo ako! Tulungan niyo ang Kuya ko!" Pagsigaw ko. Yinugyog ko ang katawan ni Kuya, "Vi-Vian? Oy! Gumising ka! Huwag ka ngang m-matulog! K-Kuya?! Kuya?! Kuya!!! Huwag mo akong iwan, Kuya! Kuya Vian! Kuya!!! Gumising ka Kuya!!!"
At doon, biglang hindi naging malinaw ang paningin ko dahil sa mga luha ko, dinig ko ang sirena ng ambulansya na palakas ng palakas hangga't sa may lumapit sa akin, pinahiga nila ako sa isang stretcher, ramdam ko na may kumapa sa bulsa ko at kumuha sa cellphone, "huwag kang mag-alala, tatawag ako ng pamilya mo." Sabi ng isang lalake.
Pinikit ko ang aking mga mata at doon ako tinamaan ng antok, hindi, nawalan ako ng malay...
Kuya Vian...
Lean...
***
![](https://img.wattpad.com/cover/24106917-288-k369457.jpg)