Chapter 3
"Ano ba, Lean! Ang tagal mo. Tss!" Inip na reklamo ni Vian, nginitihan ko lang siya at saka nagmadaling inayos ang itim na necktie niya, "Anong nginiti-ngitihan mo dyan, huh?!" Inis na wika niya at saka niya ako tinaasan ng kilay.
Biglang napawi ang mga ngiti ko. "Wala." Napayuko na lang ako pagkatapos kong naayos ang kanyang necktie, siya nama'y walang sabing naglakad palabas ng bahay, "T-Teka Vian! Hindi ka ba kakain?"
Tumalikod siya na halatang naiinis pa rin, "Hindi na! Bwisit ka kasi, ang bagal mo kumilos, mas mabagal ka pa sa gagong pagong. Late na rin ako! Sa tingin mo, kakain pa ako kung ganitong late na ako for work?!"
Mahigpit akong napahawak sa aking kamay habang nakayuko, "S-Sorry, masakit kasi ang katawan ko. Hindi ako makabangon kanina..." Yumayanig ang mga kamay na wika ko, pinilit ko lang ang sarili ko na bumangon para kay Vian kahit na kumikirot pa ang katawan ko lalo na sa aking sensitibong parte, siguro dahil sa kanyang pagkaagresibo kagabi, saka kailangan kong bumangon para ipaglutuhan siya ng almusal at plantsyahan siya ng damit para sa kanyang trabaho -he is the current CEO of his parent's company, ang Fuentelord Company, bilang kanyang asawa ay responsibilidad ko ito lalo na't wala kaming mga katulong dahil mas gusto ni Vian na ako ang nagsisilbi para sa kanya at hindi iba, ako lang. Mahal talaga niya ako!
"Sorry?! Fahk you, Lean! Walang magagawa ang sorry mo! And please don't make stupid reasons! I guess I should just have married another bitch instead of a liar like you." Tumalikod na siya at nagsimula na namang maglakad, "Yeah, I guess I should have just married another bitch whose much better than you in bed as well."
Para akong ewan na naging malamig na estatwa dahil sa aking narinig at kusang tumulo ang mga luha kong kanina pang nagbabanta. Alam kong nagbibiro lang siya sa kanyang sinabi, mahal kaya ako no'n. Tama, he loves me... he loves me very, very much.
"Don't even think of crying, bitch." Nakangising banta niya bago pumasok sa kanyang sasakyan.
"Bye bitch, see you in bed tonight!" Ngiting-asong saad niya mula sa bintana ng kanyang sasakyan at pinaharurot na ito palabas, ako naman ay paika-ikang naglakad patungong gate ng bahay at sinara ito.
Mariin akong napapikit dala ng matinding pagkirot ng likod ko, siguro dahil sa pagkakatama ng lampshade kahapon. Huminga ako ng malalim at nilobo ang pisngi saka pinakawalan ang ipong hangin, matapos ang ilang sandali ay nagsimula na muli akong naglakad papasok sa loob ng bahay. I guess mag-isa na naman akong kakain for breakfast today.
~*~
Habang nagba-bakyum ako sa carpet sa salas ng bahay ay may nakita akong folder sa coffee table, sinara ko muna ang vacuum at saka pinunasan ang mga pawis na nahuhulog sa aking noo, umupo ako sa sofa at kinuha agad ang folder na may tatak na 'J.C. Files' sa pinakataas nito, binuksan ko ito at saka mabilis na binasa ang nilalaman.
Wala akong maintindihan sa mga nakasulat, puro pangalan ng mga tao ang nakasulat sa dalawangpu't tatlong bond papers sa folder, napailing na lang ako. Siguro naiwan ito ni Vian kanina dahil sa nagmamadali siya, baka importante pa ito. May nabasa pa naman ako sa pinakahuling papel na 'deadline of file submission is as of Oct. 18', ibig sabihin, ngayon ang deadline niya! Talagang kailangan ito ni Vian ngayon!
Kahit na masakit pa ang katawan ko ay tumakbo ako papuntang kwarto namin para lang maligo at magbihis, tama kayo ng iniisip, dadalawin ko si Vian sa kanyang kompanya at saka ibibigay ko sa kanya ang importanteng folder na naiwan niya.
Makalimutin talaga siya... pero may iba pa akong rason, gusto ko siyang pabaunan ng luto kong adobong sitaw kanina, paborito kaya niya ito. Noon nga eh palagi siyang nagpapaluto sa akin nito, siguradong masusurpresa siya! Ang tagal na kaya bago ko siya nilutuhan nito, saka baka gutumin siya, hindi pa naman siya nag-almusal kaninang umaga. Baka hindi rin siya mag-lunch break ngayon dahil sa sobrang pagka-busy sa work.
~*~
"Good morning po, Ma'am Adé." Napatingin ako sa nag-salute na isa sa mga gwardya ng Fuentelord Company at ngumiti."Good morning po." Pinagbuksan niya ako ng pinto at tumango, ako naman ay nagsimula nang maglakad papuntang elevator. Kilala ako ng mga nagtatrabaho sa kompanya ng asawa ko lalo na 'yong mga matagal nang naninilbihan dito dahil madalas ako dito noon, marami kasi ang nagbabago kaya hindi na ako madalas ngayon dito sa kompanya.
"Lean?"
Napalingon ako at halos nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang lalakeng iyon na tumawag sa pangalan ko.
"Sebby?!" Natutuwang tawag ko sa kanyang pangalan.
Ngumiti siya at lumapit sa akin at sumaludo, "Yep, the one and only."
"Welcome back, Sebby. Kailan ka nga pala bumalik?!" Tanong ko sa kanya, si Sebastian Fuentelord itong kausap ko ngayon, siya ay isa sa mga cousins ni Vian, pumunta siya sa Canada para doon mag-aral ng architecture, hindi ko inaasahang bumalik na pala siya.
"Ah, kahapon lang ako bumalik." Nakangiting wika, "It has been two years, huh? And Lean, you are still stunning and gorgeous as ever." Namula naman ako dahil sa kanyang puri.
"Sebby talaga!" Nahihiyang sagot ko at saka kami nagtawanan. Close talaga kami ni Sebby, simula noong una kaming nagkakilala ay malapit na talaga ang loob ko sa lalakeng ito.
"Done flirting together?" Halos maging estatwa ako at naging matigas na bato nang marinig ko ang isang mariin at malamig na boses sa aming gilid, kinakabahan akong lumikho ng tingin at nakita si Vian na walang ekspresyon sa mukha, pero nakita ko ang galit sa kanyang mga mata noong tignan niya ako kaya naman napalunok ako ng sarili kong laway.
"V-Vian..."
Tumaas ang isang kilay niya, "ano ang ginagawa mo dito?" Halata ang inis sa boses niya.
Yumuko ako, ano ang ginagawa ko dito? Wala ba akong karapatan na bisitahin siya? Mahigpit akong humawak sa folder na sadya ko talaga dito. "A-Ano..."
"Huh?"
***