Lean POV
Nagulat kami ni Gian noong biglang gumalaw ang elevator at bumukas ang pinto nito, "what are you guys doing?" Tumingin kaming dalawa ni Gian sa lalakeng nakapang business attire na nakatayo sa labas ng elevator.
Mabilis pa sa alas kwatro akong tumayo, "Vian! A-Ano, nasiraan kami ng elevator kaya na-stuck kaming dalawa."
He raised one eyebrow to Gian's hand, "what happened to your hands?"
"Yeah, I know I should go wash them. Habang nasa loob ng elevator ay ginutom ako, saktong may dalang pagkain si Lean kaya binigay na lang niya 'yon sa akin at syempre, ulyanin ang dakilang Lean at nakalimutan niyang magdala ng kutsara at tinidor kaya naman nagkamay na lang ako tap-"
"Ok. Ok." Pagputol ni Vian saka siya tumingin sa akin, "ano ang ginagawa mo dito?"
Kinagat ko ang babang labi ko, "a-ano... bibigyan sana kita ng baon pero pinakain ko na kay Gian." Umiwas ako ng tingin, narinig ko ang marahan na pagtawa ni Vian kaya naman tumingin ako sa kanya. "H-Hindi ka galit?"
"Bakit naman?"
"Kasi-"
He pressed his thumb to my lip making me shut up, "boses mo pa lang busog na ako." He smirked, "buti at napagdesisyunan mong pumasok sa trabaho mo, Gian." Sabi niya kay Gian na nasa likod ko.
"Ano naman sa 'yo?" Asar na sagot niya sabay lampas sa aming dalawa, moody talaga ng lalakeng 'to! Akala ko ba ayos na kami kung makairap sa amin wagas ha! "I'll just wash my hands."
"Wanna go out and have lunch with me?"
Kuminang ang mata ko dahil sa offer ni Vian, "sige!"
And there, we ended up having a lunch inside a russian restaurant.
***
Gian POV
Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari sa akin, I know I should stop this feeling but it won't just go! Sa tagal ba namang minahal ko siya, sa tagal ba naman ng panahon?! Ang hirap...
Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga boring papers na nasa table ko, tambak na tambak pero hindi naman gaano marami siguro dahil inako na ni Kuya ang responsibilidad ko, bigla tuloy akong nakonsensya sa pinaggagawa ko sa buhay.
Kahit na anong gawin kong focus sa mga papeles ay bumabalik pa rin sa akin ang mga nangyari kanina, was it fate that decided the elevator to stop? But fate seems to make me a fool since when the elevator worked and the door opened, my love rival stands proudly there asking what is going on.
Tch.
Matapos kong i-sort at mag-signature sa mga papeles ay nararamdaman ko ang pananakit ng batok ko, I rested my head into my swivel chair's tip of backrest and closed my eyes, dang, nakakapagod ang umupo lang at walang ibang gawin kundi magbasa ng magbasa ng mga papel habang nakayuko.
"Maybe a girl tonight would make me loosen up a bi-" tumigil ako at umiling, "I should probably stop sleeping with girls..."
Should I? Not that Lean would care, she only cares about my damned twin.
***
Lean POV
Halos isang buwan ang nakalipas at birthday na ng magkambal, nag-usap kami ng mga magulang nina Vian at Gian, gagawa kami ng surprise party para mamayang gabi sa kanilang dalawa, hindi makakarating sina Mommy at Daddy dahil nasa probinsya sila sa resort nina Lolo Ben, Lolo Bon, at Lola Marina. Isang linggo ata silang titira doon para magbakasyon ng maaga.
"Asan na raw po sila?" Tanong ko.
"Naku, na-flat 'yong gulong ng sasakyan ni Vian, tinawagan ko na si Gian at susunduin niya ang kambal niya, hintayin na lang natin sila." Nakangiting saad ng Mama ng magkambal.
Pumunta ako sa may crib ni Tracy, "hi baby."
"Nana!" Tumawa si Tracy noong makita niya ako, she tried to climb the crib to be with me but failed, she almost cried but I got her.
"Ssh, don't cry, ok?"
"Nana!"
Ang cute ng batang 'to. Sana magmana siya sa akin ng kagandahan, hahaha!
Habang wala pa ang magkambal ay inaruga ko muna si Tracy, pampalipas ng oras dahil nakakabagot naman maghintay ng matagal, ang mga magulang naman ng magkambal ay abala sa pagdekorasyon ng bahay, may yaya naman si Tracy pero gusto ko lang na alagahan siya habang busy ang mga magulang niya sa pag-aasikaso sa dining room.
Simple lang naman ang birthday party at hindi magarbo, pamilya lang ang bisita at walang naimbitahan-ang pamilya ko sana pero nasa probinsya naman.
"Dede!" Nagulat ako nang hawakan ni Tracy ang dibdib ko, natawa naman ako dahil pinisil pisil pa niya, naku itong batang ito mukhang gustong magdede, busy naman ang mama niya.
Padedehin ko kaya siya? May gatas kaya ako?
Bigla akong namula, ang sagwa ng iniisip ko! Feeling mother ako, ganoon? Bigla kong naisip si Vian, gusto niya na magkaanak na kami pero hindi pa ako handa, kapag 25 na ako ang lagi kong sinasabi sa kanya, sa totoo lang, gusto ko naman na magkaanak na... nagdadalawang isip lang ako.
Bakit ka naman magdadalawang isip, asawa mo 'yan oy!
Tinignan ko ang relo ko, "Tita, bakit ang tagal naman ata ng kambal?"
"Pasensya ka na, hija, baka na-traffic lang sa daan, hays, ke malas naman ni Vian ngayon pa nasiraan ng gulong." Saad ni Tita Veg. Lagi naman po siyang nasisiraan kung alam niyo lang...
Tumayo na ako at binalik si Tracy sa crib, pumunta ako sa kusina at nakita ko ang tsupon niya, hinugasan ko ito at nagtimpla ako ng gatas niya, nilagay ko na ang takip ng tsupon at bumalik kay Tracy na naglalaro ng doll niya sa crib, noong makita niya ang hawak ko na may lamang gatas ay inabot niya ito ng kamay niya, "ok, ok, heto na." Nakangiting saad ko sabay bigay sa kanya ng tsupon, agad naman niyang sinubo ang tsupon.
Biglang nag-ring ang cellphone ni Tita Veg, "teka. Tumatawag si Gian."
Sinagot ni Tita ang tawag at ni-loudspeaker ang call. Bakit parang ang ingay sa kabilang linya?
"Hello, anak?"
"Ito po ba ang mga magulang ng magkambal?" Teka, bakit iba ang boses? Nanakaw ba ang phone ni Gian?! Hala!
"B-Bakit nasa 'yo ang phone ng isa sa kambal ko?"
"Ma'am, naaksidente po ang dalawang anak niyo, patay na po ang isa habang ang isa naman ay kritikal ang kondisyon dahil maraming dugo na nawala." Anunsyo ng kung sino mang nakahawak sa phone ni Gian.
Para akong binuhusan ng malamig na yelo sa aking narinig.
Ang isa sa mga kambal ay namatay?!
Sino?! Please... is this just a nightmare?
***