Chapter 34

7.3K 147 2
                                        


Ilang taon na matapos kong makilala ang magkambal na naging bestfriend ko at boyfriend, may mga oras na hindi kami nagkakasundo ni Vian at nag-aaway pero sa huli naman ay nagkakabati-matibay ang relasyon namin ni Vian at walang makakapaghiwalay sa amin; siguro si kamatayan na lang ang nakakapaghiwalay sa amin, gayon rin naman sa amin ni Gian bilang bestfriends.

Sa mga taong pagsasama namin ay naging mas malapit ang loob naming tatlo sa isa't isa, graduating na rin kami ng college at dean's list ang magkambal, tiyak maraming mag-ooffer ng trabaho sa kanila pero sorry na lang sila dahil may kompanya sila na mamanahin, syempre fair share ang dalawa.

Lagi kaming tumatambay ni Gian sa basketball court-lagi nga kaming naglalaro, minsan nagkakaroon ng pustahan na 'yong matatalo ay manlilibre for one month. Pero sa lahat ng laro ay laging panalo si Gian, well, may isa naman na kaming game na ako ang nanalo at nanlibre siya for one month kasi saktong nagpustahan kami.

Kahit na patago ang relasyon namin ni Vian ay tumagal naman kami, hindi ko alam kung bakit kailangan pang patago kung pwede namang sabihin na lang, sinabi ko 'yon kay Vian at kinonsidera naman niya.

Nagulat ako dahil bigla na lang nanligaw si Gian, doon... sinabi ko na sa kanya na may relasyon kami ni Vian-matagal na, ayaw maniwala ni Gian kaya naman tinawag ko si Vian para sabihin ang buong kwento, ng patagong relasyon namin na nagtagal ng maraming taon, nakakatawa nga at walang nakahalata na matagal na kami ni Vian...

Doon, sinabi na rin namin sa mga magulang namin ang namamagitan sa amin ni Vian-na nagkaroon kami ng relasyon simula pa lang noong una kaming bumisita sa resort sa probinsya, syempre nagulat silang lahat...

Kahit na nagulat sila'y hindi naman sila nagalit, natuwa pa nga silang lahat at doon na pumasok ang kasal, sa tagal ba naman ng panahong naging kami ni Vian iisipin mo na sa kasal na 'yan mapupunta kaya naman napagdesisyunan namin na pagkatapos na pagkatapos ng graduation namin ay ikakasal na kami.

Pero simula noong nalaman ni Gian ito ay nagbago siya, biglang naging malayo ang loob niya sa akin, naging babaero siya at umiba ang personalidad niya.

"Gian, gusto mo bang sumama sa aki-"

Tinignan lang niya ako, "huwag na, kay Kuya ka na lang sumama. May lakad kami ni Kim."

Suminghap ako, sa lahat ng babae... bakit si Kim pa?!

"A-Ah ano, kasi si Vian may training hanggang six at sabi niya mauna na raw akong umuwi." Tinignan ko si Gian na taimtim na nakatingin sa akin, "a-ah! Magco-commute na lang ako!"

Dali akong lumabas ng classroom dala dala ang mga gamit ko at iniwan si Gian na mag-isa roon, parehas na naman kaming tatlo ng kurso na kinuha, business management kaya naman nasa iisang department na naman kami, at parang mapaglaro ang landas dahil sa limang classrooms na under nito ay magkaklase ulit kami, isang taon lang akong nawalay sa kanila.

Mabuti naman at may bus stop mismo sa harap ng paaralan, hindi ko na binisita si Vian sa gym dahil makakaisturbo lang ako, diretso labas na lang ako sa campus. Hays. Kailangan ko na ngang matuto na mag-drive. Hindi 'yong lagi na lang ako umaasa kay Vian na tagahatid sundo ko.

"Psst." Tumingin ako sa sasakyan na biglang tumigil sa harap ko, nakababa ang bintana kaya naman nakita ko kung sino ang nagmamaneho.

"G-Gian?"

He smirked. "Sakay na. May pupuntahan tayo."

"Pero si Ki-"

"Wala, may dysmenorrhea kaya naman pinauwi raw siya ng maaga." Simpleng sagot niya sabay bukas ng pinto ng passenger's seat sa tabi niya, sumakay na ako at hindi na umangal pa, "saan tayo pupunta?"

Nagkibit balikat siya at nilagay na niya ang isang kamay sa manibela habang ang isa ay nakapatong lang sa hita niya, "you'll see."

~*~

Halos dalawang oras ang biyahe namin ni Gian, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin hangga't sa tumigil kami sa gitna ng mahabang tulay, maganda tanawin lalo na ang ilog na malinaw ang tubig, dahil medyo secluded ang lugar at malayo sa syudad ay hindi gaanong marami ang sasakyan na dumadaan.

Bumaba na si Gian sa sasakyan at sumunod naman ako, "paano mo nadiskobre ang lugar?" Takang tanong ko.

Tumawa siya, "I got lost a year ago because I was drunk then I found this place."

"Ano?! Nagmamaneho ka habang lasing?"

He chuckled. "Noon lang naman 'yon, nasobrahan kasi ako ng inom..."

"Kahit na! Paano kung nagisgrasya ka?!" Kinabahan pa ako dahil sa sinasabi ko.

Tumawa lang siya, "hindi 'yon mangyayari..." nagulat ako nang umupo siya sa may sementong barandilya ng tulay na parang wala lang kung mahuhulog siya.

Bigla akong kinabahan, "baka mahulog ka!"

"Ayos lang, sasaluhin mo naman siguro ako."

"Cheesy." Tumawa ako at lumapit sa kanya, para masigurado na mahawakan ko agad ang kamay niya sakaling bigla siyang matumba at mahulog, mahirap na... buhay niya ang nasa linya, mukhang sanay ang mokong sa ginagawa niyang kalokohan.

Tumabi ako sa kanya at sinandal ang katawan sa railings ng tulay, pinagmasdan ko ang mahabang ilog at ang pagragasa ng tubig, hindi ko nga namalayan na ilang oras na ata kaming nakatambay kaya naman dumilim na. "Gian-"

"Mahal kita, Lean." Suminghap ako dahil sa biglang confession ni Gian, his eyes were full of hope as they reflect me.

"G-Gian, huwag ka ngang magbiro, hindi nakakatawa." Umiwas ako ng tingin, seryoso ba siya? "At bestfriend tayo, kambal mo rin ang boyfriend ko. Huwag ka ngang ganyan."

"Ano ba ang meron sa kambal ko na wala sa akin?" He pleaded. "I can be Vian if you want, mahalin mo lang rin ako." His voice was desperate as he said those words, hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko but I let go.

"You can never be Vian, ikaw si Gian. Bestfriend kita, huwag nating sirain ang relasyon natin." Umiling ako. "Mahal ko ang kapatid mo, Gian. Please... kung biro lang ito, hindi na ito nakakatuwa."

"Do you think I'm kidding?" Pain was evident in his voice. "Seryoso ito, Lean... I've never been this dead serious."

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa railings at tinignan ako ng mataman, umiwas ako ng tingin, "Gian, hindi ba't nag-usap naman na tayo noon? Hindi pwede. Mahal ko ang kambal mo."

Kumuyom ang kamao niya, "siya naman lagi eh."

"Gia-"

Nagsimula na siyang maglakad, "uwi na tayo."

Hindi na ako umangal pa, halata ang galit sa mga mata ni Gian kaya naman kinabahan ako, mabilis ang pagpapatakbo niya sa kotse na parang nakikipag-unahan, pinikit ko na lang ang aking mga mata at nagdasal na sana walang masamang mangyari sa amin lalo't gabi na.

***

Vengeful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon