Chapter 1

30.3K 869 462
                                    


Chapter 1

"Alam ko namang maganda ako pero huwag mo naman akong tungangaan d'yan."

Mukhang gulat pa siya sa sinabi ko. Nang matauhan ay wala na siyang ipinakitang emosyon, blanko na ito ngayon.

Akmang magsasalita sana siya ngunit naudlot ito nang marinig naming nagbukas ang pinto ng opisina dahilan upang doon matuon ang aming atensyon.

Dalawang lalaki ito, parang sila 'yung kasama ko sa elevator kanina.

"Ikaw na naman?!" Sabay na bigkas ng dalawa.

Nagpalipat lipat pa ang tingin nila sa akin pati roon kay Zantlorez, ilang beses nila kaming tinignan bago sila nagbulungan.

Ilang sandali pa ay inayos nila ang kanilang postura at kay Zantlorez tumingin.

"Naks, girlfriend mo boss?" Naningkit ang paningin ko, bakit ba masyadong maingay itong mga 'to?

"May girlfriend ka na pala boss, bakit hindi mo pinaalam sa amin?"

"Kailangan bang ipaalam pa sa inyo?" Rinig ko ang malamig na sagot ni Zantlorez na ikinalaki ng mata ng dalawang lalaki.

"Aba, edi girlfriend mo nga boss? Wow, binata ka na!"

"Boss, anong pinainom mo sa girlfriend mo? Bakit pinatulan ka n'yan?"

"Hey, no! He's not my boyfriend." I shifted my gaze to Zantlorez. "Asshole." Mahinang usal ko habang nakatingin sa kanya.

The side of his lip rose up. "Beautiful," he mouthed.

"Huh?"

Hindi na siya nagsalita, lumapit na lang siya sa dalawang lalaki na mukhang empleyado niya rin.

Hawak ang isang folder ay nirolyo niya ito at hinampas sa ulo ng dalawang lalaki.

"Aray naman boss!"

"Lumayas kayo." Mariin na sambit ni Zantlorez. Dali dali namang lumabas sa opisina ang dalawang lalaki.

"Parang highschool lang?" Ngumisi ako ngunit seryoso na siya ngayon at napatitig lang muli sa akin.

"Baka pala nagkakalimutan tayo. Tanggap na ako rito sa company, right? Where's my office?" I asked playfully.

"No." Mariin na sambit niya at itinuro pa ang pinto. "Get out."

I rolled my eyes, nawala naman ang emosyon niya.

Imbis na umalis ay naglakad pa ako lalo papasok sa kanyang opisina.

"Infairness, this office is beautiful. I'm sure bagay ako rito kasi pareho kaming maganda." Ngumisi ako kay Zantlorez na ngayon ay titig na titig lang sa akin, wala pa ring emosyon. "What if dito na lang din ang office ko?"

"GET...OUT..." Mabagal ngunit nang gigigil na sambit niya na hindi ko pinansin.

Iba rin talaga ugali ng isang ito, hindi ko maintindihan. Kung kanina lang parang humahanga pa siya sa akin ngayon naman ay biglang nang gigigil na.

Sabagay, sino ba namang hindi mang gigigil sa ginagawa ko.

Naglakad ako sa buong opisina niya at sinuyod ito ng tingin habang nararamdaman ko ang titig niya sa akin.

Nang magsawa sa pagtingin sa kanyang opisina ay muli kong hinarap si Zantlorez.

"Bagay talaga ako dito, Zantlorez." Nakakalokong tugon ko.

"MR. ZANTLOREZ." Mariin na sambit niya. "No, hindi ka bagay rito. Can you just leave? You're wasting my time."

Ramdam ko na ang galit niya ngayon dahil sa pagiging makulit ko pero hindi ako nakuntento at mas pinagbutihan pa ang pangungulit at pang aasar sa kanya.

Kidnapping Miss SecretaryWhere stories live. Discover now