Chapter 12

22.6K 733 337
                                    


Chapter 12

"Kaya ba hindi nila ako hinahanap kasi akala nila asawa kita at nasa honeymoon tayo?" Gulat na tanong ko kay Heirron.

Sa palagay ko ay ito ang ibig sabihin ni Heirron. Ang gagong 'to.

"Yeah." Naupo siyang muli bago diretsong tumingin sa akin. "You know what? Tuwang tuwa sila nang magpunta ako sa bahay ninyo. Lalo silang natuwa nang sabihin kong kasal na tayo." He smirked.

Napamaang ako. All this time ang akala ko ay walang pakialam ang mga magulang ko sa pagkawala ko pero hindi naman pala nila alam na nakidnap ako.

Ang malala pa ay akala nila ay kasal na ako at nasa honeymoon at ngayon ay hinahanapan na nila ako ng apo.

"Fck you, Zantlorez." Nanlulumong sabi ko.

Hindi ko na tinanong kung paano niya nalaman kung saan ako nakatira at kung paano niya nakilala ang mga magulang ko dahil alam kong madali lang ito para sa kanya.

Maybe he hired a private investigator para imbestigahan ako at alamin ang mga informations tungkol sa akin.

Obsessed na siya sa akin.

Tinawanan ni Heirron ang aking sinabi. "Nagtatampo nga lang sila dahil hindi raw natin inimbita sa kasal natin kaya bumawi ka na lang daw sa pagbibigay ng apo sa kanila."

Lalo akong nanlumo, ito pa ang isang problema. Gusto na ng mga magulang ko na bumuo na ako ng sariling pamilya o kahit magkaroon ng anak man lang.

Alam ko kung gaano sila kasabik na magkaroon ng apo sa akin at maikasal ako. Ito na rin siguro ang dahilan kung bakit hindi na sila nagtaka nang puntahan sila ni Heirron at sabihin nito ang mga kasinungalingan niya.

Baka nga nagpafiesta pa sila sa sobrang tuwa dahil may asawa na raw ako.

Paano ba naman, tingin siguro nila ay mabuti na 'yong ikinasal ako nang palihim kaysa mapilitan silang ihanap ako ng lalaking ipagkakasundo sa akin pagtungtong ko ng 30 years old kung wala pa akong karelasyon.

"You're a manipulative asshole." I rolled my eyes. "Hindi mo dapat ginawa 'yon." 

Kaya pala parang kumpiyansa siya na walang maghahanap sa akin dahil minanipula niya na ang lahat. He really planned this, huh?

Hindi na siya nagsalita pero natatawa pa rin siya. Maybe natatawa sa sariling kabaliwan?

"Alright, sorry my love." Natatawang saad niya, hindi maalis ang tingin sa akin.

My forehead furrowed, mali yata ang pagkakarinig ko sa huling sinabi niya.

"A-anong tinawag mo sa akin?"

"My love," he pursed his lips.

I was too stunned to speak. My heart starts beating faster than usual.

"Why are you blushing?" Nagsalubong ang kilay ni Heirron. "Are you sick? Do you want me to bring you to the hospital?"

"H-huh?" Tinakpan ko ang pisngi ko. "Ah, don't mind it. I'm not s-sick. Ganito lang kasi ako kapag ano, uhh.. ano.. tuwing naiinitan."

"You sure?"

"O-oo,"

Kinilig ba ako sa itinawag niya sa akin? Sana naman hindi, kadiri 'yon kapag nagkataong kinilig nga ako.

Isa pa may problema pa ako. Kailangan ko na magkaanak!

"Uh.. Heirron?"

"Hmm?"

I sat beside him. "You need to help me." I caressed his arm.

"Tulungan ka saan? Tulungang gumawa ng bata?" The side of his lip rose up. "Don't worry, I'm willing to help you."

Kidnapping Miss SecretaryWhere stories live. Discover now