Chapter 20

22.2K 769 403
                                    


Chapter 20

--Flashback--

"Wait, is that Natan?"

Nangunot ang noo ko paglabas ng opisina ni Heirron dahil natanaw kong naglalakad sa hallway si Natan.

Pinauuwi na ako ni Heirron para daw makapagpahinga muna at baka na-stress lang ako sa ginawang pagsampal ni Tashia.

Baka siya ma-stress sa gagawin ko.

Nang makumpirma kong si Natan nga ang aking nakita ay sinundan ko siya. Mabuti na lang at tumigil siya sa paglakad at tumingin sa akin.

"Ma'am!" He called me and smiled widely.

I put my index finger on my lips. "Shh." Naglakad ako palapit sa kanya.

"Bakit, ma'am? Long time no see!" Nanatili siyang nakangiti. "Congrats pala, magkakaanak na pala kayo ni boss. Ninong ako ma'am, ah?"

"Bakit alam mo na? Did he tell you?"

"Oo, ma'am. Magkakaanak na raw kayo kaya lumayo layo raw ako sa 'yo kung makita man kita." He laughed. "Seloso ni boss."

"Oh, sperm donor lang naman 'yon."

"Ganda ng lahi ninyo panigurado."

I shook my head and chuckled. "By the way, I have a favor. Okay lang ba?"

"Oo, naman. Ano ba 'yan, ma'am?"

"Kilala mo ba si Tashia Herrer?"

"Ah, 'yung may artistang may gusto kay boss?" Ngumisi siya sa akin bagay na hindi ko ikinatuwa.

Nag iinit talaga ang aking ulo kapag naiisip na may ibang nagkakagusto kay Santol at ang malala pa ay 'yung babaeng iyon pa.

"Oo, kilala ko. Anong meron sa kanya? May ginawa ba sa 'yo?"

"She slapped me." I raised my eyebrow. "At gusto kong gumanti dahil hindi ako nakaganti noong sinampal niya ako."

He gulped. Pakiramdam ko ay kinabahan siya sa aking sinabi.

"Anong bang gusto mong mangyari?"

I smirked. Tignan ko lang kung saan ka pupulutin Tashia Herrer.

"Dito na ba?" Tinanaw ko ang building ng station network ni Tashia.

Nagpatulong ako sa kanya na samahan ako rito. Nakasakay siya sa kotse ko ngayon.

Inilahad ko rin sa kanya ang gusto kong mangyari. Sinabi ko na gusto kong bayaran ang mga executives sa iba't-ibang networks upang mapaalis at hindi na nila tanggapin si Tashia, para matapos na rin ang career niya bilang artista.

"Oo, dito na iyon. Nandiyan din opisina nila sa pagkakaalam ko." He unbuckled his seatbelt. "Mamaya tayo bumaba ma'am kapag medyo madilim na. May hihintayin lang din tayo."

"Sino?"

"Ah, kaibigan ko ma'am. Mas kilala niya si Tashia." Kumamot siya sa ulo niya.

"Sino? Si Rafael ba?" Patukoy ko sa isang tauhan ni Heirron.

"Hindi ma'am."

"Sino?"

"Ayon na kotse niya, ma'am. Natatanaw ko na, baba na tayo."

I rolled my eyes and unbuckled my seatbelt.

Paglabas namin ng kotse ay nakita kong naglalakad palapit sa amin ang isang lalaki na may makapal na jacket. Nakasuot ng mask at cap pa na itim. Lahat ng suot niya ay itim, akala yata nito makikipaglibing kami.

Kidnapping Miss SecretaryWhere stories live. Discover now