Chapter 2"What was that? Anong eksena mo kanina?" Iritadong tanong ko kay Heirron Zantlorez nang makarating ako sa opisina niya.
Dito ako nagdiretso sa company niya matapos kong tumambay sa coffee shop kung saan ko sila nakita ng lalaking kasama niya.
Sobrang iritasyon ang nararamdaman ko ngayon dahil simula nang sabihin niya na secretary niya na raw ako ay hindi na ako tinanggap ng lalaking kasama niya kanina na boss pala ng kompanyang inirekomenda niya sa akin at pinsan niya pa.
Mukha pa namang gusto ako ng lalaking 'yon na maging secretary niya kaya lang ay wala ng magawa dahil kay Heirron.
"Start your work now." Tipid na saad niya, prente siyang nakaupo sa swivel chair habang naglalaptop at hindi man lang ako makuhang tapunan ng tingin.
"Sa tingin mo ba madali mo lang akong makukuha? Sarkastikong sambit ko na nagpaangat ng tingin niya. "Anong pwede mong i-offer sa akin para tanggapin ko itong trabahong ito?" Mapanghamon na tanong ko sa kanya.
Seryoso lang siyang nakatingin. Isinarado niya pa ang laptop para mas makapagfocus sa pagtitig sa akin.
"Hindi na libre ang magiging serbisyo ko, kahapon lang ang libre. Magkano maiaalok mong sweldo sa akin?"
He arched his brows. "One hundred thousand monthly salary."
"Ang baba, higher!" Paghahamon kong muli, hindi na mababa ang sweldo na 'yan.
Sa katunayan ay masyado na itong malaki pero dahil gusto kong pahirapan itong Heirron na ito ay magpapadagdag pa ako kahit na hindi ko naman na kailangan pa ang pera.
"Five hundred thousand?"
"Ayoko, taasan mo pa."
"One million?"
"Kulang pa rin, higher pa. Mayaman ka naman."
Tumalim na ang tingin niya sa akin habang ako ay pangisi ngisi lang.
"This gonna be my last offer. Te-"
"Ten million monthly salary? Deal!" Mabilis na sabi ko, hindi ko na siya hinayaang magsalita pa.
Siya naman ang ngumisi. "Hindi."
"So, ano?"
"Ten," lalo siyang ngumisi bago nagpatuloy. "My ten inches d*ck."
"What the fck?!" Inis na ibinato ko sa kanya ang folder na hawak ko na mabilis niya namang nasalo.
Pansin ko na parang gusto niyang tumawa nang malakas kaya lang ay mukhang pinipigilan niya ito kaya hanggang pagngisi lang siya.
"What now Miss Secretary? Anong pipiliin mo? One million monthly salary or my ten inches d*ck?" Mahinang tumawa na siya habang ako ay sobrang talim ng tingin sa kanya.
"Don't worry, every night naman kapag 'yung alaga ko pinili mo."
"Putulin ko 'yan." Supladang sambit ko. "Sa one million ako."
"One million and d*ck? Monthly bonus mo na."
"Tigang." Muli akong umirap. "Bakit hindi ka kaya magjowa? Sila bigyan mo ng gan'yang offer and I'm very sure na tatanggapin nila kahit titi mo lang, kahit wala ng pera."
"Damn." Tumawa na naman siya pero agad ding natigilan, para siyang may napagtanto sa sarili niya.
Matapos nito ay muli na namang naging seryoso ang itsura niya, tumayo siya mula sa pagkakaupo sa swivel chair at walang pasabi na lumabas dito sa opisina niya.
Napamaang ako at nilingon pa ang pintuan.
Saan naman ang punta no'n?
Matapos ang araw na iyon ay hindi ko na muli pang nakitang tumawa si Heirron o kahit ngumisi o ngumiti man lang. Madalas na seryoso ang itsura niya, minsan ay parang iritado o hindi naman kaya ay blanko.
Ang opisina ko naman ay dito na rin sa opisina niya. Dahil malaki naman ito ay halos hindi rin kami magkita kung hindi pa namin lalapitan ang isa't-isa.
Lumipas ang ilang linggo at nagpatuloy ang ganitong eksena sa opisina. Nag-uusap na lang din kaming dalawa lalo na kung tungkol ito sa trabaho, pormal na pormal pa ang paraan ng pakikipag-usap niya sa akin. Ang tawag niya sa akin ay Ms. Garcia at minsan naman ay Ms. Secretary, never ko pang narinig na tinawag niya ako sa first name ko.
"Miss Secretary." Ayan, gaya na lang ngayon.
"Yes?" I didn't look at him, I just focused my attention on my laptop.
"Cancel all my appointments. I have some important matters to deal with." He said, full of authority. "And please reschedule it for next week."
"Bakit next week pa? Hindi ba masyadong matag--" Hindi niya na ako hinayaang makapagtapos sa pagsasalita at basta na lang siyang naglakad palayo at lumabas sa opisina.
"Wow, bastos." I rolled my eyes in annoyance.
Sa mga nagdaang linggo na nandito ako sa opisina niya at nagtatrabaho, pansin ko lang kay Heirron na para bang umiiwas siya sa akin at palaging naalis kahit wala naman siyang meeting or appointment sa mga investors o clients niya.
"Palagi ba talagang naalis si Zantlorez kahit na may trabaho pa siya?" Tanong ko kay Vicky, isa sa nagtatrabaho dito sa kompanya. Siya ang babaeng nakausap ko rin noong mag-a-apply pa lang ako dito.
"Ay, oo ma'am."
"Huwag na ma'am itawag mo sa akin, Khass na lang." Kasalukuyan kami ngayong naglalakad papasok sa opisina, katatapos lang maglunch. "So, alam mo ba kung anong pinagkakaabalahan ni Zantlorez?"
Habang nagkukwentuhan kami ay patuloy lang kami sa paglalakad nang mabagal.
"Nako! Hindi eh!" Tumingin siya sa paligid at parang tinignan kung may nagmamasid. Nang makasiguradong wala ay muli siyang nagsalita. "Pero alam mo ba, usap usapan dito na baka may showbiz girlfriend si sir. May nagkakagusto kasi sa kanya na artista at baka sila na. Ito ang naiisip namin kung kaya't lagi siyang nawawala minsan, baka palihim na nagdadate sila ng girlfriend niya."
"Eh? May girlfriend na si Zantlorez?" Gulat na tanong ko. Huli na nang mapagtango kong napalakas pala ang boses ko dahilan para magtinginan ang ibang empleyado sa direksyon namin.
"Wala." Tila ba nanlamig ako nang marinig ang boses ng lalaking pinag-uusapan namin mula sa likuran ko.
"Lagot ka! Ang ingay mo kasi! Nasa likuran si sir." Bulong sa akin ni Vicky.
"Alis ka na, ako na ang bahala dito." Bulong ko rin sa kanya.
"Sure ka?" Nag-aalalang tanong nito.
"Oo, bilis!" Bahagya ko pa siyang itinulak para mapilitan siyang umalis at hindi na siya madamay pa kung sakali mang pagagalitan ako ni Heirron.
Bahagyang yumuko pa siya sa taong nasa likuran ko bago tuluyang umalis.
Nang makaalis si Vicky ay nilingon ko si Heirron na kasalukuyang nakataas ang isang kilay.
"Hi, good afternoon Mr. Zantlorez." I greeted him and forced a smile.
"Follow me." Seryosong sambit niya bago ako nilagpasan. Sumimangot ako bago siya sinundan.
Nang makarating kami sa loob ng elevator ay agad akong tumingin sa kanya.
"Ngayon ka lang namin napag-usapan, I swear!" Itinaas ko pa ang kanang kamay ko na para bang nanunumpa.
Pinalagutok niya ang leeg niya at niluwagan ang necktie bago siya tumingin sa akin.
"Bakit n'yo ako pinag uusapan?" Malamig na tanong niya.
"Wala lang, masaya lang kami sa lovelife mo." I rolled my eyes. "May girlfriend ka na pala?"
"Wala akong girlfriend, maybe next month magkakaroon na."
Sumilay na muli ang nakakalokong ngiti sa niya na ngayon ko na lang muli nakita makalipas ang ilang linggo.
What does he mean? May magogoyo na ba siya next month?
YOU ARE READING
Kidnapping Miss Secretary
RandomKidnapping Miss Secretary Alphas Dangereux Series #1 Heirron Vittorius Zantlorez is a ruthless mafia boss and a business man. He's the President and CEO of ZNTLorez Company and the leader of Alphas Dangereux. Si Heirron ay walang pakialam sa lahat...