Chapter 8"Uhh, where's your boss?" Tanong ko sa isang tauhan ni Heirron na nakabantay sa labas ng mansyon.
Siya rin ang isa sa palaging napagtatanungan ko sa mga lumipas na linggo at siya 'yong isang lalaki na nakasabay ko noon sa elevator.
Iba siya sa ibang tauhan ni Heirron dito, hindi ko mga alam kung tauhan siya o kaibigan. Mukhang mayaman din naman kasi siya at iba ang suot niya sa ibang nagbabantay rito.
At isa pa, gwapo.
"Bakit lagi mo na akong kinakausap? Akala ko wala ka raw pakialam sa ibang tao." Natawa siya. "Walang wala na ba ma'am?
Nginiwian ko siya dahil hindi naman related sa tanong ko ang sinabi niya.
"Ang tanong ko ang sagutin mo."
"Ah! Bakit mo pala hinahanap si Mr. Zantlorez, ma'am? Miss mo na ba?" Nakangising tanong niya sa akin.
"Shut up." I glared at him. "Hindi kaya!"
"Sus! Deny pa! Miss mo naman talaga, ma'am. 'Di ba?"
"Hindi. Nagtatanong lang naman ako." I rolled my eyes. "Why, masama na bang magtanong?"
"Ah.." Napakamot siya sa ulo niya. "Hindi naman, ma'am."
"Oh, hindi naman pala eh." Muli ko siyang inirapan. "So, nasaan nga ang boss mo?"
"Hindi ko alam, ma'am." Kinuha niya sa pocket ng pants niya ang phone niya at iniabot sa akin.
"Anong gagawin ko rito?" Nagtatakang tanong ko habang hawak ang cellphone niya.
"Kung gusto mo, tawagan mo si boss. May number siya riyan, ikaw na mismo magtanong kung nasaan siya. Sabihin mo na rin ma'am na miss mo na siya."
"No thanks, and shut up. Hindi ko siya namimiss, okay?" Bumuntonghininga ako at ibinalik ang cellphone sa kanya. "Kailan ba ako makakaalis dito?"
"Patakasin na lang kita para makaalis ka na." Nagtaas baba ang kilay niya. "Game ba?"
I shook my head. "Hindi na, baka pagalitan ka pa ng boss mo."
"Kunyari ka pa, ayaw mo lang naman na umalis." Ngumisi siya. "May napansin pala ako sa 'yo, ma'am."
Nangunot ang noo ko. "Ano naman 'yan?"
"Parang hindi ka na nagbabalak tumakas nitong mga lumipas na araw. Bakit? Masarap ba alaga ni boss? Ayan ba dahilan kung bakit nagtitino ka?"
"Huh? Alaga niya? As in 'yung ano niya, pet?" Nagtatakang tanong ko. "I don't know. Hindi ko alam kung masarap, hindi ko pa naman natitikman alaga niya."
Humagalpak siya sa tawa, pati ang ibang kasamahan niya na nakarinig ng sagot ko ay tumawa rin.
"Anong nakakatawa?" Naguguluhang tanong ko.
"Ibig ko kasing sabihin ma'am ay kung masarap bang mag alaga si boss, hindi 'yung alaga niya mismong si junjun ang tinutukoy kong masarap."
What the heck?
Humawak siya sa tiyan niya habang tumatawa at nakaturo sa akin. "Ikaw ma'am ha! Ang bastos mo!"
Parang gusto kong magpalamon sa lupa.
Nagtatawanan pa rin sila, lalong lalo na itong kausap ko. Tawang tawa pa rin siya.
Natigilan lang silang lahat nang may marinig na nagsalita.
"What's going on here?"
Bumilis ang tibok ng aking puso nang marinig ang pamilyar na boses na ito.
Nag angat ako ng tingin sa nagsalita at nagtama ang paningin namin ni Heirron.
YOU ARE READING
Kidnapping Miss Secretary
RandomKidnapping Miss Secretary Alphas Dangereux Series #1 Heirron Vittorius Zantlorez is a ruthless mafia boss and a business man. He's the President and CEO of ZNTLorez Company and the leader of Alphas Dangereux. Si Heirron ay walang pakialam sa lahat...