Chapter 3"Ah, magkakaroon ka ng girlfriend next month?"
"Hmm."
"Why? Tingin mo ba may papatol sa 'yo?" Humagalpak ako sa tawa. Ang assuming niya sa part na akala niya may magkakagusto sa kanya.
Ang kapal ng mukha niya. Hindi naman siya kagwapuhan, mayaman lang siya.
Tumalim ang tingin niya sa akin. "Are you making fun of me?"
"Yeah." I smirked. "Oh, sino naman 'yang magiging girlfriend mo or sino 'yang nililigawan o nagugustuhan mo? You know, kawawa naman siya. Siya ang magiging pinakamalas dito sa mundo kung magiging kayo."
I thought ma-o-offend siya sa sinabi ko but I was wrong. Nakuha niya pang ngumisi.
"Malas mo." He said playfully.
I blinked twice. "Huh?" Nagtataka ako sa naging sagot niya.
What does it mean?
He didn't answer, he just smirked and left me dumfounded inside the elevator.
"Iniwan niya ako? Ang kapal ng mukha niya." Anong karapatan niyang iwanan ako rito at hindi sagutin ang tanong ko?
I rolled my eyes, lumabas na rin ako sa elevator at nagtungo na sa opisina ko.
Yes, opisina ko lang dahil ako lang naman ang laging nagtatrabaho and missing in action palagi ang boss daw ng company.
Boss? Mas mukha pa siyang alipin ko.
Nasa unahan ko ngayon si Heirron na naglalakad din papunta sa opisina. I'm still mad sa ginawa niyang pag iwan sa akin sa elevator at hindi pagsagot sa tanong ko. Hindi pwedeng hindi ako makakaganti.
Ngumisi ako nang may naisip akong kalokohan.
Mas binilisan ko ang paglakad ko at halos takbuhin na ang daan papunta sa opisina maunahan ko lang siya.
Naunahan ko nga si Heirron sa paglalakad at nang makapasok ako sa loob ng office ay pinagsarhan ko siya ng pinto. Hindi pa ako nakontento at nilock ko pa ito.
"DAMN IT!" Rinig kong sigaw niya mula sa labas. "Open this door, Miss Secretary!" Lumagabog pa ang pinto, mukhang hinampas niya ito.
"Ayoko nga."
"Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo! Open this fcking door!"
I shrugged. "I'm sure you have a key naman. Just use your key para naman may purpose na ang susi mo."
"Nandiyan susi ko, fck! Open this door, marami pa akong kailangang gawin!"
"Okay, malas mo. Bawi ka next life. Huwag mo na ring gawin ang bagay na gagawin mo sana. Normalize maging tamad." Pagbibiro ko.
Nagrereklamo pa rin siya pero hindi ko na siya pinansin. Nagtungo na lang ako sa table ko at nagsimula na sa pagtatrabaho.
Kinakalabog niya ang pinto, mukhang sisirain niya.
Para hindi ako maistorbo sa ginagawa ko ay kumanta na lang ako, hindi alintana ang halos pagwawala ni Heirron sa labas.
I don't care kung magalit man siya sa akin and sesantehin ako after this at hindi ibigay ang napagkasunduan naming sweldo. I'm not bored na rin naman, if gusto niya na akong umalis dito, aalis ako.
Ilang minuto ang lumipas ay nagbukas na rin ang pinto ng opisina at tumambad sa akin si Heirron kasama ang isang guard. Si Heirron ay matalim ang tingin sa akin.
"Okay na po, Mr. Zantlorez?" Tanong ng guard, mukhang pinatawag niya ito para magbukas ng pintuan. Pagkakaalam ko kasi ay may susi ang mga guards and janitors sa ilang office dito sa company.
YOU ARE READING
Kidnapping Miss Secretary
RandomKidnapping Miss Secretary Alphas Dangereux Series #1 Heirron Vittorius Zantlorez is a ruthless mafia boss and a business man. He's the President and CEO of ZNTLorez Company and the leader of Alphas Dangereux. Si Heirron ay walang pakialam sa lahat...