Chapter 19

21.3K 791 575
                                    


Chapter 19 

"Mr. Zantlorez, nasa labas na po ang tatlong truck ng mangga." Sabi ng isang empleyado ni Santol. "Iba't-ibang klase po 'yon ng mangga, gaya po ng inutos n'yo."

"What about the chocolate syrup?"

"Paparating pa lang daw po ang truck. Baka sampung minuto pa po bago makarating."

"Tagal naman," Bugnot na aking tinuran.  

Sampung minuto na akong naghihintay bago dumating ang mangga then sampung minuto pa rin sa chocolate syrup? Nag iinit lang ang ulo ko sa sobrang tagal.

Tumango si Heirron. "You may leave now."

Yumuko siya bago umalis sa office namin ni Heirron.

Kasalukuyang nakaupo ako sa swivel chair habang kumakain ng adobo with rice na dinala ni Vicky. 

Si Heirron ay nakatitig sa akin habang nakahalukipkip. Pakiramdam ko ay inoobserbahan niya ako lalo na ang ikinikilos ko. Kanina niya pa ako sinusuri nang sabihin ko na mabaho ang pagkain na binili niya at noong sinabi kong gusto ko ng mangga na may chocolate syrup.

Iniwas ko na lang ang paningin at itinuon ang atensyon sa pagkain.

May nagbago ba sa akin? 

Ang alam ko lang naman na nagbago sa akin ay ang pang amoy ko pati ang pakiramdam ko. Minsan tuwing umaga ay parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko kaya late na akong nakakapasok nitong mga nakaraang araw. 

"I'm still hungry but paubos na itong pagkain. Kulang ang pagkain na dinala ni Vicky." I pouted. Actually, marami naman ang dalang pagkain ni Vicky pero hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay gutom pa rin ako.

"Are you pregnant?"

I almost choked on my food when I heard that question. I wiped my mouth using tissue and glanced at Heirron. 

"Stupid! Of course not."

"But you're acting weird." Nakakunot ang noo niya. "Anong naramdaman mo these past few days?"

"Parang sensitive lang pang amoy."

"And?"

"Nasakit dibdib ko, hindi mo na kasi nahahawakan. Baka nagtatampo?" I grinned.

"I'm dead serious."

"Seryoso rin ako." Kinamot ko ang aking pisngi. "Masakit nga dibdib ko minsan."

"Finish your food."

"Why?"

"Magpapacheckup tayo." He smirked.

"Ayoko,"

"Khasseani." Hinilot niya ang sentido. "You need to check up."

"I don't want. Kakainin ko pa 'yung mangga." Inirapan ko pa siya.

"Khasseani Yzabelle." Matalim ang tingin niya. "Pwede namang mamaya na kainin 'yon. Magpapacheckup muna tayo ngayon."

"Ayoko. Wala naman akong sakit para magpacheckup."

"But you're pregnant."

"Hindi nga!"

He sighed. "We'll make love after your checkup."

Mabilis na tumayo ako. "Okay! Let's go." Nanguna pa ako sa paglabas sa office, nagmamadali.

"Be careful!"

Nakanguso ako habang hinihintay na matapos ang usapan ni Heirron at ng doctor.

Tama si Heirron, buntis nga ako.

Kidnapping Miss SecretaryWhere stories live. Discover now