Chapter 43Khasseani Yzabelle Garcia
"Ako lang ang boyfriend mo, ako lang at wala ng iba."
"You're a liar." I pushed the guy away from me and glared at him.
"Fvck. Ako pa nga raw ang sinungaling." He shook his head in disbelief. Inilahad niya ang kamay niya sa aking harapan. "Come with me, I will prove it to you."
I raised my middle finger at him. "Fvck you." Then I smiled sweetly.
Hindi naman ako galit sa kanya, sa katunayan ay natutuwa pa nga ako na nasa harapan ko ang lalaking ito at may parte sa akin na gustong gusto siyang mapagtripan. Natutuwa ako na masilayan siyang inis o galit kaya ko iyon ginawa.
"Hmm, deja vu." The guy smirked as he stepped closer again. "You really don't want to come with me?"
Napaatras ako hindi dahil sa takot kung hindi sa kakaibang nararamdaman ko na hindi maipaliwanag. Sobrang bilis ng pagtibok ng aking puso, nakakapanghina ang kanyang presensya. Parang gusto ko na lang tuloy kumapit at yumakap din sa kanya.
I just shook my head. Hindi na ako makahagilap ng maaaring sabihin dahil natutok na ang aking atensyon sa kanyang mukha.
"Ayaw mo talagang sumama?"
"Ayaw ko nga."
"So, in that case, I have no choice but to do this again."
"Huh? Ang a-alin? Don't tell me na hahalikan mo ulit ako?" My eyes widened as I hugged myself.
"Hahalikan ka? Darn, wala nga 'yan sa utak ko." The guy burst into laughter. "Kung hindi sex nasa utak mo, kiss naman. What's next, Khasseani Yzabelle? Positions? Foreplay?"
"What the heck? Ang bastos mo!" Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko sa sinabi ng lalaki. "W-wait, what's your name pala?"
"Heirron," He licked his lower lip. "That's my name." Sinalubong niya ng tingin ang aking mata saka siya ngumiti nang nakakaloko. "Ang pangalan na paulit ulit mo ring binabanggit kapag inaangkin kita."
Heirron?
Natulala ako, bigla kong naalala na ito ang pangalan na nasa aking panaginip.
Posible kayang nagsasabi ito ng totoo? Na siya raw ang aking boyfriend? Idagdag pa na tinatawag niya pa akong Khasseani Yzabelle na naramdaman ko ngayon ngayon lang nang binanggit niya na parang ito ang aking tunay na pangalan.
"S-shut the fvck up. That's so gross." Tanging nasambit ko nang makabawi ako sa pagkatulala.
Ngumisi lang sa akin si Heirron. "Last question. Hindi ka ba talaga sasama sa akin?"
"Hindi talaga Mr. Heirron. You may leave now."
I was about to turned my back when suddenly he easily carried me like a sack of rice.
"Hey! Put me down!" Pinaghahampas ko ang kanyang likod ngunit parang wala lang ito sa kanya at nagsimula pang maglakad habang buhat ako. "Heirron, ibaba mo ako! This is kidnapping!"
"I know, miss. I am aware of what I'm doing." I heard him chuckled.
Hindi na ako nakapalag lalo na nang may pumasok na naman na alaala sa aking memorya.
"I swear, kapag nakaalis ako dito ay isusumbong kita sa awtoridad! This is kidnapping!"
"Go ahead.. Pero wala ka nang kawala sa akin. Paano ba 'yan?"
Bahagya na namang sumakit ang aking ulo dahil dito ngunit hindi ko na rin ito masyadong ininda at itinuloy ko na lang muli ang paghampas sa likod ni Heirron nang lumipas na ang sakit.
"Put me down, Mister Kidnapper." Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kotse.
"Sorry but I'll never do that, Miss Secretary." Maingat na inilapag niya ako sa passenger seat.
"Dumbass,"
Nagpupumiglas ako ngunit mas malakas siya. Walang kahirap hirap na naikabit niya sa akin ang seatbelt kahit na nagwawala ako.
Ngumisi pa siya bago siya nagnakaw muli ng halik sa aking labi.
I was about to kick him when he suddenly closed the car door. Umikot na rin siya papunta sa driver seat matapos nito.
He's really an asshole, huh?
"How are you?" Heirron asked me but I did not answer.
Naging abala ako sa pagsubok na buksan ang pinto ng kotse ngunit nabigo akong mabuksan ito dahil ito ay nakalock na.
"Khasseani, I'm asking you."
"Ask yourself." I rolled my eyes.
"Still the same Khasseani, huh? You really have an attitude problem." Natawa na naman siya.
Kung hindi ko pa siya sinamaan ng tingin ay hindi siya titigil sa pagtawa. Napailing iling na lang siya bago nagsimula sa pagmamaneho.
Kidnapper.
I remained silent while Heirron was busy driving. Paminsan minsan ay sumusulyap siya sa akin ngunit agad ding naglilipat ng tingin sa daan at magsisimulang sumipol tuwing tataliman ko ng tingin.
Hindi na ako masyadong nagprotesta habang nasa kotse dahil pakiramdam ko talaga ay ligtas naman ako sa kanya.
Nang makaramdam ako ng antok ay humilig ako sa bintana at saka pumikit. Bago pa man ako tuluyang makatulog ay naramdaman ko na hinawakan ni Heirron ang aking kamay at maingat na hinahaplos ito.
Binuksan ko ang aking mata at sumulyap sa kanya. Nakatuon ang atensyon niya sa pagmamaneho, isang kamay lang ang nakahawak sa manibela dahil ang isang kamay niya ay nakahawak pa rin sa aking kamay at mukhang wala pang balak bitawan ito.
Hindi na ako umalma at pumikit na lamang muli, and then I smiled secretly.
Mas naramdaman ko lang na ligtas ako sa kanya sa ginawa niyang paghawak sa aking kamay, simpleng bagay na gusto kong maramdaman matapos akong maaksidente.
Sana lang talaga ay siya nga ang aking kasintahan..
Nang magising ako ay naramdaman kong nakahiga na ako sa malambot na kama at may marahan na humahaplos sa aking tiyan habang sinasabayan ito ng mumunting halik dito.
Bumaba ang tingin ko sa gumagawa nito at nakita kong si Heirron ito.
Handa na sana akong magreklamo at magalit sa pag-aakala na may masamang balak siyang gagawin sa akin ngunit hindi ako nakakilos nang marinig ang binitawan niyang linya.
"Daddy failed to save and protect you and your mom." Wika ni Heirron habang patuloy sa paghaplos sa aking tiyan. "I'm really sorry, my baby."
Narinig ko ang pagkabasag ng boses ni Heirron nang sabihin niya ito kasabay ng pagpatak ng kung anong likido sa aking tiyan na wari ko ay kanyang luha dahil narinig ko rin ang mahina nitong paghikbi.
He was crying.
Hindi ko na rin mapigilan ang sarili na mapaluha habang pinagmamasdan si Heirron.
Aaminin ko sa sarili ko na nasasaktan din ako ngayon na nakikita ko siyang nasasaktan ngunit kahit na gano'n ay may humaplos din naman sa puso ko habang pinapanood siya sa kanyang ginagawa.
Yumakap sa akin si Heirron at sinubsob ang mukha sa aking tiyan habang patuloy ang tahimik na paghikbi at pagluha.
Tumikhim ako dahilan upang umupo nang ayos si Heirron sa tabi ko, pasimple niya pang pinupunasan ang kanyang luha.
Walang nagsalita sa amin at parehong nanatiling tahimik lang, mukhang nagpapakiramdaman pa.
"Uh, Heirron."
"Hmm? Why? What do you want?" He asked without looking at me.
"Can you touch my body?"
Ngayon na siya tumingin sa akin, may nakakalokong ngiti sa labi.
"I knew it. Sinasabi ko na nga ba, papasok din sa isip mo ang foreplay." Ngumisi sa akin si Heirron, akala mong kung sinong hindi umiyak. "That's so gross, Khasseani Yzabelle." He mocked me.
YOU ARE READING
Kidnapping Miss Secretary
RandomKidnapping Miss Secretary Alphas Dangereux Series #1 Heirron Vittorius Zantlorez is a ruthless mafia boss and a business man. He's the President and CEO of ZNTLorez Company and the leader of Alphas Dangereux. Si Heirron ay walang pakialam sa lahat...