Chapter 27Khasseani Yzabelle Garcia
After 5 years...
"Mom, good morning!" Bumeso ako sa kanya.
"Good morning, sweety." Nakangiting pagbati ni mommy.
"'Yung mga bata pala, mom? Nasaan sila?" Nagtatakang tanong ko, inilibot pa ang paningin. "And also daddy, where is he?"
"Nasa backyard mga apo ko, daddy mo nandoon din. Siya ang bantay sa kanila." My mom shook her head. "Sinilip ko nga kanina, nag-uumiyak sila Herrian at Herriah."
"Oh my! Bakit sila umiyak, mom?" Nag-aalalang tanong ko.
"Gusto ng bagong doll, hindi natiis ng daddy mo kaya sumaglit pa sa mall para bumili ng doll."
Bahagya akong natawa. "Masyado na silang spoiled kay daddy."
"Ikaw rin naman spoiled sa daddy mo noong bata ka." Ngumiwi si mom. "Mga anak mo gusto rin palaging nakukuha o nasusunod ang gusto kagaya mo, may pinagmanahan talaga."
I pouted. "Well, noon lang naman ako ganiyan, mom. Ngayon nagbago na ako."
"I don't believe you." She rolled her eyes. "Sige na, puntahan mo na mga anak mo."
Tinawanan ko na lang siya bago magtungo sa backyard. Agad na tumakbo palapit sa akin sila Herrian at Herriah nang makita ako.
Oh, my cute baby girls!
"Mommy!" Sabay na pagtawag nila habang tumatakbo.
"Careful, cuties!"
I spread my arms wide open while waiting for them. Yumuko ako at sinalubong sila ng mahigpit na yakap nang makalapit sila.
"Good morning, mommy!" Kahit sa pagbati ay sabay rin sila.
"Good morning my Herrian Khatrina." I planted a kiss on Herrian's cheek. Ngumuso siya na ikinatawa ko.
"Cutie," I pinched her nose. "And good morning to my Herriah Khassandra." Hinalikan ko rin sa pisngi si Herriah na ikinahagikgik niya, mukhang bahagyang nakiliti.
Humiwalay na sila sa pagyakap sa akin. Nagpunta sila sa mini playground at nagpatuloy sa paglalaro.
Sunod ay hinanap ko si daddy. Nang matagpuan siya ay lumapit ako at bumeso.
"Good morning, dad." I smiled. "Salamat nga pala dad sa pagbili ng laruan nila Herrian at Herriah. Pasensya na rin sa abala. Don't worry dad, halos lahat ng laruan sa mall bibilhin ko na para hindi ka magpabalik balik sa mall every time na may magugustuhan sila.
"Good morning din. Hindi naman sila abala, mga apo ko naman 'yon." Natawa si dad. "Maganda ay magpagawa ka na lang din ng mall."
"Mas mabuti nga siguro, dad." Natawa rin ako. "Nasaan pala iba kong anak dad? Sila Herriah at Herrian lang nakita ko."
"Nasa kubo, puntahan mo roon."
"Thanks, dad!"
Nang makalapit ako sa kubo ay nadatnan ko ang iba ko pang mga anak. Lahat sila ay tahimik na nagbabasa ng libro.
"Good morning!" Pagbati ko ngunit hindi nila ako pinansin. Pumasok ako sa loob ng kubo at naupo rin. "Hey!"
"Yeah, morning." Bored na sambit ni Herriot, hindi man lang ako tinapunan ng tingin at nagpatuloy lang sa pagbabasa.
"Morning, mom." Pagbati ni Herrioz, ibinaba niya ang libro at tumingin sa akin ngunit wala man lang kangiti ngiti.
"Herriox, good morning!" Akmang hahalikan ko siya sa pisngi ngunit umiwas siya.
YOU ARE READING
Kidnapping Miss Secretary
RandomKidnapping Miss Secretary Alphas Dangereux Series #1 Heirron Vittorius Zantlorez is a ruthless mafia boss and a business man. He's the President and CEO of ZNTLorez Company and the leader of Alphas Dangereux. Si Heirron ay walang pakialam sa lahat...