Chapter 16"Hindi mo ba talaga asawa si Heirron?"
"Hindi nga, mom." Nasapo ko ang noo ko.
"Boyfriend?"
"Hindi rin." I rolled my eyes.
"Oh, sayang naman ang gwapo pa naman niya. I really thought may relationship kayo. Bagay pa naman kayo."
"Mom, hindi ako makikipagrelasyon sa ghoster na magaling lang sa kainan."
Isang linggo na rin ang lumipas simula nang pinalaya ako ni Heirron. Inihatid niya pa ako sa bahay at ibinalik niya sa akin ang mga gamit ko and after that ay hindi ko na siya nakita pa ulit.
Hindi niya rin ako sinubukang i-contact. Sabi niya mahal niya ako at akala ko ay handa siyang pakasalan ako at bumuo ng pamilya kasama ako. Bakit nakascore lang sa akin ay pinabayaan na ako?
Magaling lang siya sa salita. Nakakainis.
Kapag ako talaga nabuntis, itatago ko anak namin. Damn him.
"Effort pa naman siya pagpunta rito para mapaniwala kami na asawa mo siya. May mga documents pa na patunay na mag asawa raw kayo."
"Sira lang ang ulo ni Heirron, mom. Hindi ko talaga siya asawa."
"Ikaw nga umamin sa akin." Sumeryoso si mommy. "Dinukot ka ba niya? Ang tagal mo ring nawala. Kung dinukot ka niya ay dapat natin siyang kasuhan ng kidnapping."
"N-no!" Agap ko. Nagulat si mommy sa biglang pagsigaw ko. "Hindi niya ako dinukot kaya hindi natin siya kakasuhan."
"Are you sure?"
"Yes, mom. He's just my friend. CEO siya and sinama niya lang ako sa business trip niya dahil wala siyang maisamang secretary. Bored naman ako kaya sumama na ako."
I don't know why pero ayokong ipahamak si Heirron kahit na krimen naman talaga ang ginawa nitong pagdukot sa akin.
"Business trip lang ba talaga pinuntahan ninyo? Baka mamaya magulat ako may apo na ako."
"That's what you want naman. Be thankful na lang kung mabuntis ako."
"Wow." Her lips parted. "So, may nangyari sa inyo? Dalaga ka na anak!"
I shook my head. Hindi na lang siya pinansin kahit may mga ibang tanong pa siya.
"Ang gago talaga ng boss mo 'no?"
"Ha? Bakit, anong ginawa niya?" Nagtatakang tanong ni Vicky.
"Wala naman. Gago lang talaga siya for me." I rolled my eyes.
Nasa mall kami ni Vicky ngayon at kumakain. Katatapos lang naming manood ng movie at magshopping.
Nagtext ako sa kanya at niyaya siyang mamasyal dahil kinukulit pa rin ako ni mommy sa bahay tungkol kay Heirron. Para makaiwas sa pang iintriga niya.
"Saan ka pala nagpunta? Ang tagal mo ring nawala. Hindi nga rin kita macontact."
"Nagbakasyon lang."
"Saan?"
"Sa bahay ng friend ko."
Ang tingin ni Vicky ay naging kagaya ng tingin ni mommy noong tinanong niya ako about kay Heirron. Parang mga nanghuhusga, nang aasar.
"What?"
"Friend lang ba?" She laughed. "Baka mamaya friend with benefits ah!"
"Okay, funny." Umirap ako bago uminom ng tubig.
YOU ARE READING
Kidnapping Miss Secretary
RandomKidnapping Miss Secretary Alphas Dangereux Series #1 Heirron Vittorius Zantlorez is a ruthless mafia boss and a business man. He's the President and CEO of ZNTLorez Company and the leader of Alphas Dangereux. Si Heirron ay walang pakialam sa lahat...