Chapter 26——Continuation——
"Bagay talaga ako rito, Zantlorez."
"MR. ZANTLOREZ." Mariin na sambit niya. "No, hindi ka bagay rito. Can you just leave? You're wasting my time."
Hindi siya nababagay rito sa office, sa bahay ko siya nababagay.
Labag sa kalookan ko na paalisin siya pero ito ang kailangan.
Kahit anong pagpapaalis ko sa kanya ay hindi pa rin siya umalis. Nakuha niya pang paalisin ang isang nag-a-apply as secretary.
"Ang galing ko, right? Ganito dapat secretary mo, palaban."
"Bakit ba mas marunong ka pa sa akin? Umalis ka na!"
Hinakawan ko siya sa braso at halos kaladkarin ko siya palabas sa opisina dahil naisip ko na baka spy lang siya ng mga kalaban.
"Wait!"
"What?"
"Tanggapin mo ako as secretary, kahit walang salary okay lang. I'm just bored, gusto ko lang ng mapagkakaabalahan."
Why she's so desperate to be my secretary? Maybe she's really a spy?
"Mukhang mayaman ka naman, bakit hindi ka na lang magpunta sa bar nang malibang ka?" Binitawan ko ang kanyang braso. "This would be the last time that I'll tell this."
"And, what is it?"
"Leave."
"Fine."
Nakahinga ako nang maluwag, mabuti naman.
"But in one condition."
Puta.
Inutusan pa nga ako na ihanap daw siya ng company. Hindi niya ba talaga kilala ang kaharap niya? Kung sa iba ito baka binaril ko na 'to.
Nang makaalis siya ay kinuha ko ang calling card na ibinigay niya. I saved her number on my phone.
Pwedeng gawing textmate.
"Yael, are you still looking for a secretary?"
"Oo, bakit may mairerekomenda ka?"
Hindi agad ako nakakibo. Naiisip ko pa lang na rito sa pinsan ko magtatrabaho ang Khasseani Yzabelle na iyon ay naiirita na agad ako.
"Hoy, Vitto. Ano meron ba?" Tatawa tawang tanong niyang muli. "Ayusin mo nga itsura mo, para kang may galit sa mundo."
"Tss."
"Oh, ano? Meron ba?"
"Meron."
Labag talaga sa loob na sagot ko pero mabuti na rin na rito siya magtrabaho sa pinsan ko para kahit papaano ay makikita ko siya.
"Sino?"
"Khasseani Yzabelle."
His eyes widened in shock. "Gago, 'yung model?"
Umarko ang aking kilay. "What?"
"She's a model dude! Hindi mo alam 'no?" Ngumisi siya. "Why? Nagkita ba kayo?"
"Yeah, she went in my office. She introduced herself and she was applying for secretary." I shook my head. "But I think she's a spy. Handa raw siyang magtrabaho kahit walang sweldo at nag-apply lang daw kasi bored. Suspicious."
Magpapakapagod ng walang mapapala? Nababaliw ba siya? And if she's a model, bakit mas pipiliin niya pang magsecretary?
That crazy Khasseani Yzabelle. Ginugulo niya ang isip ko.
YOU ARE READING
Kidnapping Miss Secretary
RandomKidnapping Miss Secretary Alphas Dangereux Series #1 Heirron Vittorius Zantlorez is a ruthless mafia boss and a business man. He's the President and CEO of ZNTLorez Company and the leader of Alphas Dangereux. Si Heirron ay walang pakialam sa lahat...