Chapter 28"Mom, Heirron daw pangalan ng boyfriend ni Vinna!" Stress ako kanina pa nang malaman ko ito sa mga bata.
"Baka naman kapangalan lang. Tigilan mo na pag o-overthink."
"Mom, iilan lang ang Heirron sa mundo." I sighed heavily. "And kung si Zantlorez talaga ang boyfriend ni Vinna, masasaktan ang mga bata. Imagine the boyfriend of their godmother is their father."
"Mga bata lang ba masasaktan?" May pagdududa sa paraan ng pagtanong niya, nanghuhusga ang tingin.
"Uh, well, kami ng mga bata." I averted my gaze.
Malakas ang naging pagtawa ni mommy. "Kung ako sa 'yo magboyfriend ka na lang din, sweety. 'Di ba, para hindi lang si Heirron ang masaya." Natatawa pa rin si mommy. "Si Lucas pala, napansin ko pagiging sweet niya sa 'yo every time na nagpupunta siya rito."
"Mom, ano ba? We're just friends." I rolled my eyes. "Mabuti nga naging kaibigan ko pagbalik ko rito, mom. Ilag kasi ako sa kanya before, I thought fake siyang tao."
"Sa ganiyan din kami nagsimula ng daddy mo. Iniiwasan ko rin siya dati hanggang sa naging magkaibigan and lov---"
"Stop it, mom. Baka masira lang friendship namin sa pang-aasar mo." I cut her off and caressed my forehead. "Besides, may boyfriend pa ako. Hindi naman kami nagbreak ni Heirron."
"Yes, hindi kayo nagbreak pero matagal kang nawala at hindi nagparamdam sa kanya. Parang ganoon na rin iyon." Sumeryoso si mommy. "What's your plan? Anong gagawin mo kung sakaling si Heirron nga na ama ng anak mo ang boyfriend ni Vinna."
"I will respect their relationship, of course. I'll tell the truth to Vinna, tell her that Heirron is my ex boyfriend and he's the father of my children even though it's kinda hard to tell." Isang buntonghininga ang pinakawalan ko. "Kung saan masaya si Heirron, susuportahan ko siya. Susuportahan ko sila ni Vinna."
"Sa mga anak ninyo, anong plano mo?"
"Ipapakilala ko ang mga bata kay Heirron at hahayaan ko siya na makasama ang mga anak namin kung gugustuhin niya kahit tatlong araw kada linggo. Kung ayaw niya naman makasama anak namin, ayos lang din. Mabubuhay naman mga anak ko kahit wala siya."
"I'm so proud of you, sweety." She hugged me tightly. "Nandito lang kami palagi ng daddy mo para gabayan at suportahan kayo ng mga apo ko. Always remember that."
"Thank you, mommy." I hugged her back.
Masaya ako na nandito ang mga magulang ko para tulungan ako pero kailangan ko pa rin talaga si Heirron. Umaasa ako na sana nga ay kapangalan lang talaga niya ang boyfriend ni Vinna.
"Mom, bawal pa rin bang magpunta kay Ninang Vinna?" Nakasimangot na tanong ni Herriox.
"Oo nga, mom." Pagsali ni Herriol.
Higit isang linggo ko na rin silang hindi muna pinapupunta sa bahay ni Vinna kahit na nagpupumilit sila minsan.
"Bakit ba gusto n'yo sa ninang n'yo? Bawal nga busy kasi si Ninang Vinna ninyo." I frowned.
"Gusto kasi naming makalaro mommy 'yung big guy!" Si Herriah ang tumugon, napalabi pa.
"Sinong big guy? Jowa ng ninang ninyo?" Lahat silang anim ay tumango. Kasalukuyan silang nakatayo sa harapan ko.
"Bakit gusto ninyong makalaro? Sa akin ayaw ninyo?"
"Marunong kasi siyang magbasketball, ikaw hindi." Tamad na sagot ni Herrioz.
"Wow, ang sama talaga ng ugali ninyo sa akin." I rolled my eyes. "Hindi ko na kayo ipaghahanda sa birthday ninyo."
"Tss, sorry mom." Herrioz apologized but it was not sincere.
YOU ARE READING
Kidnapping Miss Secretary
CasualeKidnapping Miss Secretary Alphas Dangereux Series #1 Heirron Vittorius Zantlorez is a ruthless mafia boss and a business man. He's the President and CEO of ZNTLorez Company and the leader of Alphas Dangereux. Si Heirron ay walang pakialam sa lahat...