Chapter 44

18.1K 543 443
                                    


Chapter 44

"Akala ko ba patutunayan mo na ikaw ang boyfriend ko?" I asked in astonishment.

Pinipilit ko pa rin siya na gawin ang gusto ko, na hawakan ang katawan ko.

"Oo nga," Heirron replied. "But I can still prove that I am your boyfriend without even touching your body." Naging mayabang pa siya nang sabihin niya iyon. 

"But that's the only way I know to prove yourself. I mean, kung maging pamilyar ako at katawan ko sa mga hawak at haplos mo, maaaring maniwala na ako sa sinasabi mo."

"You just really want a foreplay." He chuckled but then he became serious right away. "Listen carefully, Khasseani Yzabelle. There are so many ways I can do and so much evidence to show just to prove that I'm your boyfriend." 

"Are you rejecting my proposal, mister?" I crossed my arms and glared at him.

"Yes, miss." Nagbalik ang nakakalokong ngiti ni Heirron, napahimas pa sa kanyang baba habang nakatingin sa akin at mukhang may inalala. "Para maranasan mo naman maject ulit hindi 'yung palaging ako lang ang rejected."

I kicked his leg which made him laugh. "Kidding aside." He grabbed my waist and put me on his lap. "But honestly, your proposal seems interesting, huh?"

Heirron's arms wrapped around my body and his chin rested on my shoulder. 

"So, gusto mo na?"

"Hmm, ayaw pa rin."

May kakaibang kilig na dulot ang ginawa ni Heirron na ni minsan ay hindi ko naramdaman kay Yael.

Hindi ko na tuloy malaman kung anong paniniwalaan ko. Ang mga sinabi ni Yael, mga inilahad ni Heirron o itong magkaibang nararamdaman ko sa kanilang dalawa.

Isa sa kanila ay kahit ilang araw ko ng nakakasama ay hindi ko makuhang magtiwala ng lubos at isa na kahit kasusulpot lang ay nagbigay na kaagad ng kilig at nakayang iparamdam na ligtas ako sa poder niya sa simpleng gestures niya lang.

"Heirron, ayaw mo ba talaga akong hawakan?" Hindi ako makatingin sa kanya nang itanong ko ito.

Gusto kong sabunutan ang sarili nang marinig ang pagtawa ni Heirron.

"Hawak na naman kita." Tumatawang sagot ni Heirron, lalo pang hinigpitan ang yakap sa akin.

Kumalas ako sa kanyang yakap at hinarap siya.

"I mean, touch my body while I'm naked."

"Don't worry, gagawin ko rin 'yan Khasseani pero hindi muna sa ngayon dahil baka pagsisihan mo pa 'yang gusto mo." Sinserong wika ni Heirron, diretso ang tingin sa akin mata. "Gusto kong gawin 'yan kapag nakaalala ka na. For now, gusto kong magsimula muna ulit tayo sa umpisa. We will create new memories together." 

I was a bit disappointed because of what he said, na ayaw niya raw gawin ang gusto ko pero kahit na nadismaya ay malamang pa rin ang tuwa ko sa iba pa niyang binigkas.

Imagine, kahit ako na ang nag uutos sa kanya ay hindi niya pa rin ginawa ang bagay na gusto ko hindi kagaya ni Yael na siya pa mismo ang nagsusuggest sa bagay na gusto niya, at parang galit pa kapag hindi napagbibigyan.

This time, sigurado na ako.

Sigurado ako na si Heirron talaga ang aking boyfriend. Siya ang nagsasabi ng totoo at hindi ang Yael na 'yon.

I gulped. "Magsimula sa umpisa? What do you mean?"

"I'll court you again." Sinapo niya ang aking pisngi at maingat na hinaplos ito. "Gagawin ko ang lahat ng bagay na hindi ko nagawa noong unang beses kitang dinukot."

Kidnapping Miss SecretaryWhere stories live. Discover now