Chapter 25

14.7K 518 426
                                    


Chapter 25

Heirron Vittorius Zantlorez

"Tigilan mo na nga ang pagluha, para kang tanga riyan." That fvcking Nazzrieth Tanner Clemente teases me.

I wiped my tears after sending the text message to my Khasseani Yzabelle. We are here in our headquarters at kanina pa ako pinipikon ng mga kasama ko rito matapos umalis ni William.

"Hoy, gago ka Natan, tumatapang ka na ka ah?" Rinig kong sabat ni Pierson Rafael Hontiveros.

"Aba, syempre! Minsan lang 'to, bumabawi lang ako at deserve niya naman ito." Natan was so proud of it. "Tara shot puno, boss!"

"Tigilan mo na rin pang aasar kay boss, kawawa na nga at iiwan na ni Ma'am Khassea tapos pipikunin mo pa." Dagdag pa ni Rafael, mapang-asar din.

Kung normal na araw ito ay baka may kinalagyan na sa akin ang putanginang Natan at Rafael na ito pero wala akong panahon para makipagtalo sa kanila sa ngayon.

"I will always miss and love you, my love." I murmured. Nakatitig ako sa picture niya na ginawa kong wallpaper. "Pangako, I'll wait for you. Hihintayin ko ang pagbabalik ninyo ng anak natin. Maghihintay ako kahit gaano pa man katagal."

"Ang drama mo, Vitto!" Rinig kong sigaw ni Yael, my cousin.

"Shut the fvck up, putangina ninyo hindi ko naman kayo kinakausap." Napipikon na aking wika, imbis na damayan ako ay tinawanan pa nila ako. "Mga alipin."

I sighed heavily. Si Khassea lang talaga ang kakampi ko.

Sa ngayon ay panghahawakan ko na lang ang sinabi niyang tanggap at mahal niya ako kahit na anong katauhan o klase ako ng tao at ang kanyang pagbabalik kapag naging maayos na ang lahat.

I respect and understand her decision but it doesn't mean that it was easy for me to let her go. Sobrang sakit, I never thought I would experience this kind of pain.

Ito ang klase ng sakit na tipong namatayan ka rin ng mahal sa buhay at mas pipiliin mong sundan na lamang siya kesa maramdaman ito.

Gusto kong puntahan si Khass, I want to explain and beg, I want her to hear my side. Gusto kong ipaliwanag sa kanya ang katauhan ko pero hindi ko ginawa dahil ayokong mahirapan kaming pareho na pakawalan ang isa't-isa ng pansamantala dahil tama si William, mas mapapahamak lang siya kung mananatili siya rito at malapit sa tabi ko.

Ipinaliwanag sa akin ni William ang naging usapan nila ni Khass. He told me that he had already explained to Khass some of my background information including my organization and my past.

About the death threat na pinadala kay Khassea, sa kanya ko lang din nalaman dahil hindi naman sa akin sinasabi ni Khass. Maaaring ito ang dahilan kung bakit namumutla siya noong kaarawan ko.

William looked so serious and sincere while explaining those things. Inamin niya rin na sinabi niya kay Khass na makipaghiwalay sa akin at lumayo muna para sa kaligtasan niya at ng kanyang mga magulang.

Wala namang bakas ng pagsisinungaling sa mukha niya kaya pinili kong paniwalaan ito. Isa pa, tungkol ito sa kaligtasan ng babaeng minamahal ko, pareho naming gusto na maligtas si Khass at sila tito at tita.

Sa oras ng kagipitan, kung ako man din ang papipiliin o magdedesisyon ay mas uunahin ko ang kaligtasan ni Khassea kesa sa sariling kaligayahan ko kaya tama lang din ang ginawa at sinabi ni William sa kanya.

Ipinangako niya na hindi niya naman hahayaan na mapahamak si Khass at ang magiging anak namin bagay na ikinatuwa ko kahit papaano.

Minsan pala ay may utak at pakinabang din ang alikabok na William na ito. 

Kidnapping Miss SecretaryWhere stories live. Discover now