Chapter 36

14.7K 479 234
                                    


Chapter 36

***

"Napatay na natin ang lahat ng Sanchez maliban kay Tashia." William reported. "Nagtatago na siya."

Naging magkakampi sila William at Heirron simula nang umalis si Khasseani limang taon na ang nakakalipas.

Si William ang naging mata ni Heirron sa mga kalaban at may malaking parte rin itong ginampanan upang mapabagsak nila ang mga Sanchez. Hindi inaasahan ni Heirron na magkakasundo sila ng dalawang ito at magkakampihan pa.

Ngayon ay hawak hawak na ni William ang ilan sa natitirang tauhan ng mga Sanchez na umanib sa kanya laban sa kasamaan ng mga Sanchez at siya na ang pinaka pinuno nito ngayon na patay na ang mga magulang ni Tashia na pumatay sa mga magulang ni Heirron.

"Hayaan n'yo na, wala na rin namang magagawa ang isang 'yan." Heirron said while puffing his cigarette. "She even lost her career. Walang wala na siya ngayon."

"Ngayon na maayos na ang lahat. Hindi mo pa rin ba ipapahanap si Khassea?" Rafael asked Heirron. "Pwede na siyang bumalik dito sa Pilipinas. Paniguradong malaki na rin ang anak ninyo."

Heirron sat on his swivel chair. Hindi siya nagsalita at tahimik lang na nanigarilyo.

"Hindi yata namimiss ni boss si Khassea." Biro ni Natan. "Ayaw na rin yata niyang makita ang anak. Wala 'to, takot sa responsibilidad."

Hindi pa rin nagsasalita si Heirron at patuloy lang sa paninigarilyo.

"Ayaw ng pinsan ko sa naninigarilyo." Pagsabat ni William dahilan upang itigil ni Heirron ang ginagawa at mag-angat ng tingin kay William.

"Really?"

"Yeah." William simply answered. "Mabilis mairita pinsan ko sa mga naninigarilyo."

Lahat ay nagulat nang binitawan bigla ni Heirron ang sigarilyo at inapakan ito.

"Uto-uto ka raw Vitto." Napapangising wika ni Yael.

"Shut up." Walang ganang sagot ni Heirron.

Kahit na nakamit na ni Heirron ang minimithing hustisya sa pagkamatay ng kanyang mga magulang ay hindi niya pa rin tuluyang magawa na magsaya dahil sa pangungulila kay Khassea at sa kanyang anak.

Sa lumipas na limang taon ay pinilit ni Heirron na hindi hanapin si Khassea dahil alam niya sa sarili niya na hindi niya mapipigilang puntahan ang babae kapag nalaman niya kung nasaan ito ngayon.

Isa pang dahilan kung bakit hindi niya ito ipinahahanap ay dahil gusto niyang ito mismo ang bumalik sa kanya, kung kailan ito handang bumalik na sa kanya. Kahit na abutin pa ng ilang taon ang pagbabalik nito ay ayos lang sa kanya, ang mahalaga ay maluwag sa kalooban nito ang pagbabalik.

"I need to talk to Heirron." Biglang wika ni William. "Kami lang sanang dalawa. Pwede bang iwanan n'yo muna kami?"

Kaagad na nag alisan ang ibang tao na nasa headquarters ng Alphas Dangereux at naiwan na nga lang si Heirron at si William.

Humarap si William kay Heirron. "I still love your sister and now I want--" Heirron cut him off.

"She's in California, USA." Walang emosyon na wika ni Heirron.

Sinabi ni Heirron ang complete address ng tinitirhan ni Vinna dahil alam niya namang ito ang matagal na nitong gusto. Pinatunayan na rin naman ni William sa kanya na mahal talaga nito ang kanyang kapatid. Minsan nga ay nakikita niya itong tulala habang nakatingin sa picture ng kanyang kapatid at bahagyang naluluha gaya niya tuwing napapatingin din siya sa picture ni Khassea.

Kidnapping Miss SecretaryWhere stories live. Discover now