Chapter 30"I'm not jealous!" Iritadong tugon ni Heirron. "At bakit naman ako magseselos? You're not even my girlfriend anyway."
Ang sakit niya naman magsalita.
Natigil sa pag iyak sila Herrian at Herriah at sabay sabay silang napahampas sa noo ng mga kuya nila nang marinig nila ang sinabi ng kanilang daddy.
Halata namang nagpapanggap lang siya na hindi niya ako kilala pero talagang pinangangatawanan niya pa rin.
Kahit na nasaktan sa sinabi ni Heirron ay nanatili akong nakangiti pa rin ng nakakaloko, hindi ipinahalata ang naramdaman.
"Oo nga, bakit ka nga naman magseselos e hindi rin naman kita boyfriend." I rolled my eyes and shifted my gaze to my baby girls. "Okay na pala kayo, hindi na kayo naiyak. Pwede na bang umalis si mommy?"
Muli silang nagkatitigan, lahat sila. Pansin ko ang pasimpleng pag-iling ni Heirron sa mga anak namin.
"Aalis na ako. Umuwi kayo before maglunch, sabayan n'yong maglunch ang lolo at lola ninyo."
"Mom, huwag ka na umalis." Pakiusap ni Herriol. "Hindi ka na nakikipaglaro sa amin, nagtatampo na kami."
"Huh? Kayo nga itong ayaw makipaglaro sa akin." Umarko ang aking kilay. "Tara sa bahay natin, doon tayo maglalaro hindi 'yung nangangapit bahay pa kayo para makapaglaro."
"Pero gusto namin dito tayo maglaro." Pakikisali ni Herriox sa usapan. "Please, mom?"
"Fine," I rolled my eyes. "But papupuntahin ko si Ninong Lucas ninyo sa bahay."
"No way!" Sabay na sambit ng mga anak ko pati ni Heirron.
Tumaas ang aking kilay at itinuro si Heirron. "Bakit nakiki 'no way' ka? Anak ba kita? Hindi naman, right? Wala kang karapatang makisali rito, hindi naman kita anak."
Hindi pala girlfriend, ah?
"Tss," His jaw clenched, ramdam ko na galit siya.
Why he's angry? Siya itong nagpapanggap na hindi ako kilala then kapag sinupalpal ko magagalit? Nice acting, it sucks.
"Mom, mister, stop." Suway ni Herriot sa amin ng kanyang ama. "Why don't we just play?"
"Sorry," I pouted, I almost forgot that my children were just here. Hindi dapat nila nakikita na nakikipag away ako lalo na sa daddy nila.
"Sorry," Rinig kong sabi rin ni Heirron, hindi nakatakas sa aking pandinig ang mahina niyang pagtawa.
Ano kayang nakakatawa?
"Tara, mommy laro na po tayo." Hinila ako ni Herrian paupo sa carpet.
Nang makaupo ako ay nagtayuan naman ang lahat ng mga bata.
"Dito pala ako mauupo." Sambit ni Herrioz bago pagpunta sa left side ko at mahinang itinulak ako. Bahagya tuloy akong napalapit kay Heirron.
"Ako rin pala dito na lang." Tumabi si Herriox kay Heirron at bahagya niya ring itinulak ang ama dahilan para tumama ang braso ni Heirron sa aking braso at lalo kaming magkadikit.
"Lumayo ka nga sa akin." Mahinang wika ko kay Heirron, madilim ang tingin sa kanya.
"What? Anak mo itong nagtulak sa akin, pagsabihan mo." Magkasalubong ang kilay na sabi niya.
"Kahit na ba, lumayo ka pa rin." My eyebrow arched. Imbis na lumayo ay lalo pa siyang tumabi sa akin. "Layo."
"Paano makakalayo? Iniipit ako ng mga anak mo."
YOU ARE READING
Kidnapping Miss Secretary
RandomKidnapping Miss Secretary Alphas Dangereux Series #1 Heirron Vittorius Zantlorez is a ruthless mafia boss and a business man. He's the President and CEO of ZNTLorez Company and the leader of Alphas Dangereux. Si Heirron ay walang pakialam sa lahat...