Chapter 4"What the fuck?!" Gulat na bulalas ni Heirron pagpasok niya pa lang sa opisina. "What the hell did you do?" His forehead furrowed.
"Why? Maganda naman ah?"
"Bakit idinikit mo ang bulaklak sa lamesa?" Iritadong tanong niya, napahilot pa siya sa sentido niya. "Inuwi mo dapat 'yan sa bahay mo!" Sumbat niya.
"Ha? Bakit ko iuuwi?" Nagtatakang tanong ko. "You told me yesterday na pang design ang mga flowers, remember? Ayan, idinikit ko na para magmukhang design talaga."
Maaga kasi akong pumasok sa trabaho. Dahil wala akong magawa ay naisipan ko na lang na gupitin ang mga bulaklak at idikit sa table ko. Mabuti na lang at may scissor at pang dikit dito.
Matalim ang tingin niya sa table ko, para bang gusto niya itong ibato.
"Hey!"
Nag angat siya ng tingin sa akin. "What?"
"Huwag mong tignan nang ganiyan ang table and design ko! Wala kang karapatang tignan nang masama ang design ko." Pinanlakihan ko siya ng mata.
Sa akin naman tumalim ang tingin niya, mabilis lang 'yon dahil nag iwas na rin siya agad ng paningin bago nagtungo sa table niya at naupo sa swivel chair.
Nagkibit balikat ako at naupo na lang din sa swivel chair ko at inabala ang sarili sa pagtatrabaho.
Habang nagtatrabaho kaming pareho ni Heirron ay paminsan minsan may tinatanong siya sa akin na related sa work. Sinasagot ko rin naman nang maayos ang tanong niya, kung anong sagot sa tanong niya ay iyon lang ang sinasabi ko.
He asked me about his schedules, ang ilan dito ay pinacancel niya. He's so lazy.
Halos lahat ng appointments pinacancel niya ah? Nakailang cancel na siya. Napaisip tuloy ako kung ano bang pinagkakaabalahan nitong Heirron na ito at mukhang palaging abala sa buhay.
Bukod sa pagiging President and CEO ng ZNT at businessman may iba pa kaya siyang trabaho?
"Miss Secretary." Narinig ko ang pagtawag ni Heirron ngunit hindi ko siya pinansin. "Staple these papers."
Ramdam ko na nasa side ko na siya at nakatayo. May ibinibigay siya sa aking papeles.
"Kaya mo namang gawin, bakit hindi ikaw ang gumawa?" Hindi maalis ang tingin ko sa laptop.
Abala pa nga ako sa pag-aayos ng ilang documents na nisend niya through email then may utos na naman.
"Sino bang secretary sa atin?" Napairap ako at kinuha ko na lang ang inaabot niyang papeles at inilapag ito sa aking table.
Akala ko ay aalis na siya ngunit nagkamali ako, narinig ko na naghila pa siya ng upuan at itinabi ito sa akin.
Dito na ako tumingin sa kanya, napataas ang aking kilay nang makitang umupo siya rito sa upuan dahilan upang magkadikit ang braso namin.
"Why are you still here?" Umangat lang ang gilid ng labi niya bago pinagkrus ang braso at binti. "Bumalik ka na sa table mo Mr. Zantlorez."
"Hihintayin ko ang papeles."
"Pwede ka namang maghintay roon sa upuan mo, sir." Itinuro ko ang kanyang table.
He raised his eyebrows. "Gusto mo pang magpabalik balik ako?"
I took a deep breath. "Kung ayaw mong magpabalik balik edi ako na ang mag-aabot sa 'yo basta maupo ka na lang doon."
"Hmm," he nodded. "Why don't you just do your job and let me sit here for a while?" Kinuha niya ang ballpen na nasa ibabaw ng table ko at pinaglaruan ito habang nakatingin sa akin.
YOU ARE READING
Kidnapping Miss Secretary
RandomKidnapping Miss Secretary Alphas Dangereux Series #1 Heirron Vittorius Zantlorez is a ruthless mafia boss and a business man. He's the President and CEO of ZNTLorez Company and the leader of Alphas Dangereux. Si Heirron ay walang pakialam sa lahat...