Chapter 1

1.7K 53 3
                                    

"Falcunit! Maprend!" malapit na ako sa cashier nang marinig ko ang malaking boses ni Noah. Alam ko na ito. Magpapasabay na naman ito saakin sa mga bayarin niya at nasa alanganin akong kalagayan ngayon dahil sa ang ilang nasa likuran ko na nakapila ay mga kapwa niya criminology students at ilang engineering student sa alma mater namin na Capitol State University. Ang ilan ay nakatingin na saakin nang masama na tila alam nilang makikisingit ang lalaking noon pamang high school at hanggang ngayon sa kolehiyo ay kasama ko. Ngumiti na lamang ako at nagsalita.

"Akin na. Magagalit na naman sayo si papa. Sinabi ko naman sayo kanina na sabay na tayong pipila pero sa kung saan saan ka naman nagpunta." Palusot ko at nawa'y maniwala sila kahit na parang manununtok na ang ilan dahil sa sobrang bagal ng usad nang pila at isama pa ang mga nasa loob nang accounting department na sobrang bagal din. Automatic na ngumisi ito sabay kindat saakin at inabot saakin ang dapat bayarin niya. Ngayon din kasi ang start nang enrollment sa 2nd semester sa university namin. Parehas kaming 3rd year college student pero nasa college of arts and sciences ako, AB Political Science ang course ko habang ang tumawag saakin sa surname at tawagan namin ay sa college of criminal justice.

Sa wakas! Nakapagbayad na ako. Ang sasama talaga nang tingin saakin nang mga nasa likuran ko. Nako sorry talaga huhu. Palapit na ako kay Noah nang hinila ako nito at agad akong inakbayan at laking gulat ko nang hinalikan ako sa pisngi nito. Hinalikan ako ni Noah sa pisngi! "Salamat talaga maprend hahaha. Buti na lang nakapila ka nang maaga edi sana nasa dulong dulo talaga ako nang pila ngayon." Hindi ako agad makasagot dahil sa maraming mata ang nakatingin saamin ngayon. Biglaan akong namula at agad na nag-init ang buo kong pisngi dahil sa ginawa niya. Ang loko. Wala lang sa kanya.

"Saan mo gusto mag-lunch maprend?" nakaakbay parin ito saakin.

"Bahala ka. Jusko alisin mo nga pagkakaakbay mo saakin. Ang daming nakatingin saatin oh." Pabulong kong sambit dito.

"Ano naman? Tsk! Hayaan mo na isipin nila na magjowa tayo tsaka ang sexy nang suot mo ngayon ah" pagkasabi nito ay kinurot ko ito sa kanyang tagiliran na agad akong nakawala sa pagkakaakbay nito at agad akong dumiretso palabas ng university. I'm wearing a fitted jeans at kulay yellow na off shoulder tops.

"Falcunit! Antayin mo ko!" sigaw nito saakin na talagang nangibabaw ang boses nito. Kaloka itong mokong na ito. High school palang kami sa province ay magkaklase na kami. Wala nagbago sa ugali nito. Masayahin, astig, mapera, bolero at tamad parin ito hanggang ngayon at ang pinaka nagustuhan ko sa kanya ay tanggap ako nito kung sino at ano ako ngayon. By the way, ako nga pala si Allie Falcunit at isa akong transwoman. Yeah, dati akong lalaki pero ngayon ay mukhang babae na. Nagstart ako mag-HRTor Hormonal Replacement Therapy ay noong 12 years palang ako noon na hanggang ngayon ay nagtatake ako nang female hormones pills at anti-androgen para mamaintain ko ang babaeng katawan. Kaya thankful ako sa nasa harap ko ngayon na lalaki na tanggap ako nito at hindi ako kinakahiya kahit na maraming bumabatikos sa tulad ko. Mahirap din at hindi basta basta ang maging isang transgender, maraming matang di ka tanggap at mga bibig na puro panlalait lamang ang pinaparating sayo pero dapat lang akong lumaban para saaking karapatan at sa kung sino talaga ako. Nasa isang fast food chain kami ngayon at buti na lang talaga na nilibre ako nito ngayong araw na ito dahil sa kulang na rin ako nang budget lalo pa't next week na din ang start ng klase namin sa Capitol.

"May schedule ka na ba Allie?" tanong nito saakin habang inaabot ang inorder niyang makakain namin. Sarap! French fries, Choco sundae, Coke float, at Spicy Burger Steak plus 3 peach Mango Pie.

"Nako salamat! Buti di mo nakakalimutan ang mango pie na favorite ko." natawa ito saakin pero agad na akong kumain. Kanina pa ko nanginginig sa gutom dahil 4:00am palang nang madaling araw ay nakapila na ako para lang makapagbayad ng tuition at miscellaneous fees.

Dear NoahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon