Chapter 31

441 26 5
                                    

Noah's Point of View

Sa buhay natin minsan, kailangan nating mamili kung saan tayo maaaring sasaya. Kung saan tayo maaaring maging malaya sa kung ano ang nasa loob natin. Kung ano yung gustong sabihin ng puso at isip natin.

Mahirap.

Mahirap na ipaliwanag kung bakit ko kailangan si Allie.

Kailangan ko lang ba siya dahil nalulungkot ako at literal na naghahanap ako ng saya? O kailangan ko siya dahil sa minahal ko na din ito.

Marami na ang nangyari saaming dalawa pero sa tuwing iisipin kong wala siya at tanging si Ynah lang kasama ko ay tila blangko ako sa nangyayari.

Si Ynah?

Hindi ko siya mahal.

Mahal ko siya dahil sa alam kong may anak ako sa kanya. Na kaming dalawa ang gumawa ng batang kanyang dala dala.

Pero nagkamali ako.

He was fucked also by my traitor best friend . Paul.

Ito yung time na pinakilala ko kay Allie si Ynah as my girlfriend pero ayun. May pagtingin din pala si Paul kay Ynah.

Walang balak itong aminin ni Ynah dahil sa alam niyang kaya ko silang buhayin but the thing is, si Paul mismo ang nagsabi saakin na siya ang tunay na ama ng dinadala ni Ynah.

Tang ina.

Tang ina nilang dalawa.

Muntik ko na ding mapatay si Paul sa bugbog at ganoon na din si Ynah sa sakal.

Parang gumuho ang mundo ko sa nangyayari. Siguro nga ay karma ko na ito sa lahat ng kagaguhang ginawa ko noon.

Hindi ko na muling tinanggap sa buhay ko ang dalawang taong sumira saaking buong pagkatao pero alam kong may nag iisang totoo saakin.

Si Allie.

Pero nasaaan ka na Allie?

Asan kana?

Kung saan tayong dalawa na ang muling magsasama ay doon ka naman nawala pagkatapos ng kaarawan mo.

Ang kaarawan mo na kailanman ay di ko makakalimutan dahil sa gabing ating pinag samahan.

Gabing alam kong tahimik ang nasa paligid at ang tangi lamang na naririnig ko noon ay ang tibok ng puso ni Allie.

Kayakap ko siya.

Kasama ko siya.

Tanging dalawa lang kami na mismong nakakadinig sa bawat nangyayari noon sa gabing iyon.

Tanda ko pa noon na muli niyang binasa saakin ang liham na paglalahad ng kanyang nararamdaman saakin.

"Dear Noah,

Hello. Noah? May sasabihin ako sayo. Pero dito ko lang siguro ito masasabi o masusulat dahil ayokong husgahan mo ako sa kung ano o sino ako at higit sa lahat ay yung pandirian mo ako o layuan mo ako dahil lang sa sasabihin ko na mahal na mahal kita.

Oo. Nasulat ko na. Mahal kita maprend.

Hindi bilang kaibigan Noah pero bilang isa mong girlfriend o boyfriend. Ewan! Pero alam ko namang di mo papatulan ang isang tulad ko.

Ang isang tulad ko na di kayang ibigay ang pamilyang nais mo na sinabi mo saakin noong time na magkatabi tayo sa higaan ng kuya mo.

Doon pa lang eh alam kong wala na akong pag asa sayo kaya sa sulat kong ito at kung mabasa mo man ito ay may hiling sana ako sayong gusto kong ipangako mo saakin.

Dear NoahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon