Chapter 25

374 20 1
                                    

Ilang oras pa ay nasa bahay na kami ni Noah. Halos maluha ako nung nakita ko si papa sa harap ng bahay na tila inaabangan kami at parang galing din ito sa bukid dahil sa nakadamit pa ito ng luma na laging niyang suot kung pupunta ito sa bukid namin. Agad akong yumakap sa kanya ng sobrang higpit at hinalikan sa magkabila nitong pisngi at halos binuhat ako nito na tila bata babaeng ngayon lang nakita ang kanyang papa.

"P-papa" at bumuhos ulet ang luhang tila di na maubos ubos. Agad namang nag abot ng panyo si Noah at nagmano kay papa.

"Kumain na ba kayo? Noah? Nako alam kong naging mahaba biyahe ninyo pero sobrang pasalamat ko na nakabisita kayo lalo na ang anak kong si Allie." Muli akong niyakap ni papa at hinalikan ako sa noo.

"Hala sige pasok na sa bahay. Tamang tama na nagpasaing na ko at nagpaluto sa pinsan niya. Pasok pasok" napatingin ako kay Noah pero tanging kindat na lang nakita ko rito at agad ng pumasok sa loob ng bahay. Di na ako dumiretso sa loob pero agad akong nagpunta kung nasaan si Alcen. Yung pinsan ko na noon paman eh alam kong di na humiwalay saamin ni papa simula pa noong nasa elementarya pa ako. Siguro ay nasa 35 years old na din ito. Hiwalay kasi yung kusina at banyo namin at kung titignan din ay nasa dalawang palapag din bahay namin ni papa at may limang kwarto. Isa Kay papa, sakin at kay Alcen.

"Pssst!" Sitsit ko sa kanya na abalang abala sa pagluluto at pagihip sa apoy nang niluluto niya. Sa una eh hindi ako nito narinig pero nung pangalawang sitsit ko na eh di ito maipaliwanag ang gulat at saya ng makita ako nito.

"Allie? Ikaw ba yan!?" Napahinto din ako dito dahil sa sobrang laki ng pagbabago ng katawan nito na dating patpatin ay ngayon ay halos nag init ang pisngi ko sa kanya.

Ibang level na Alcen ang nakikita ko ngayon at papalapit na din saakin ito.

"Langya naman oh haha. Nagpintas kan aya tsk. Inyan!" Di niya din alam kung yayakap ba ito saakin or what dahil may uling uling ang suot na nitong damit pero ako na din yung nagkusang yumakap na.

"Kamusta kana? Nako nakalimutan ko yung ibibigay ko sanang rubber shoes sayo pero next na bisita ko dito dala ko na." Sambit ko dito at halos titig na titig saakin ito mula ulo hanggang paa. Medyo awkward haha pero alam kong may kasintahan na ito.

"Nako insan. Hehe. Salamat. Siya nga pala malapit na ding maluto itong paborito mong adobong pusit. Halos sinugod din ni papa mo ang ilang palengke saatin makabili lang ng pusit para sayo." Namula ako sa pagkakasabi nito at balak kong yakapin muli si papa.

"Bumili pala kami ni Noah ng lomi insan, kung sakali init mo na lang din mamaya. Alam ko namang may alak ng pinabili si papa sayo kanina" napakamot na lang ito sa ulo pero napalunok ako nung nakita ko yung basa pero walang amoy niyang kilili. Jusko. My mind! Huhu

"Kayo na ba ni Noah?" Actually alam nito na may gusto ako sa mokong pero matipid akong ngumiti sa tanong nito.

"Hindi haha. Matalik parin kaming magkaibigan tsaka may boyfriend naman na ako insan."

"Ganoon ba. Tsk. Gago pala itong si Noah eh. Sinayang ka niya at tanging kaibigan lang tingin sayo. Alam mo insan, kung di ko lang nakilala itong si Faith eh baka ako na nanligaw sayo" natawa ako sa sinabi nito.

Naalala kong muntikan nang may nangyari samin nito pero si Alcen yung umiwas dahil alam niyang pwedeng masira yung tiwala ni papa sa kanya.

Hindi rin naman namin sinasadya yung nangyari. Papasok kasi  ako noon sa kwarto niya ng di ko sukat akalain na nakahubad pala ito at nagpapalit. Nagulat ako siyempre pero biglaan ako nitong hinila at hinalikan sa labi. As in laplapan ang nangyari. Si Alcen din yung first kiss at laplap ko.

"Kasama niyo ba boyfriend mo?"

"Ah hindi. Nagmotor lang din kasi kami ni Noah pero siguro next bakasyon ko eh isama ko siya rito satin para makilala niyo din. Alcen wag mo na lang muna din sana sabihin kay papa hehe" napakamot na lang ulet sa ulo ito at iniwan ko na siya at agad na pumasok na din sa loob.

Masinsinang  nag uusap sila papa at Noah at wala akong ideya kung ano yung pinag uusapan nilang dalawa. Tumingin naman sakin si Noah pero ngumiti lang ito saakin.

"Papa?"

"Oh? Nakita mo na ba pinsan mo? Kanina pa iyan tanong ng tanong kung ano oras kayo dadating."

"Opo pa. Pinag uusapan niyo?" Curious lang din ako.

"Wala Allie hehe" sagot ni Noah pero dinedma ko lang ito.

"Pa? Ano?" Nakataas na Isa kong kilay pero parang ayaw sabihin ni papa.

"Umakyat kana muna sa kwarto mo at ng makapagpalit ka rin ng damit. Ewan ko lang kung kasya pa yung mga damit mo dati."

"Kasya pa naman siguro pa. Sige na nga akyat na lang muna ako" hmmm. Yare to sakin mamaya si Noah. Paakyat na ko ng may pahabol si papa na utos.

"Kuhanan mo na nga lang din muna si Noah ng damit ko na pwedeng magkasya sa kanya Allie" ngumiti na lang din ako at agad nang umakyat sa hangdan papuntang 2nd floor namin.

Bago ako pumasok sa kwarto ko ay pumasok na muna ako sa kwarto ni papa upang kuhanan ng extrang damit pantaas at panbaba si Noah. Wala parin nagbago sa kwarto ni papa. Mayroon man ay yung picture naming dalawa nung grumaduate ako high school na nakaframe na at maski yung babaeng babaeng picture ko ay nasa kwarto din na nakasabit sa pader. Hinahanap ko din yung picture ni mama na luma pero wala akong nakita ni isa.

Agad na akong nagtungo sa kwarto ko upang kumuha ng damit ko at nang makaligo na din dahil sa nanlalagkit na yung katawan ko ng biglaang tumunog cellphone ko.

Jhonny is calling...

Shit! Si Johnny! Nakalimutan ko na siyang ichat. Almost 7:30 na din ng gabi. Huhuhu. Patay.

"Hello Allie?"

"Johnny" mahina pero halatang may takot na sa boses ko. Shit!

"Asan kana? Kamusta po?"

"May sasabihin ako" Huhuhu pano na to? Bahala na!

"May nangyare ba? Sinaktan ka ba niya? Asan siya Allie? Asan?" Shit. Ano na? Huhu.

"Wala po. Wala. Okay na kami Johnny. Bumalik na kami sa dating magkaibigan ni Noah." Natahimik ito ng ilang segundo bago muling sumagot saakin.

"Ganoon ba. Asan ka na ba? I miss you na po Allie."

"Nasa province kasi ako ngayon Johnny. Tatawagan na din sana kita para sabihin din. Possible na baka bukas na ko ng umaga diyan makakauwi." Alam kong galit ito sa narinig dahil siguro mga tatlong minuto na kong naghihintay ng sagot mula rito pero parehas lang kaming tahimik.

"I miss you po" may lungkot na sambit nito saakin sa kabilang linya.

"Sorry Johnny. Uwi rin ako ng maaga bukas. Sorry." Nagiguilty ako sa nangyayari. Alam kong nangako ako sa kanya na uuwi ako after namin mag usap ni Noah pero

"Sorry"

"Wala naman na akong magagawa. Kung alam ko lang papunta diyan eh siguro sumunod na din ako sayo Allie." Nagrequest akong mag video call kami at agad namang nag open cam ito saakin at ayun nga nasa apartment na ito at halos madurog puso ko dahil sa naghanda din pala ito. May mga pagkain itong niluto at cake na binili.

"Nagluto ka?" Lumabi na lang ito saakin at bilang tugon sa tanong ko.

"Sorry talaga Johnny sorry. Bawi ako sayo bukas promise. Sorry Johnny" grabe huhu. Di ko expected na magluluto din ito at halatang nag effort din para sa ngayong gabi.

"Kumain kana ba diyan Allie?" May lungkot parin sa tono nito.

"Hindi pa. Mamaya eh tatawagin na din ako para sa dinner."

"Sige. I miss you Allie." Di ko alam kung anong pumasok sa kokote ko ng sabihin ko ito sa kanya. Pero alam kong dito ako makakabawi sa kanya ngayong gabi. Sinarado ko ng maigi ang kwarto ko at agad nang nagtanggal ng damit pantaas ko at tanging bra na lang nakikita saakin at yung fitted jeans ko.

"Uy? Ginagawa mo?" Nakakunot pa ang noon nito pero alam kong parehas na kaming nakangisi sa bawat isa.

"Sa kwarto mo o sa banyo Johnny ngayon din"

Maybe this one will make my apology sincere and sweet for him.

"Wait"

Dear NoahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon