Chapter 24

406 28 3
                                    

Palabas na ako ng apartment ng saktong nagkatinginan kami ni Noah. Andito na din pala ito at bakas sa kanyang mukha ang saya ng makita ako pero nanatili akong walang emosyon na pinakita. Alam kong may mali sa nararamdaman ko dahil nung nakita ko ito ay andoon ang dating siglang noon paman gusto ko ng iparamdam mula rito. Sabik sa kanya pero tama na din siguro itong pinapakita ko ngayon at gusto ko na ding matapos kung ano man dapat ng tapusin. Nag blue fitted jeans lang ako ngayon with oversized na t-shirt at nagdala na din ako ng maliit na bag. Nagchat na lang din ako ulet Johnny about dito pero wala na akong nahintay pa na chat mula sa kanya.

"Allie" may ngiting sambit nito saakin at akma na din sanang isusuot nito ang helmet saakin ng kinuha ko kaagad sa kanya. Narinig ko pa itong nagsabi ng "sungit" pero hinayaan ko na lang din. Amoy na amoy ko din ang pabangong niregalo ko sa kanya.

Sumampa na ako sa motor niya ng magsalita ulet ito. "Humawak ka saakin katulad ng dati"

"Hindi na. May hawakan naman dito-"

"Kahit ito lang Allie, kahit ito lang" nakikiusap si Noah. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan at agad na yumakap na dito at siyempre upang matapos na din.

"Salamat Allie" medyo naiirita ako nang sabihin niya ito. Para saan? Sa pagyakap ko? Kalokohan.

Siguro. Ewan!

Mga ilang oras din ang naging biyahe namin nang nilagpasan nito yung dapat na pupuntahan namin. Hindi ko rin sukat akalain na kinaya ng motor niya ang papunta sa province namin ngayon despite na apat na oras ang naging bihaye namin at maliban pa kung traffic kaya nagsabi na lang muna ako rito na tatawagan ko si papa na baka makadalaw kami ngayon sa bahay dahil sa balak namin ngayon na area eh plus 2 hours pa bago sa bahay na namin ni papa.

Nagchat akong muli kay Johnny pero hanggang ngayon eh wala paring reply sa nauna ko ng chat pero siguro ay busy pa ito at mamaya na lang din siguro eh tawagan ko ito. Hindi na ako nagsalita pa pero alam ko yung way na tinatahak namin ngayon at hindi ako pwedeng magkamali.

Huminto na kami sa isang malaking bahay at di nga ako nagkakamali na ito ang bahay ng dati naming gurong tagapayo na si Ma'am Diana. Una na akong bumaba dahil sinabihan naman ako nitong ipaparke muna ang kanyang motor. Ilang saglit pa parehas na kami nagtungo sa pintuan ng agad namang bumukas at saktong nakita namin ang dati nating guro.

"Noah? Nako! Ikaw na ba yan?" agad naman na yumakap si Noah sa dati naming guro at ilang beses akong tinitigang mabuti nang maalala niya kung sino talaga ako.

"Falcunit? Tama ba?" ngumiti na ako at agad na ding yumakap sa kanya.

"Kamusta ka na po maam? Ang akala ko po ay hindi na niyo kami matatandaan" agad kaming pinapasok ni Maam sa loob ng bahay. Wala parin pinagbago ang nasa loob. Madalas din kasi dito tambayan namin ni Noah noon dahil sa itong si Maam at yung father ni Noah ay magkaibigan talaga. Agad kaming pinaupo nito sa malaking sofa. Tumabi saakin si Noah ng sobrang lapit pero agad akong nagbigay ng distansiya. Napansin din ito maam pero ngumit na lang din ito.

"Ang laki na nang pinagbago ninyong dalawa. Lalo kana Allie. Napakaganda mo. Kamusta na kayo?"

"Di po kami okay ngayon maam ng best friend ko at sana matulungan niyo kaming ayusin yung mayroon kami ngayon." Nanlaki mata ko sa sinabi ni Noah pero nang tignan ko naman si maam ay tila wala lang sa kanya at tila nagagalak pang tignan kaming parehas.

"Alam ninyo kayo, di man ninyo pansin noong high school palang kayo ay alam kong matibay na ang samahan na mayroon kayo. Alam ko rin Allie na may pagtingin ka kay Noah dahil hindi lang ako yung nakapansin noon kundi maski si Noah din" napatingin ako sa kanya pero hindi ito makatingin tingin saakin ng maayos. Tumayo si maam papunta sa kinaroroonan ko ng may iabot itong isang lumang sobre saakin at laking gulat ko na ito yung love letter ko na dapat ibibigay ko kay Noah.

Dear NoahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon