Chapter 2

621 46 3
                                    

"Hello?" naglalakad na ako papuntang apartment ko nang biglaan namang tumawag saakin si Noah. Lasing na siguro ito tsaka anong oras na din oh? 11:11 na nang gabi.

"Maprend! Hahahaha" nako tama ako. Lasing na nga ito. May naririnig akong pati mga boses na nagtatawanan at nagkakantahan. Wait parang may narinig pa ako.

"Lasing ka na nga. Ano na naman? Ha? Napatawag ka?" magsasalita na sana ito nang may narinig ako sa tawag nito.

"Hey! Tara na! marami pa tayong uubusin na alak tsaka sino ba iyang kausap mo? Girlfriend mo?" may mga babae sa pinuntahan niya. Ito yung pinakaayaw kong maramdaman. Yung wala naman kami pero nakakaramdam ako nang salitang selos.

"Wait lang hahaha, kausapin ko lang itong kaibigan ko." kaibigan ka lang Allie. Kaibigan! Huminga ako nang malalim bago nagsalita ulet. Alam kong matatagalan lang kami nang pag-uusap nito kung sakaling papatayan ko lang nang tawag. Nakakainis! Bakit di ko naisip na may mga totoong babae doon sa pupuntahan niya. May naging girlfriend ito noong first year college kami kaso hindi din sila nagtagal dahil sa tatlong beses na siyang niloko nang babae na ang buong akala niya ay siya na pero hindi pala. Umabot din sa puntong magpapakamatay na din ito pero siyempre to the rescue ako bilang kaibigan niya. Ganoon naman talaga.

"Oh ano? lasing kana. Halata na sa boses mo." Tumawa lang nang tumawa ito sa kabilang linya. Mokong talaga ito. Sabaw. Nako mas lalong uminit ang ulo ko sa kanya. Nahihilo na ako pati.

"Wala lang naman maprend hahaha. Nakauwi kana ba? Sunduin kita!" nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Sinusumpong na naman ito nang katopakan.

"Oo. Nasa kwarto na ako. Diyan kana matulog nakikiusap ako. Yung bilin ko sayo." Nagsinungaling na lang ako. Mahirap na. Haysss.

"Ay. Ayaw mo na ba saakin? ha? Sumagot ka. Ayaw mo na ba saakin?" nako po. Gustong gusto kita. Alam mo iyan pero ang palagi mo lang sagot ay "Alam mo na ang sagot diyan maprend"

"Nako. Lasing kana. Wag ka nang uminom kung gusto mo pang maging pulis. Pwede ba? Magpahinga kana. Noah? Hoy! Sumagot ka." Medyo naaasar na din ako. Ilang Segundo pa ay naririnig ko na itong umiiyak. May tama na nga ito. Parehas lang kami nang atake ng kapangyarihan nang alak. Umiiyak nang umiiyak.

"Uy? Andito lang ako. Magpahinga kana kasi maprend. Nakikiusap na ako saiyo. Bukas kana bumiyahe." Naririnig ko na umiiyak parin ito kaya naghintay ako nang ilang minuto bago ito nagsalitang muli.

"Biyahe ako nang madaling araw Allie. Diyan ako sayo makikitulog. Magpahinga lang ako saglit." Sasagot pa sana ako pero pinatay na niya ang call. Napabuntong hininga na lang ako dahil may ugali din ito na pag sinabi niya ay gagawin niya talaga. Nagchat na lang din ako dito ulet baka sakaling mabago pa ang pag-iisip nito dahil sa kabado din ako para rito baka madisgrasya pa ito sa biyahe.

Noah? Inuulet ko, wag nang bumiyahe kung di kaya. Pahinga kana at wag kanang uminom.

Naglakad na ako ulet papunta sa apartment at ilang minuto pa ay nasa tapat na ako nang apartment nang biglaang tumunog ang phone ko. Maprend Noah <3

Basta chat ako sayo mamaya kung nasa labas na ako nang apartment mo. Gets?

Haysss. Bahala ka.

Ang tangi ko na lang natanggap na reply dito ay isang malaking thumbs up. Bahala ka! Kainis! Pagkapasok sa apartment ko ay wala parin yung bagong roommate ko. Baka bukas pa siguro iyon tsaka tamang tama din para kung sakaling pupunta nga rito yung isa ay doon ko na lang din patulugin sa isang kwarto. Nagligpit muna ako nang ilang kalat sa sala bago ko naisipang magshower dahil sa sobrang init nang panahon ngayon. siyempre hindi mawawala ang cup noodles na palagi kong kinakain pag late evening na. Chineck ko ang email ko gamit ang pinahiram saakin ni Noah na netbook at ayun na nga ang schedule ko kasama na kung sino-sino ang mga professor ko this semester.

Dear NoahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon